Chapter 3
DeTour
May binuksang isang malaking pintuan si Taizon at tumambad sa akin ang field na may mga nagtatakbuhang kabayo na natanaw ko kanina. Ngayong malapit-lapit na ako ay napagtanto kong napakalaki pala nitong field na ito.
"Polo is one of our P.E. subjects here but you can just play anytime as long as you acquire a permit" Taizon informed. Nakita kong inilapag niya ang pink box sa isang golf cart. Umupo siya doon ay tiningnan ako. "We'll tour around the premises first. You have to familiarize every direction and place." He stated as he started the engine.
Umupo na rin ako duon at sinimulan na niyang paandarin iyon palayo sa field.
"That is our university hospital" turo ni Taizon sa building na nasa tabi ng polo field. Hindi katulad ng main bulding na kulay itim, ang hospital ay kulay cream naman. Medyo magaan sa mga mata ang kulay nito.
"Masyadong mabibigat ang mga tasks na pinapagawa sa amin dito at minsan, hindi mapipigilang may masaktan. I got admitted there once. I took a bullet on my left arm."
My eyes opened widely at his last statement. "You got shot?"
Iniliko niya sa kaliwa ang cart. "Yeah. 4 months ago? We were out to hunt and one guy shot me." He chuckled and I got more curious.
"What do you hunt?"
"Criminals and suspected traitors. We got information from the Defense Department that a group of bandits were allegedly roaming the walls. Pinadala ang team namin sa labas. Your brother was a great leader." He smiled at me bago niya itinigil ang cart at bumaba. I followed after him.
Kuya Desmond?
"He didn't...you know, got shot too, right?" I swallowed hard at my question. I can't imagine my brother shedding some blood.
"No. He was actually very agile to push me kaya sa braso lang ako natamaan. Hadn't it been for your brother, siguro malala ang naging tama ko." He flashed me a cheeky smile as if what he's telling me is not really that bothersome.
Bahagya lang akong tumango sa sagot niya.
"So...this is Dynami 1. Dito ginaganap ang mga klase natin. I can't tour you inside because I'm afraid classes are on-going right now." Tumango lang ako ng bahagya sa sinabi niya.
"But I know you're hungry so punta muna tayo sa canteen." Sabi niya at nauna nang naglakad sa akin. Pumunta siya sa isang building na katabi lang din ng sinabi niya niyang Dynami 1.
"This is where we eat."
Pumasok kami sa loob at tumambad sa akin ang iba't-ibang kilalang restaurant. Tatlong palapag iyon at parang isang mini-mall kung titingnan.
"Puro kainan lang dito sa 1st floor. Sa 2nd floor naman ay supermarket and grocery stores at sa 3rd floor ay mga fashion merchandises."
Iginala ko ang tingin ko sa paligid at may iilang mga estudyante ring kumakain doon. Pumasok si Taizon sa isang burger house at pinaupo ako sa isang silya habang umoorder siya ng pagkain. Sinabi niya sa aking magte-take out lang kami dahil may klase siya mamayang alas tres at may kalakihan daw ang Imperium kaya baka raw bahagya na naming matapos bago sumapit ang oras na iyon.
"How did you know Desmond's my brother anyway?" tanong ko nang makasakay na ulit kami sa golf cart. Binuksan ko ang burger at kinagat iyon. Gutom na pala ako. Ala una na ng hapon at hindi ko namalayan iyon. Ibig sabihin ay nasa apat na oras din ang biniyahe namin mula sa mansion naming hanggang dito. Malayo-layo din pala.
"Well..he kept on telling our team he has an untamable sister na medyo may katigasan daw ang ulo."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "H-Hey..those were his exact words. " Napakamot siya ng ulo at bahagya nalang akong tumango.
BINABASA MO ANG
IMPERIUM: The Reverie
Художественная прозаZeffira Ellaé Augustus grew up knowing that someday, her life will meet its major turning point - she will set herself to her destined life as a worthy Augustus. But destiny played her silly when the unexpected happen – she fell in love with an ene...