Nagising ako ng maaga sa di malamang dahilan,nag ayos ako ng sarili at niligpit ang aking higaan.
Ng nasa tapat na ako ng banyo para maligo ay bumalik ang ala-ala ko sa nangyari kahapon.
Halos Hindi ko na maigalaw ang katawan ko ng mga oras na yun dahil sa hiya at takot sa nangyari,lalo na ng walang ni isang salita ang lumabas Kay zenon at umalis lang nang bakas pa ang galit sa mukha.
Napa facepalm nalang ako dahil sa mga naalala ko.
'Nakaka hiya ka talaga!'
Huminga ako ng malalim at tinatagan ang loob sabay pasok ng banyo at naligo.
Natapos ako sa lahat at ready na akung umalis ng makareceive ako ng text mula sa isang UNKNOWN number.
[Hi kenken si flerton to,bago ka sana pununta dito pwede bang bumili ka ng jankfoods at ice cream]
Nagtaka naman ako sa pinapabili nya tsaka wala naman silang binigay na pambili.
[And lastly save my number 😘]
'Ayon!kiskisin ko yang mukha ng pansit kanton na to!'
[Opo😇]
At pinatay ko na cp ko,medyo kinakabahan ako na Hindi ko malaman maliban kasi sa babalik nanaman ako sa store kung saan puro mahal ang presyo ay sabayan pa ng pupunta ako sa apartment nila.
'Saya!'
Umalis na ako ng bahay at nag hanap ng sasakyan papuntang store.
Nakarating ako at as usual.
"Di talaga kumukupas kagwapuhan nila!"
"Kyah!!balita ko andito na sila sa pinas!"
"I want to meet them!"
"I love you....."
Iwan, kung sa ibang lugar laganap ang mga pokpok dito naman laganap ang mga mahaharot!
Nagtungo na akung loob ng store at naghanap ng mga jankfood na pwedeng kainin ng mga aso ko char!mga amo ko.
Nang Natapos ako ay umalis na ako ng store pero grabe lang ang pagkakataon at isang malakas na ulan ang bumungad sa akin ng nasalabas na ako ng store.
'Ka galing!'
Nag hintay ako ng pag hupa ng ulan na medyo lumalakas pa na parang bagyo na kung tutuusin.
Napahinga ako ng malalim gayong papel ang balot ng pinamili ko at kung tatakbo ako sa ulanan ay Hindi na aabot pa ang papel at ang ice cream na nasa loob ay baka matunaw sa katagalan ko.
Akmang mag lalakad na ako ng maramdaman ko ang ulan na Hindi tumatama sa katawan ko kaya napatingin ako sa gilid ko.
"Alam kung kailangan mo to" kita ko ang isang lalaking may kaputian at may itsura naman di lang nga gaya sa mga amo ko na pang world class ang itsura.
"Naku...Hindi na nakakahiya naman at tsaka baka ikaw ang mawalan kapag ginamit ko to"
Ngumiti naman ito sa sinabi ko.
"Nah,kunin mo na wag kana mahiya beside may extra pa naman ako.
Di ko alam pero sa ginagawa nyang to nag munukha syang manliligaw ko.
'Assuming lang po ako'
"Talaga ba?salamat ha" at binigyan ko ito ng matamis na ngiti.
"No problem,pano mauna na ako" tumango nalang ako at nag wave sa kanya.
Nagulat ako ng makalayo sya ng konte ay sya namang pagsulpot ng kotse sa harap nya at sumakay.
'Ayon!may service pala kala ko kung ano sinasabi nyang extra'
Naglakad na ako papuntang apartment ng mga boss ko,napansin nyo papunta doon sakay tapos pauwi lakad e na short ako e pabilhin ba naman ako ng walang binigay.
'Yayaman kuripot naman'
Nakarating ako sa apartment na medyo nilalamig na dahil sa malakas na ulan na may kasamang malamig na hangin.
Pero Hindi ko iyon pinansin at ang pinag tuuanan ko ng pansin ay ang kaba na nararamdaman ko gayo'y nandito na ako sa apartment.
'Takbo na Juliet!baka mahabol ka ni romeo'
Huminga ako ng malalim at nasinghot ko sipon ko...charrr....at akmang bubuksan na ang pinto ng kusa itong bumukas.....