Prologo

131 3 1
                                    

"Zandrex is engaged, how nice."

Napataas ang tingin ni Sabrina pagkarinig sa sinabing iyon ng kaibigan.

They are video chatting. Kasalukuyan kasing nasa set si Mixy dahil isa itong freelance model. Siya naman ay abalang gumagawa ng mga preparations para sa klase niya ngayong pasukan.

"Oh, bakit ganyan ang reaksiyon mo?" nakangising sita nito nang mapansin na nakatulala siya rito.

Mabilis siyang nagbawi ng tingin. "Anong ibig mong sabihin? Nananahimik ako rito."

"Kuuuu... h'wag kang pikon. Inaasar lang kita."

Napaikot ang mata niya. She doesn't care. Really. She's the one who broke up with him. Mabuti nga iyong ikakasal na ito para mapanatag na ang loob niya. Ang huling balita kasi niya rito ay panay ang paglalasing nito at madalas na nakikipag-away.

Mabuti na lang talaga at hindi siya nito nagawang guluhin dahil na rin sa nagpakalayo-layo talaga siya. Bukod-tanging si Mixy at ang pamilya lang niya ang nakakaalam kung nasaan siya.

Isa pa. Ayaw na niya ng kahit anong koneksiyon mula sa lalaking iyon.

"The bastard. He sent me an invitation for the party via email ngayon-ngayon lang. Mukhang uuwi na siya ng Pilipinas. Nag-send din ba sa'yo?" tanong ng kaniyang kaibigan.

He was abroad? Gulat niyang naisip.

Umiling siya habang hindi nagtataas ng tingin. Pilit inaabala ang sarili sa paggawa ng power point presentation.

"Dunno... I'll check later," she absent-mindedly mumbled. Kung anu-anong mga alaala kasi ang nagsisimulang sumagi sa isip niya.

"Pupunta ka ba kung sakaling meron?"

Muli siyang napairap. "Oo naman. Actually, that's better. Natutuwa akong magse-settle down na siya ngayon. I was actually feeling anxious about how he would end up. Mukha namang mas napabuti ang paghihiwalay namin."

Napapitik ito ng dila. "Sabe mo, e. I-forward ko na lang sa'yo 'yong invite. Haha."

"Wai---what?"

A message popped up on her screen, causing her to suddenly click on the notification and open it. Hindi sinasadya ay nabuksan niya ang sinend nitong screenshot.

Yeah... she just forgot. Her friend just caught her lying in the act. Ngayon lang niya naalala. Naka-block nga pala ang lalaki sa lahat ng social media accounts na gamit niya. She even made new ones and used an alias so he wouldn't be able to search her name.

"See? You even forgot that he doesn't have any means to contact you. Pero dahil mabuti akong kaibigan, ayan na ang invitation."

She frowned at the camera so Mixy could see her reaction. The woman only grinned sheepishly. She sighed. It's not even a big deal. Nilingon niya ang litrato. It is just a simple invitation, with Zandrex's picture, his right arm around a very pretty woman's waist who was smiling at the camera. They are both wearing formal attires.

Somehow, deep inside her being, something suddenly twisted, as if her intestines were being tugged and pulled out of her body.

Her eyes crawled to his very serious-looking face.

Kailan pa ito naging ganito kagwapo?

Tila may mga karayom na tumusok sa tiyan niya nang mapagtanto kung saan ang lugar na nasa picture. Tagaytay... Ang lugar kung saan nangako itong magpo-propose ito, para maganda raw ang view at mapa-oo agad siya.

She read the details.

Come to our wedding because you are invited!

Witness how we will tie the knot of our bond on February 16, 9:00 a.m at Transfiguration Chapel of Caleruega (Brgy. Caylaway, Nasugbu, Batangas).

Ang lugar kung saan sinabi nito na doon sila ikakasal.

"Hey, you still there?"

Gulat na nagtaas siya ng tingin at nakita ang kaibigan na pinapanood pala siya.

"Y-Yeah. Pasensya na, na-distract lang ako sa isang parent na biglang nag-message sa'kin," pagsisinungaling niya.

"Ahh... akala ko naman dahil sa sinend ko sa'yo," natatawa nitong sabi bagay na ipinag-init ng mga pisngi niya. "O, siya. Maya na lang ulit, shoot ko na. Maligo ka na rin kaya ka nagmumukhang manang e. Babush!"

"S-Sige. Bye..." sagot niya at muling ibinalik ang tingin sa litrato.

Hindi niya maintindihan. Bakit siya nasasaktan? Gayong siya itong nang-iwan.

Wala sa loob na muli niyang binalikan ang mga lumang messages nito na ilang taon din niyang hindi tinignan. Napalunok siya sa huling mensahe nito, ang dahilan kung bakit pinili niyang magpakalayo at magtago.

'Mark my words, Sabrina. I'll come and find you, and if I couldn't have you, no one else could.'

Endless AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon