Chapter 8

95 34 20
                                    

Sorry for the slow update. Enjoy reading! <3

KEEP SAFE!!

Chapter 8

"Anong pangalan ko sa contacts mo?"

Kumakain kami ngayong tatlo sa office ni Tita Mina dahil wala kaming teacher sa dalawa naming subject. Sa Fove talaga dapat kami kakain at tatambay pero nakasalubong namin si Ms. Kim at sinabing do'n na lang daw kami kumain.

Nagtanong ako kay Camilla dahil nagtataka kasi ako kung bakit alam no'ng nakakuha ng phone ni Camilla ang buong pangalan ko? Hindi naman gaanong kadami ang mga kaibigan ko dito sa Missi Academy at hindi ko rin naman binibigay buong pangalan ko sa ibang tao. Kapag tinatanong ako ay nickname ko lang din naman ang sinasagot ko.

"Shye," sagot niya na nagpakunot ng noo ko. Sino kaya 'yon? "Why?" umiling na lang ako sa kanya at nagsimula ng kumain. Makikila rin naman namin s'ya mamaya.

Nahihiya kaming sumabay sa pag-kain kay Tita at sa secretary niya dahil sa nangyari kahapon, buti na lang at hindi na niya binanggit pa iyon. Nag-order lang sila ng pagkain sa isang fast food restaurant. 

Hindi naman masungit si Tita Mina. Actually, sobrang bait nga niya lalo na kapag nasa bahay, parang anak na rin ang turing n'ya sa 'min. Nagiging strict lang siya dito sa school para ma-discipline niya ang mga students dito sa school.

"May isa pa kayong subject mamaya?" tanong ni Tita sa 'min. Tumango naman kaming tatlo. May Filipino Subject pa kami mamaya bago mag-break time. "Dito na kayo kumain tuwing break time n'yo hanggang sa matapos n'yo ang Community Service." nasamid kami at napa-angat ng tingin sa kanya. 

"Huh?!" nagulat kami sa biglang pasigaw na sabi ni Camilla, pati rin s'ya ay nagulat sa ginawa niya. "I mean, huh-prrove." pag-dadahilan niya at nag-approve sign pa. 

Huh-pprove? What a wonderful word.

Gusto kong matawa sa isipan ko dahil halata namang nagdadahilan lang s'ya. P'wede naman siguro naming sabihin kay Tita na kukunin namin ang phone n'ya? 

Nag-ring ang telephone kaya hindi na lang s'ya pinansin ni Tita. Umalis ang secretary niya para sagutin ang tawag. Patuloy pa rin ang pag-kain nila habang ako ay kumakain ng nakatitig sa kanya. Napaka ganda talaga ni Tita. No wonder why our moms are best friends before.

Kwento sa 'kin ni Mommy noon na apat daw silang magkakaibigan. Si Mommy, Si Tita Mina, Tita Sania at 'yong pinangalanan n'yang Zara na namatay daw dahil sa sakit na leukemia. Ang sabi pa n'ya ay simula raw ng namatay ang isa nilang kaibigan ay hindi na sila nag-usap pang tatlo. Hindi naman sinabi ni Mommy ang dahilan kung bakit.

"Mrs," pag-tawag niya kay Tita. Mrs. talaga ang tawag kay Tita dito sa school para raw mas pormal. "The principal of Wester High Academy is looking for you." 

"Okay. Excuse me, ladies." ngiti n'ya sa 'min bago lumabas.

Kami na lang tatlo ngayon ang natitira sa loob. Lumipat si Tamara sa upuan ni Tita Mina para magkaka-harap kaming tatlo. Ito na ang tamang oras para pag-usapan namin ang pagkuha sa phone ni Camilla mamaya. 

"What now?"

Hindi naman namin alam na may balak pala si Tita na dito kami lagi kakain tuwing break time. Kaya ngayon ay namomroblema kami kung paano namin kukunin iyon.

"Sabihin na lang kaya natin kay Tita." suhest'yon ni Tamara.

"Hindi tayo papayagan. Baka isipin ni Mommy na lalabas lang ulit tayo." kung sa bagay.

Nag-bigay kami ng kanya-kanya naming mga suggestion hanggang sa mapagka-sunduan namin na pupunta na lang muna kami saglit sa Fove pagkatapos ng isa pa naming subject. Hindi naman siguro kami matatagalan sa pagkuha lang ng phone.

Trapped in AmourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon