Kabanata Ika-siyam

45 2 0
                                    

WALA sa sarili ang pag-iisip ni Sabrina habang nasa byahe. Puro tango lang ang ginagawa niya habang nagkukuwento si Christy. Kahit nang makarating sila sa bahay ni Mischa ay hindi rin siya masyadong nakapag-focus. Iniisip pa rin niya ang memoryang iyon na bigla na lamang niyang naalala.

She really cheated on him. Siya nga mismo ang nagsabi niyon. But, why would she do that? Saka iyong anak na sinasabi niya? Nasaan na iyon ngayon? If it happened almost five years ago, then the child would be turning four years old now.

Napahawak siya sa sintido dahil sa pag-iisip na ginagawa. Napasulyap siya sa cute na cute na anak ni Mischa na naglalaro kasama ang mga pinsan nito.

Kung totoo ngang nagkaanak siya sa ibang lalaki, dapat ay nasa apat na taong gulang na rin iyon ngayon. If she remembered correctly, Zandrex said they broke up almost five years ago. Isa lang ang naiisip niyang gawin. Nilapitan niya si Christy na abalang nakikipagkuwentuhan sa kapatid.

"Christy," tawag niya rito.

"O, bakit?"

"Puwede bang mauna na akong umuwi. Marami pa kasi akong tatapusin," paalam niya rito.

"Nakakaisang oras pa lang tayo, ah." Gulat na sabi nito matapos sumulyap sa relo.

"Ano ka ba, ate? Sulit na 'yon," singit ni Mischa bago ngumiti sa kaniya. "Ayos lang, Sabrina. Salamat sa pagpunta saka sa regalo mo kay Mishi ha?"

Ngumiti siya. "Salamat din sa pakain. Masarap ka talagang magluto."

Natawa ito. "Wala iyon. Pakikuha na lang iyong nakabalot sa ibabaw ng kusina para maiuwi mo. May pangalan naman 'yong mga iyon."

Tumango siya. "Sige, salamat."

Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya sa mga ito. Ala-sais na ng gabi pero hindi pa naman masyadong madilim. Balak sana niyang magtungo muna sa ospital para magpa-check up.

She stopped a taxi and got in. Sinabi niya ang address ng ospital na siyang pinakamalapit at kung saan siya palaging nagpapa-check up. Simple lang naman ang gusto niyang malaman. Kung nagkaanak ba talaga siya.

Hindi niya maiwasang mag-isip patungkol sa alalang iyon. It makes her feel upset and hate herself.

Why would she do something like that?

Pagkarating sa ospital ay agad siyang nakilala ng mga nurse. Dito kasi siya na-confine habang nagpapagaling siya.

"Ano ang sadya niyo ngayon, ma'am Sabrina? Check up ulit?" tanong ni Nurse Abby na siyang sumalubong sa kaniya kaagad.

Umiling siya. "Wala naman akong appointment but, I want to request for another check up." Nakangiti niyang sagot dito.

Ibinigay niya rito ang detalye. Nagliwanag ang mukha nito.

"Bakit gusto mong kumunsulta sa Gynecologist, ma'am? May pinaghahandaan ka na ba?" Mahina nitong tanong.

Bahagyang namula ang mukha niya bago ngumiti. "Naku, hindi! May gusto lang akong malaman."

"Okay, sige. Refer kita sa isa sa mga magagaling naming gynecologist. Saglit lang, ma'am ha?"

Tumango siya at naupo muna sa sofa na nasa lobby. Hindi nagtagal ay nakita na niyang bumalik si nurse Abby at may kasunod na itong doktor na nakasuot ng puting uniporme.

"Hello, good evening. I'm Dr. Marcellana. Hindi ba't parang medyo gabi na, ma'am?"

"Oo nga, e. Kaso hindi na kasi ako makakapaghintay. May gusto lang naman akong malaman." Napansin niyang parang paalis na ito. "Pasensya na."

Ngumiti ito. "It's alright. Please follow me."

Sumunod siya sa clinic nito. When they are finally alone inside, she explained to her about what she wanted to know.

Endless AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon