Chapter 3
"Grabe! Akala ko simple drawing lang 'yong TD. Ang hirap pala!" nagrereklamong sabi ni Camilla.
Akala ko rin madali lang 'yon, drawing drawing lang gano'n. Pero may sukat pa pala. Ang dami pang gamit na kailangan tulad ng T-square, illustration board, bond paper, ruler, eraser, compass, scale ruler, 45 degree set square, 30 by 60 degree set square at pencil dahil 'di muna raw kami gagamit ng drawing pens.
Kahinaan ko pa naman ang drawin na 'yan! Wala man lang akong ka-art art sa katawan.
Basic pa lang naman daw ang gagawin namin sabi kanina ni Mrs. Ceniza. May basic pa pala do'n? Mukhang mahirap naman lahat, eh, lalo na sa 'ming hindi magaling mag-drawing. Last subject namin 'yon tuwing Friday at vacant naman namin ang time na 'yon tuwing Monday to Thursday.
"Nakakagutom 'yong subject na 'yon, ah. Tara nga muna sa Fove." anyaya ni Tam sa'min. 2 hours ba naman, sinong hindi magugutom do'n? Ang hirap pa!
Konti lang ang tao nang pumunta kami sa Fove kaya mabilis din kaming nakahanap ng table para sa 'min. I just ordered baked mac and orange juice, wala kasi 'yong paborito kong lasagna. Bumalik na ako sa table namin at hinintay sila.
'Di rin naman nagtagal at sumunod din sila agad sa'kin dala ang kanilang mga pagkain. "Takaw." I muttered when I saw Tam's food. Mukhang gutom talaga siya.
Mabilis lang kami kumain at napagdesisyunan naming sabay na pumunta sa bookstore bukas para bumili ng mga kailangan para sa TD at iba pang subject.
Umakyat muna ako sa kwarto ko para magbihis. Ginawa ko muna ang mga assignments ko bago ako bumaba. First week pa lang namin pero may mga assignments agad.
"Manang Beth, umuwi na po ba si Mommy?" tanong ko kay Manang na naghahanda ng pagkain.
"Hindi pa, Shye." tumango ako.
"Eh, Si Daddy po?" tanong ko ulit kay Manang.
"Hindi rin." sagot niya sa 'kin. Tumango na lang ulit ako at nauna nang kumain. Baka nasa work pa sila.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako agad sa kwarto ko at naligo bago natulog.
Maaga akong nagising para sa usapan namin nila Tam at Camilla. Pupunta sila dito sa bahay at sabay sabay na kaming pupunta sa malapit na Bookstore dito sa 'min.
Tapos na akong mag ayos nang bumukas ang pintuan. "Shye, nasa baba na sila Camilla and Tam." she paused for a while. "You didn't say you were leaving with your friends today, ah." she said habang tinitingnan ang suot ko.
Simple lang sinuot ko ngayon. I just wore my white croptop and maong shorts partnered with white shoes and my Bereghini shoulder bag.
"Late na po kasi kayo umuwi kagabi, Mommy. Nakatulog na po ako." I smiled cutely at her. Magpapaalam naman talaga dapat ako, eh. Ang tagal lang nila umuwi kagabi kaya nakatulog na ako kahihintay.
Sabay kaming bumaba ni Mommy kung saan naghihintay sila Camilla at Tam. "Take care, ladies." They kissed my mom before we left the house. Hinatid kami ng driver namin papunta sa bookstore.
"Nilista ko na mga kailangan natin bilhin, alam ko naman na may makakalimutan tayong bilhin kapag hindi nilista, eh." napaka advance naman ng kaibigan kong 'to, nakakaproud.
Dumiretso kami sa Paper Supplies Section. Namimili sila ng writing stationery habang ako ay tumitingin ng magandang planner kahit hindi ko naman magagamit ito. Maganda kasi tingnan.
Nabili na namin lahat ng kailangan namin para sa school at bumili na rin ako ng books. Pumunta din kami ng watsons dahil bibili daw si Tam for her skincare. Kahit hindi naman ako gumagamit ng skincare, napabili na rin ako pati si Camilla.
BINABASA MO ANG
Trapped in Amour
Teen FictionShanelle Ysable Cepeda's dream is to be an accountant. Her life was so ideal. Full of love and contentment. ...not until she met a guy she didn't she would love thoroughly.