10:10 pm na at gising oa ako para lang matapos ang chapter 1-15,kaya sana naman makakuha ako ng more vote for my store kahit online or offline ka man please click the star thank you😘💕
⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐
Kennedy2 days na ng ma discharge ako sa hospital and to be truth lang ha ang magaling kung ina ay pinaubaya ako sa mga borders nya na ipinag taka ko naman at isang katanungan ang na buo sa utak ko ng araw na yun.
'Nanay ko ba talaga to?o sadyang impakta lang ang babaeng bruha na to!'
Well di naman masyadong malala lagay ko kaya better na wala sya ay baka mag ala Claudine bare to sya sa hospital at sumigaw ng MATITIKMAN NYO ANG PAIT NG ISANG (AMPALAYA) charrr.
Ayon na nga at dahil discharge na ako ay balik tayo ulet sa trabaho at speaking of trabaho ay napapansin kung gabi na nauwi ang mga amo ko na Hindi ko naman alam kung bakit.
Sabihin na nating may trabaho sila pero,ano naman trabaho nila?
Kaya ito ako ngayon linis,luto,laba at higit sa lahat WATTPAD! na miss ko to ikaw ba naman ang daming nangyari sa ilang araw at Hindi man lang ako nakapag basa ng WATTPAD,common lover ako means (straight lover)peri minsan fan din ako ng BL means(boy love or boys love)
Ito nga ako ngayon at nakaupo sa sofa at binabasa ang FINDING MR.DADDY NI Scarletmio,Hindi ko mapigilan mamangha sa sitwasyon ng bida lalo na ng malaman kung limang gwapong lalaki ang possible na aman ng ank nya mapapa(sana all) kanalang.
Habang nasa gitna ako ng pag babasa ay sakto namang nag papatay sindi ang ilaw sa apartment at dahil sa may trauma ako sa dilim ay napatakbo ako sa isa sa mga kwarto ng apat kung amo,di ko napansin na naiwan ko cellphone ko sa baba kaya kinabahan ako lalo na ng mawala ng tuluyan ang kuryente.
Takoy na takot ako kaya napahiga ang sa isang kama at nag talakbong ng kumot ng kung kanino man to.
Amoy ko ang Amoy nito na nakaka adik at ang sarap sa ilong,Hindi matapang at Hindi rin matamis sakto lang talaga para sa lalaki.
Habang sinisinghot ko ang pabangong na aamoy ko ay isang imahe naman ng bata ang lumitaw sa aking alaala.
Isang batang Malabo ang mukha pero kilala ko ang kasama nito walang iba kundi ako.
(Ang bango naman ng pabango mo enon)
(Syempre dapat laging mabango para Hindi mo ako iwan endy)
(E bat naman kita iiwan e Hindi naman ako aalis kundi ikaw)
(Pero diba aalis ako at nangako ako sayo na babalik ako?)
(Opo naman pero dapat tuparin mo)
(Syempre di naman ako papayag na maiwan ang endy ko na matamis mag isa)
At ngumiti ang bata I mean ako ng napaka tamis.
Isang babaeng dalaga ang lumitaw sa kanilabg dalawa at ng mag sasalita ito upang tawagin ang bata ay nawala bigla ang imahe nila sa isipan ko.
Naramdaman kung may yumuyog-yog sa akin na ikina mulat ko ng mata.
Nagulat ako ng maimulat ko ang mata ko ay mukha ng kung sino ang tumambad sa akin,Malabo pa ang paningin ko pero Hindi ko alam kung baki lumabas ang salita sa bibig ko....
"Enon?"
"Endy"
Kinusot ko ang mata ko at doon ko lang nalinaw ang paningin ko na si zenon pala nasa harap ko.
"Ikaw pala zenon,pasensya na at nakatulog ako sa kwarto mo,nawalan kasi ng kuryente kaya natakot ako at pumasok sa kwarto mo"
Hindi ko alam kung anong reaction nya sa paliwanag ko pero wala naman akung nakuhang sagot.
"Siege lalabas na ako" at lumabas ma ako ng kwarto nya.
Sobrang inaantok pa ako,makauwi na nga.....
![](https://img.wattpad.com/cover/226351070-288-k199130.jpg)