Kabanata Ika-lima

28 2 0
                                    

WHEN things are getting complicated...

When things are getting out of hand...

When there is no more left to do to fix the mess...

Isn't it our right to choose to run away?

"Coward."

Nagtaas ng tingin si Sabrina nang marinig iyon mula sa bibig ng kaibigan.

"Ano'ng sabi mo?"

"Isa kang malaking duwag, Sabrina," pag-uulit ni Mixy habang nakahalukipkip na nakatingin sa kaniya.

Napanganga siya. Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng kaibigan.

"Kung nandito ka lang baka ilang beses na kitang sinabunutan," sabi niya.

Napairap ito. "Hindi ko sinabi sa'yo dati, pero iyon ang nakita ko sa ginawa mo, Sabrina. And yeah, there's a bit of selfishness in there as well."

She gave her friend a flat look. "Kaibigan ba talaga kita?"

Tumango ito nang sunod-sunod. "Yup! Kaya nga nagpapaka-honest ako sa'yo, e."

"You told me to break up with him before," she said accusingly.

"Baliw! Isang beses lang iyon. But you were like... three months in a relationship with him? Ibang usapan 'yong limang taon."

Napatitig siya sa screen ng laptop. Hindi siya makapaniwala na nagsasabi ito ng mga ganito ngayon.

Naikuwento niya rito lahat ng nangyari. Wala siyang inilihim. Pagkagising din kasi niya ay nakaalis na si Zandrex at nag-iwan na lamang ng 'Thank you' note sa post-it at idinikit sa pinto ng ref.

Mabuti na lang din dahil hindi pa siya handang harapin ulit ang lalaki matapos ang sagutan nila. Ni hindi pa nga niya matanggap na siya ang sinisisi nito.

**

**

IT was indeed, all her fault. Siya ang unang sumuko. Siya ang nang-iwan.

"Sabrina. Are you still there? Lagi ka na lang natutulala."

Nagtaas siya ng tingin. Mixy looked really worried. "Is it really my fault?"

"Hmmm... I would be lying if I said no. But, yes. A huge part of it is your fault."

Napapikit siya nang mariin. "Gusto ko lang naman ng tahimik at maayos na buhay. He's already getting married. Bakit pinag-aaksayahan pa rin niya ako ng panahon, Mixy?"

Nagkibit ito ng balikat. "He was hurt."

"I was hurt as well."

"No. Alam mo sa sarili mo kung ano muna dapat ang ginawa mo noon bago ni siya hiniwalayan."

"But, you know the reason why I did that. Why I had to choose that option," mahina niyang sabi. "At ilang taon na rin ang lumipas. He's engaged. He should leave me alone, now."

Natahimik ang kaibigan niya. "Hindi natin malalaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya Sabby. He looks desperate. But you're right, he's engaged now. Hays! Ano nga bang problema ng lalaking iyon at ginugulo ka pa rin?"

Napangiti siya. Salamat naman at naiintindihan na rin siya nito. Mixy looks irritated.

"That's what I'm trying to tell you. He should have moved on already. Pero bakit ginagawa pa rin niya sa'kin ang mga bagay na ito?"

Nanamlay ang itsura ni Mixy. "Sorry, beshie. I think it was all my fault."

"No, it's not."

"Huwag ka ng maging mabait sa'kin. Kung hindi ka namin pinilit nina Leni sa dare na iyon, hindi sana magkakaganito."

Endless AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon