Chapter 1

282 119 97
                                    

Chapter 1

"Shye, What's your dream?"

It's not just a normal day because Mommy cooked my favorite food! It's her first time to cook and it tastes good.

"To be an Accountant." I answered.

"Why?" tiningnan niya ako ng may halong pagtataka.

"Because I'm good at counting money," I proudly said. Totoo naman kasi! Magaling ako pagdating sa pera, 'di mo ako mauutakan d'yan.

"You're still in grade 5, magbabago pa 'yang gusto mo." Bakit? Ayaw niya ba akong maging Accountant? nagkibit-balikat na lamang ako. Parang iba 'yong inaasahan niyang magiging sagot ko sa tanong niya.

Maybe, she wants me to be a Model like her. They said that I'm beautiful but I know in myself, I'm not as beautiful as my mother. Or she wants me to be an Engineer like my father but I don't have the skills or even the intelligence.

Iniidolo naming magkakaibigan ang mga magulang namin. Magkakaibigan sila noon. Minsan pa nga ay ginagaya namin ang pananamit at kilos nila, pati na rin kung paano sila magsalita. Sabi ni Manang Beth ay parang little version daw kami nila Mommy pero hindi ko pa sila nakikitang nag-sasama, puro sa pictures lang.

Umakyat na 'ko sa kwarto ko after that dinner. Humilata ako sa kama dahil sa pagod ngayong araw. Nakakapagod kayang dumaldal sa katabi at umupo ng almost 10 hours.

Habang nakahiga sa kama, nagiisip ako ng p'wede naming gawin nila Tam at Camilla bukas.

It's saturday so It's Friends Day!

Maaga akong matutulog para maaga rin akong magigising. Baka madatnan nila ako dito sa kwarto na sarap na sarap sa pagtulog.

Laging silang pumupunta sa bahay para mag-laro ng games at makapag-bonding kaming tatlo. Nagkikita naman kami lagi sa school pero hindi kami nagkakasawaan. So we called Saturday as Friends Day! 

I woke up at 10 am. Naligo muna ako bago bumaba. Naroon na si Manang Beth sa kusina at nagluluto ng pagkain.

"Goodmorning Manang, What are you cooking po?" lumapit ako sa kanya para amuyin ang niluluto niya. It smells good.

Manang Beth is our one and only kasambahay. Bata pa lang daw si Mommy hanggang sa ipinanganak ako ay nand'yan na raw siya. She's always with me when my parents are not around. She's like a second mother to me.

Hindi na rin iba sa 'min si Manang Beth, itinuturing na rin namin s'yang pamilya at pangalawa kong nanay. Minsan ay pumupunta ang anak n'ya dito na si Ate Beatrice at tinutulungan ako sa mga assignments ko. Sinabi ko noon sa kanya na dito na lang s'ya tumira dahil nandito naman si Manang Beth at wala s'yang kasama sa bahay nila pero ayaw n'ya kasi raw malayo sa pinapasukan niyang school. Gusto ko na nga siyang maging kapatid.

Kahit laging wala sila Mommy't Daddy never kong nafeel na nagkulang sila sa pagmamahal sa 'kin. Nandito naman lagi si Manang Beth para sa 'kin at puno ako ng pagmamahal nilang lahat.

"Adobo, Shye." sabi niya. Masarap itong magluto si Manang Beth, eh. Amoy pa lang masarap na. Kaya nga minsan napaparami ang kain ko. "Maagang umalis ang Mommy mo, may photoshoot daw siya. Hinatid siya ng Daddy mo at pumasok na sa trabaho." i know.

Kahit 'di naman sabihin ni Manang, alam ko na. Okay lang naman sa 'kin, nabibigyan pa rin naman nila ako ng oras, hindi nga lang madalas. Naiintindihan ko naman na para sa future ko ang ginagawa nila. I understand them because I love them so much.

Tam and I were playing chess while Camilla is busy stalking her crush on Instagram. "Grabe! Franze is so pogi talaga," Camilla is talking about her highschool crush. "Kanina, nagkatitigan kami. I can feel the chemistry between us!" kinikilig pa niyang sabi.

Trapped in AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon