Chapter 5
"Alam mo Camilla, nagmumukha kang stalker sa ginawa mo kanina."
Katatapos lang ng P.E namin at papunta na kami sa Fove dahil break time na. Kaming dalawa lang ngayon ni Camilla, may kailangan daw kasing hiramin na libro si Tam sa library.
"Ano? Hindi ko naman alam na pupunta sila do'n 'no" maang-maangan niya pang sabi.
Hindi daw alam. Kaya pala panay ang tingin niya sa may pintuan, naghihintay pala ng grasya. Saan naman kaya siya nakakakuha ng gano'ng information? Baka naman iniistalk n'ya na si Ethan?
OMG! Hindi kaya gusto niya maging NBI or di kaya Private Investigator? Maybe I can hire her in the future!
"Akala ko ba ay si Franze lang ang one and only mo?" tanong ko sa kanya nang makahanap na kami ng table. "You two have spark, right?"
Si Franze na 'ata ang pinakamatagal niyang naging crush, eh. Hindi ko nga akalain na matatagalan niya 'yon, ang sungit-sungit. Bilib na sana ako sa galing niyang gumawa ng paraan kaso hindi man lang siya crinush back no'n. Hindi 'ata s'ya type. Sayang lang ang effort niyang tumakas papunta dito sa Highschool Building noon.
"Akala ko rin spark na, eh. Short circuit lang pala." she smirked. Natatawa na lang ako sa mga sinasabi niya. Parang hindi man lang nasaktan, ganyan ba talaga kapag may bago na?
"So, Si Ethan na bago mong one and only?" tanong ko sa kanya.
"Me?"
Nagkatinginan kami ni Camilla at lumaki pa ang mata namin sa gulat dahil sa boses na 'yon. "Boses lalaki." ani Camilla na may halong pagtataka.
Si Ethan ba 'yon?
Sabay kaming napalingon ni Camilla sa gilid namin. Naroon si Tam na naka-ngising aso at pataas-taas pa ang kilay. Kailan pa naging boses lalaki itong kaibigan ko? Lumingon siya sa likuran niya kaya napalingon din kaming dalawa ni Camilla. Lumapit si Ethan sa table namin at naupo sa tabi ni Camilla habang si Tam naman ay tumabi sa 'kin. Siya pala 'yong nagsalita. Bakit ba kasi kasama niya 'yan? Akala ko ba pupunta lang siyang library dahil may hihiraming libro? Bakit parang hindi libro hiniram niya? Mapapaamin ka ng wala sa oras nito, Camilla.
"You have crush on me?" nakangiting ani Ethan habang nakaturo sa sarili niya.
Hindi ko alam kung confident lang ba talaga siyang itanong 'yon o nagyayabang lang, eh.
"Yeah, so what?" tinaasan pa ng kilay ni Camilla si Ethan na nagpawala sa ngiti nito at nagpaawang sa kanya. Hindi 'ata siya makapaniwala na diretso siyang sasagutin nito, akala 'ata niya magpapakipot pa si Camilla sa pagsagot.
Kung alam mo lang dude, mas mataas pa confidence n'yan kaysa height niya.
"I'm hungry na. Kanina pa ba kayo dito, Shye? Wala pa rin kayong order." nagrereklamong tanong niya sa 'kin at lumingon kay Ethan. "Order muna kayo lasagna, masyado na kayong cheesy d'yan." utos niya at nagbigay ng pera sa kanya.
"My treat." sabi niya at ibinalik kay Tam ang pera. Lumingon siya kay Camilla nang nakangiti "What do you want?"
"Do you know what's on the menu?"
"No." iling niya. "But you can name what you want to eat, i'll buy for it." nakangiti niya pa ring sabi.
Nice teeth, dude.
"Me 'n U." kumindat pa siya. Lumawak ang ngiti ni Ethan at umiling-iling bago tumayo at nag-order. Mukhang kinilig sa banat ng kaibigan ko.
May pa-inis inis pa s'ya kahapon dahil natapunan s'ya sa uniform tapos ngayon ay bumabanat na.
BINABASA MO ANG
Trapped in Amour
Teen FictionShanelle Ysable Cepeda's dream is to be an accountant. Her life was so ideal. Full of love and contentment. ...not until she met a guy she didn't she would love thoroughly.