I really tried my very best para pahabain 'tong chapter na 'to guys haha. Papahabain ko na rin 'yong mga next chapters.
KEEP SAFE!!
Chapter 6
"The fuck, Shye? Bakit ka ba nagmamadali?"
Nabangga ko si Tam sa sobrang pagmamadali kong umalis ng classroom. Ngayon ang uwi ni Sia galing London, 11:30 am dapat kami magkikita sa Habitual Cafe kaya gayon na lang ang pagmamadali ko because it's already 11:40 am! Medyo malayo pa naman dito sa school 'yon. Nag-extend pa kasi 'yong teacher namin sa Filipino kaya late na 'ko sa usapan namin! Nasobrahan kasi sa pagk'wento.
Kung pwede lang na hindi pumasok ngayon para ako na ang sumundo sa kanya sa airport ay ginawa ko na. But unfortunately, madaming quiz ngayong week dahil next week ay pasahan na ng requirements every subject. Malapit na rin kasi ang Quarterly Examination namin kaya magsisimula na rin kaming magsunog ng kilay. Mahirap na baka bumagsak.
"Saan naman ang lakad mo? You're not going to take us with you?" tanong sa 'kin ni Camilla na animo'y nagtatampo.
"Magkikita kami ni Sia. You two can come with me if you want." I said smiling at them.
"No, I'm just kidding. Take care, hun." ani Camilla habang tumatawa. Alam ko namang joke niya lang 'yon pero kung gusto naman nila sumama, why not? p'wede ko naman silang dalhin para maipakilala ko na sila kay Sia.
"Are you going somewhere too?" tanong ni Tam kay Camilla na abala sa paglalagay ng lip tint sa kanyang labi.
Pinanood ko ring maglagay ng kung ano-anong make up si Camilla sa kanyang mukha. I can say that Camilla is the most maarte between the three of us. I do skin cares but I don't put make ups on my face. I have tried it once and I never did that again. It feels heavy on my face.
First time ko lang nakita si Camilla na nag make up dito sa school. It's not a big deal to me, though. I'm just not used to it. Ang alam ko ay nagma-make up din si Tam pero kapag may occasion nga lang.
"May study date lang kami ni Ethan, malapit na rin kasi 'yung Quarterly Examination natin." pigil kilig niyang sabi.
What? Study date? Ginawa niya pa talagang dahilan 'yong exam namin para lang makipag-date. Noon ay library tapos ngayon ay study date na. Halata namang hindi para sa study ang pupuntahan niya. Study pero naka-make up? hindi naman talaga siya nag-aaral tuwing may exam kami noon. Sumasama siya sa group study namin pero ang ginagawa niya lang ay manggulo sa 'ming dalawa ni Tam. Mataas pa rin naman ang score niya sa exam kahit na hindi siya nag-aaral.
"Bakit si Ethan pa 'yong kasama mong magreview, eh, grade 8 na 'yon?" she said playfully. "Moves, huh?"
Nagpaalam na 'ko sa kanila at hinayaan ko ng si Tam ang gumisa sa kaharutan ni Camilla. Weeks pa lang silang naging close tapos study date agad? too fast.
Buti na lang ay hinatid ako ng driver namin at hindi traffic kaya mabilis din akong nakarating sa Habitual Cafe. Naroon na si Sia sa loob at nakaupo sa pang-dalawahang table. Nakapag-order na rin siya ng dalawang strawberry milkshake sa sobrang late ko.
"Sia!" I excitedly said. "I missed you!" I hugged her tight because of excitement. "Sorry, I'm late." sabi ko sa kanya sabay peace sign.
"It's okay." she laughed at me. "I missed you too, Shye!"
"How did you know this cafe?"
Mas alam niya pa 'tong cafe na 'to kaysa sa 'kin kahit nasa London siya nakatira. Baka pumupunta siya dito tuwing nagbabakasyon sila?
"I just asked my cousin if where is the nearest cafe to your school." I just nodded and sipped my shake. "Sorry, I ordered already."
"No, it's okay. I like this naman." I smiled at her. Pasok naman sa panlasa ko kaya okay na.
BINABASA MO ANG
Trapped in Amour
Teen FictionShanelle Ysable Cepeda's dream is to be an accountant. Her life was so ideal. Full of love and contentment. ...not until she met a guy she didn't she would love thoroughly.