Chapter 2
Snappy Lift
"Mr. Facundo, gising na po si Ms. Zeffira" narinig kong sabi ng driver habang patuloy pa rin ako sa pagtingala sa napakalaking gate na ito. Not only is the gate huge but also the walls. If I am not mistaken, it is roughly around 30 feet high.
"Yes sir. Copy that" lumingon sa akin ang driver pagkababa nito ng telepono.
I closed the window and turn to him as well. "What did the creep say?" I asked referring to my dad's PA. I can't believe he came here with me!
"Nauna na pong pumasok si Mr. Facundo sakay ng Fortuner kasama po iyong dalawa pang body guards. Hinintay lang po niya kayong magising bago niya sabihing pwede nang ipasok ang limo sa loob" mahabang paliwanag niya
Since when did that slink gain the authority here? Umirap ako at isinandal ulit ang sarili ko sa leather na upuan. "Fine. Let's go" I said and the driver nodded. Nang pinaandar na niya ang sasakyan ay otomatikong bumukas ang napakalaking gate. I hold my mother's picture frame so tight.
This is really it. There is no turning back anymore.
Slowly, the limo enters the enormous gate. Isang napakalaking field ang tumambad sa akin sa bandang kanan. Sa bandang gitna nuon ay may apat na flag poles na katayo. From left to right, the colors of the flags werr royal blue, emerald green, dark chocolate brown, and maroon. Hindi ko makita ang mga nakalagay na simbolo sa bawat watawat dahil may kalayuan din ang mga ito. Nang bumaling ako sa kaliwa ay nagsisilakihang puno na parang mini forest ang bumungad sa akin at may mga lubid na nakasabit at kung ano-ano pa. Iniliko ng driver/body guard ang limo sa kanan at ang sumalubong naman sa akin ang isang napakatayog na building.
"Miss Zeffira dito po naghihintay sa inyo ni Mr. Facundo." sabi sakin ng driver at tama nga siya dahil nasa unahan ng limo ang itim na Fortuner. Dahan-dahan akong lumabas bitbit ang picture frame ni Mama at ang emerald box na bigay ni papou. Nakita kong may kausap si Mr. Facundo na isang may katandaang babae na sa tingin ko ay nasa late 40's. She's wearing a black and gold dress and she looks very sophisticated.
"What the hell is this place?" malakas kong sabi habang iniikot ang paningin sa lugar na iyon. May natanaw pa akong isa pang field kung saan may nagtatakbuhang mga kabayo na may nakasay. I can't see that much since this building is far from the field. Tiningala ko ulit ang kulay itim na building na puro salamin. It's tinted so I cannot see what is inside.
"This is Imperium Ms. Zeffira" sabi ni Mr. Facundo na nakalapit na pala sa akin kasama iyong babae.
I rolled my eyes. "Obviously it is. It's written outside."
Nakitang kong ngumiti ang matandang babae sa akin pero hindi ko siya nginitian pabalik.
"I'll take it from here Mr. Facundo" sabi niya. Tumango naman si Mr. Facundo. Nilapitan niya ang driver at kung may anong sinabi bago pinaandar ang limo.
"Mrs. Yojasmine Naro, head of the Student Affairs" inilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko iyon.
"Zeffira Ellae Augustus"
"Well noted. Daughter of Demittri Osmir Augustus and granddaughter of Gregod Osmo Augustus"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. She knows too much. "So, what kind of school is this? I was told I'd be enlightened once I get here. Enlighten me Ms. Yojasmine."
"Yes, of course. But first, let me take you inside." Iminuwestra niya sa akin ang pintuan na parang pang hotel. Pumasok kami at ang unang napansin ko ay ang gold na tiles na naapakan ko.
"Siguro ay napapansin mo na kadalasan ay gold at black ang mga kulay na nakikita mo. That's because that is the color symbol of Imperium." Ms. Yojasmine informed as we walk the lobby. May mga kwarto akong nakikita na may kanya-kayang label. I bet those are offices.
BINABASA MO ANG
IMPERIUM: The Reverie
General FictionZeffira Ellaé Augustus grew up knowing that someday, her life will meet its major turning point - she will set herself to her destined life as a worthy Augustus. But destiny played her silly when the unexpected happen – she fell in love with an ene...