OPPA.7

430 17 0
                                    

Tristan

Medyo nabagot ako kaka togtog ng guitara ko kaya napag pasyahan kung bumaba muna at ng makainom ng tubig.

Pagbaba ko ay kita ko si flerton na naka prenteng naka upo sa sofa habang nakikinig ng music sa tenga nya,pansin ko din ang nagmamadaling si zenon na iba ang itsura.

"Zen-..." At agad nitong isinara ang pinto ng kanyang kwarto.

'Ang yari din?'

Pumunta muna ako sa sala pero di pa man ako nakakalapit dito ay pansin ko nang dalawang bulto sa kusina na nakatayo.

'Si Kennedy at .
.
.
.
.
Kloyd?'

Nilapitan ko naman si flerton at ginising.

"Oi!gising!"

Hindi pa din ito Nagising ng niyog-yog ko ito.

"Flerton may SUNOG!"

"HA?....ASAN?....TAKBO NA"

Hagalpak ako ng tawa dahil sa pagkataranta ng lalaking to.

"Bat ka tumatawa?"

"Priceless mukha mo ton"

Kita ko naman ang Inis nito at ibinato sa akin ang hawak nyang unan.

"Bushet ka talaga tantan!"

Ganyan yan,lahat ng pangalan pinag dodoble doble nya kapag gumagawa yan ng palayaw.

"Ano ba kailangan mo!"

"Pansin ko kasi na iba mukha ng boss ngayon"

Napakunot naman noo nito.

"Di bagay ulol!itigil mo yan"

Napataray naman ang gago sa sinabi ko.

"Maiba nga ako,bat nasakusina si kloyd at Kennedy?"

Napalaki naman mata nito at agad na sumilip sa kusina.

"Aba Malay ko,si kenken lang naman ang nagpaalam sa akin na mag luluto"

Napa laway ako sa sinabi ni ton na mag luluto si Kennedy

"Bakit andyan si kloyd?alam kung marunong sya pero diba sabi nya ni minsan ayaw nya nang mag luto?"

Nagkatinginan naman kami.

"Smell something fishy!"napatingin kami sa dalawang abala sa pag luluto,sabayan pa ang mga matang nakatingin ni Kennedy sa hubad na katawan ni kloyd.

Habang nakatingin kami ay biglang nag iba ang paligid nag pago din ang awrang kaninang maliwanag na mabilis na nag dilim.

Tumingin kami sa bandang kanan namin at laking gulat namin na nakatayo doon si zenon na may pamatay na titig na ipinupukol sa dalawang nasa kusina.

" ah zen....."at agad itong napatingin sa amin na masama ang titig.

'Nyay!takbo na!'

Hinila ako ni ton pa balik ng sala at patago kaming nag matyag sa mga nangyayari.

"Nakakatakot talaga si boss"

"Kung nakakamatay lang ang tingin,naliligo na ang dalawa sa kusina ng dugo"

"Ngayon ko lang nakitang seryuso si boss Simula ng lumipat tayo dito"

'Kahit ako ganyan din ang napansin sa kanya,nakakapanibago dahil Hindi naman ito ganyan oo nagagalit sya pero Hindi ganyan kababang dahilan'

Kita namin ang pagpasok ni boss sa loob ng kusina....

"Gyera to!"...

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐
Kennedy

Kanina pa ako naiilang at Hindi makagalaw ng maigi dito sa kusina dahil bukod sa kinakabahan ako ay sabayan pa ng hubad na katawan ni kloyd na lalong nakapag pakaba sa akin.

" a...ano sa-saan pala i-ilalagay ang mga to?"

At pinakita ko ang hawak kung arina na Hindi pa nagagamit.

"Paki lagay nalang sa taas ng kabinet"

Agad akung naglakad malapit sa entrance ng kusina at umakyat sa bangko at nilagay ang arina,pero Hindi ko pa man ito nailalagay ay laking gulat ko nalang ng bumukas ang salaming pinto at sa gulat ko ay gumiwang ang bangko na sanhi ng pagka wala ng balanse ko.

"Kennedy!" Sigaw ni kloyd,kita ko na tatakbo sana sya papalapit sa akin pero dahil sa medyo malayo sya ay wala sa oras akung nahulog sa bangko.

Hindi ako nagulat dahil sa nalaglag ako pero ang ikinagulat ko ay ang maramdaman ang isang bagay na tunutusok sa likuran ko.

'Huh?'

Tumingin ako sa likod at halos takasan ako ng kaluluwa ko ng makita ang bulto ni zenon na puno ng arina ang mukha at galit na nakatitig sa akin.....

'Patay!'....

⭐My OPPA Stranger⭐Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon