Dedicated to @beechyy. Thanks for adding my story to you reading lists!
PROLOGUE
Nagkaka siyahan kami nina Sahlee sa daan. Nag kwe-kwentuhan kasi kami tungkol sa mga lalaking nadaanan namin kanina. Binastos lang naman kami at tinawag na 'BABE'! Ayun, pinagpi-pyestahan na ng mga langgam dahil sa honey na sinaboy namin sakanila! Hahaha! Kung nakita niyo lang sana ang mga mukha nila ng itali namin sila sa isang poste at buhusan ng honey. Natatakot sila na parang mga bata na makagat ng mga langgam. Dapat lang naman sakanila yun noh! Nobody has ever done that to us before!
"Kayo ba ang Dauntless Godesses?" rinig naming tanong ng mga lalaki sa likuran namin. Agad kaming napa lingon sakanila. Limitado lamang ang naaaninag kong parte ng kanilang mga mukha dahil tanging ang bilog na buwan ang nagbibigay ilaw sa gabi.
"Mga manyak nanaman! Baka naman gusto rin nilang magpakain sa langgam?" mahinang sambit ni Sahlee, pero sapat na upang marinig naming apat.
"Kami nga. May kailangan kayo?" umangat ang isang kilay ko nang makita kong ngumisi ang isang lalaking nasa unahan nila. Sa tingin ko nga gusto rin nilang magpakain sa mga langgam.
"Kami ang Mega Dragon Gang, isa sa mga sikat na gang sa Pilipinas. Alam niyo naman na siguro yun noh?" Sabi ng isang lalaki sa kanyang likuran.
"Ah? Hindi eh. Sorry ha, hindi kasi namin kayo kilala. Siguro mga baguhan lamang kayo kasi ngayon lamang namin narinig ang pangalan ng gang niyo" napa awang ang mga bibig ng kabilang gang dahil sa sinabi ni Jackie. Narinig ko ang tunog ng pag a-apir nila sa likuran ko.
"Nice one Jackie" rinig kong pagpuri ni Ashley kay Jackie.
"Tama na ang satsat! Tatalunin namin kayo!" kasabay nun ay ang pagsugod ng kanilang leader. Susuntukin sana niya ako pero agad kong naiwasan ang kanyang kamao. Mabilis kong pinu-sisyun ang aking katawan at sinuntok siya sa kanyang panga. Napa ngisi ako ng mapa atras siya.
"Mabilis ka ngang gumalaw pero mas mabilis ako" saka ako kumuha ng maliliit na kutsilyo mula sa pocket ng aking pants at pinatama iyon sa kanyang direksyon. Mabilis ang pagbulusok ng mga ito pero sa kasamaang palad, daplis lamang sa kanyang kaliwang braso ang naging resulta ng paghagis ko ng mga ito sakanya.
Gumalaw na rin ang mga kasamahan niya at inatake ang mga kasamahan ko. Saktong lima ang kanilang myembro-kabilang siya- kaya naman tig i-isa kami ng kalaban.
{Third Person's POV}
Umiiral ang tensyon sa pagitan ng magka bilang gang. Sinubukang suntukin ni Melody ang kalaban niyang lalaki pero naka iwas ito. Pumu-sisyun rin ang kanyang kalaban upang patamaan siya ng suntok pero agad rin itong naiwasan ni Melody. Nagkaroon ng idea si Melody nang makita niyang walang guard ang bandang tyan nito kaya naman sinamantala na niya ito. Agad niyang sinuntok ang tyan ng lalaki kaya naman napa luhod ang lalaki at napa suko ng dugo. One down, four remaining.
Napa atras si Ashley nang masuntok siya sa pisnge ng kaniyang kalaban. Napa hawak siya sa kanyang lips at naramdaman niya ang hapdi na nagmumula dito. Nagkaroon ng cut sa kanyang sexy lips na naging dahilan upang magsimula nang kumulo ang kanyang dugo.
'Oh my God! Pano na ako makakahalik nito?' inis na sabi nito sakanyang isip. Naglabas ng siya ng ice knife na kanyang ginamit upang manlaki ang mga mata ng lalaki. Napangisi siya. "It's payback time"
Mabilis na umatake si Ashley palapit sa lalaking ito. Susuntok sana ang lalaking kalaban niya pero agad na yumuko si Ashley at isinaksak ang hawak niyang ice knife sa paa na naging dahilang ng pagbagsak ng lalaki sa semento. Napangisi siya bago pinagpag ang kanyang mga kamay na para ba itong nadumihan sa labanan nilang dalawa. "I'm done here"
"Tsk! Manghahamon, wala naman palang binatbat!" saka sinipa ni Empress ang lalaking nakahandusay sa sahig -na kanyang napatumba- sakanyang you-know-where-it-hurts niya. "Urgh!" the man groaned saka siya napahawak dito.
"Good fight girls!"
BINABASA MO ANG
Fearless
ActionHer name is Empress. Simula nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang ambush, she promised herself na ipaghihiganti niya ang mga ito at makakamit ang hustisyang nararapat para sakanila. Siya ang naging tagapagmana ng nga naiwang ari-arian ng ka...