Chapter 9

85 30 22
                                    

Happy 1k+ reads!! Thank you so much <3 So much appreciated!!

Don't forget to wash your hands and sanitize. Don't go out of your houses unless it's necessary. Please be healthy, people. Stay safe by staying at home!! 

xoxo.

Chapter 9

"Lola ko 'yon."

Tumitig siya sa 'kin ng matagal saka bumuntong hininga at nagpa-unang maglakad pabalik sa classroom. Parang may ibang kahulugan 'yong titig n'ya sa 'kin pero hindi ko malaman kung ano. 

Wala pa 'yong susunod naming teacher pagdating namin. Si Tam naman ay nakaupo malapit sa bintana at nakatulala, malalim ang iniisip.

Hindi ko alam kung bakit gan'to na lang ang naging reaction niya nang makita niya ang Lola n'ya. Ano kayang problema? Sa tagal ng pagkakaibigan namin ay hindi pa namin nakikilala ang Lola n'ya. Hindi rin naman n'ya ito nababanggit sa 'min. 

'Yun ang unang beses na nakita namin ang Lola n'ya. May hawig din s'ya ni Tita Sania. Hindi mo mahahalata na matanda na s'ya at may apo na, kung titingnan mo kasi s'ya ay parang nasa mid 40's pa lang s'ya. Siguro ay ka-edad lang siya ng Lola ko. Gaya ng Lola ko ay maganda rin ang postura nito at mukhang sophisticated. Naiimagine ko ng gan'to ang magiging itsura ni Tita Sania at ni Mommy kapag tumanda. 

Namimiss ko tuloy ang Lola ko. Matagal ko na rin s'yang hindi nakikita dahil nasa Cebu s'ya ngayon. Gusto niya raw ang simoy ng hangin ng probinsya.

Hindi na rin namin s'ya tinanong pa pagkatapos no'n. Ang weird nga, eh. Minsan ay napapatitig s'ya sa 'kin tapos kapag tinanong ko naman kung bakit ay umiiling lang s'ya. 

Ano kayang problema niya?

"Election na, Iboto na

Tayo na't magkaisa

Tayo na't iboto na

Simulan na ang saya

Boom KIKI KIKI, Boom KIKI KIKI

Ang KIKI, Ang KIKI iboto na." pagkanta ni Camilla.

Nand'to kaming tatlo sa school ground dahil last day na namin ngayon sa community service. Nakagawa na rin kami ng short

 jingle para campaign dahil next week na 'to magaganap ito. Pinalitan namin 'yong lyrics ng Boom Tarat Tarat para catchy pakinggan. 

"Anong pinili n'yong color para sa partido natin?" tanong ko sa kanila. Sila na kasi ang pumunta sa faculty ni Sir para sabihin ang magiging kulay ng partido namin dahil sumama ang t'yan ko no'ng araw na 'yon. Ayaw ko namang magkalat dito sa school 'no.

"Hindi ko alam," aniya sabay tingin kay Tam. "Siya ang tanungin mo, s'ya 'yong pumunta kay Sir, eh."

"Pink." 

Bakit ba hinayaan ni Camilla 'tong si Tam na pumili at magsabi kay Sir? Ang theme namin ay kalinisan ng paligid tapos pink? Really? May clean and pink ba? Anong connect ng pink sa kalikasan?

Sarkastiko akong ngumiti sa kanya at tiningnan ang ginawa n'yang fliers. Buti naman at hindi n'ya 'to ginawang pink lahat. Pang-girly pa rin naman ang design pero p'wede naman na. 

Kumpleto na ang lahat ng kinakailangan namin at ready na kami next week. Napagdesisyunan namin na magpa-print ng shirt para mas maganda tingnan. Kakilala namin 'yong may-ari ng T-shirt printing shop kaya may discount kami. 

"Ready na ba ang mga KIKI n'yo?" tanong ko sa kanila sabay halakhak.

Ang meaningful talaga ng pangalan ng partido namin.

Trapped in AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon