Thankyou for the book cover @lesachelois <33
Enjoy reading!
xoxo.
Chapter 4
"Si Gab nga pala at si Miguel."
Nanigas ako sa kinauupuan ko at 'di ko magawang mag angat ng tingin sa kanila. Bakit ba kasi ngayon pa? Kung kailan ang haggard ng mukha ko saka ko pa siya nakita at makakasabay kumain. Hindi ko alam kung ang suwerte ko ba ngayon o ang malas, eh.
Gusto ko na lang tumakbo at iwan sila kaso baka sabihin naman nila nababaliw na 'ko.
"Long time no see, ah." ani Tam. "These are my friends nga pala." Hala.
Binilisan ko na lang ang pag-kain ko para makaalis ako dito. Sasabihin ko na lang sa mga kaibigan ko na may tatapusin akong assignment. Hindi naman siguro sila makakahalata.
"Hi, I'm Camilla Riche Fortez." Kahit hindi ko siya lingunin alam ko nang abot hanggang tainga ang ngiti ng isang 'to.
Siniko ako ni Camilla kaya nilingon ko siya ng may halong inis. Ang hilig nilang maniko, ah. Pinandilatan niya ako ng mata kaya nakuha ko naman agad ang ibig sabihin no'n.
P'wede bang iskip na lang 'yong pagpapakilala?
"Shye." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at gano'n na lang kaba ko ng nakitang nakatingin din siya sa 'kin. Agad din akong yumuko at pinagpatuloy na lang ang pag-kain.
Shit. Kanina pa ba siya nakatingin sa 'kin? Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Paano mo nagagawa sa 'kin 'to, Gab? Ayan na naman 'yong parang kiliti sa t'yan ko.
"Sorry, shy type kasi 'yan kaya ganyan." tumawa rin sila dahil sa sinabi ni Tam. Humanda ka sa 'kin mamaya Tamara Sofia.
Tatayo na sana ako dahil ubos ko na ang pagkain ko nang tapakan ni Tam ang paa ko sa ilalim ng mesa. "Aray!" sigaw ko sabay tingin ko ng masama kay Tam.
Nilingon niya rin ako na kunwari'y nagtataka. "Bakit?" inirapan ko na lang siya. Galing mo umakting Tamara! Mapag-panggap!
Nakatingin din silang lima sa 'kin kaya napapahiya akong nagbaba ng tingin. Puta. Nakakahiya baka isipin nila ang weird ko. Nandito pa man din ang crush ko!
Kasalanan 'to ni Tam, eh!
Nilabas ko na lang ang libro ko at tahimik na nagbasa. Bahala sila d'yan kung ano pag-usapan nila.
"Alis na kami, Tam, Camilla, Shye." Nag-angat ako ng tingin kay Ethan at ngumiti.
Hindi ko alam kung matutuwa ako na aalis na sila o malulungkot dahil 'di ko na naman alam kung kailan ko siya makikita. Haaay. Ewan ko ba.
Hinampas ko agad sa braso si Tam at tinawanan niya lamang ako. Kainis 'to!
Pumasok na agad kami sa susunod naming klase pagkatapos no'n. Buti na lang at hindi kami late. Nag quiz bee kami by group sa English, hindi kami prepared! Hindi tuloy namin alam isasagot namin. Mahilig siguro 'to si Miss sa mga surprise quiz.
Natapos ang English subject namin na lahat kami ay badtrip pati si Miss dahil niisa sa 'min ay walang masagot. Lalo na si Tamara dahil favorite subject pa naman daw niya 'yon.
"Sana pala nagreview ako kagabi, kainis naman!" gusto kong matawa sa itsura niya ngayon parang magdidikit na ang kilay niya sa sobrang salubong nito.
"Fove muna tayo, mukhang kailangan ni Tam ng iced tea, eh. Init ng ulo." tuma-tawang sabi ni Camilla. Sige, asarin mo pa baka bugahan ka niyan ng apoy.
BINABASA MO ANG
Trapped in Amour
Novela JuvenilShanelle Ysable Cepeda's dream is to be an accountant. Her life was so ideal. Full of love and contentment. ...not until she met a guy she didn't she would love thoroughly.