Chapter 2

59 23 2
                                    


London

Dad, I'm here in London. I don't want you and mom to worry. I'm safe here I just wanted to be alone now. Sorry for the mess I've done. I love you dad.

I texted my dad. Ayoko mag-alala sila.... Kahit hindi ko sigurado kung mag-aalala din ang mommy ko.

Si mommy mula pagkabata hindi ko naranasan na naging concern siya saakin. Parang wala siyang pakialam saakin. Madalas niya akong pagalitan. Kahit hindi ako ang maykasalanan ako parin ang mali sa mata niya.

Si daddy naman laging busy sa company niya.  Mas malapit ako kay dad kaya lang parang wala siyang time saakin.

May dalawa akong kapatid. Si kuya Ron, 15 years ang tanda niya saakin. Ayaw niyang umiiyak ako. Bilin niya saakin kapag may nagpaiyak saakin na lalaki isumbong ko lang sakanya at makakatikim talaga ng kamao niya. Siya daw mismo ang bubugbog. Natatandaan ko noong 14 palang ako binugbog niya yung isang manliligaw ko na nangbastos saakin. Nagpapakipot lang daw ako at pinagtangkaan akong halikan. Nagsumbong ako kay kuya Ron at binugbog niya talaga ito sa harap ko. Malaki ang katawan ni kuya Ron. Pinagalitan ako ni mommy ng malaman niya ito. Ipapahamak ko lang daw si kuya kaya mula noon ay hindi na talaga ako nagsumbong kay kuya Ron.

Si ate Mich naman ay ten years ang tanda saakin. Gaya ni kuya ay protective din ito saakin. Kapag kaaway ko ay kaaway din niya. Close ako sakanila kaya lang mula ng mag karoon sila ng kanya kanyang pamilya ay hindi na kami lagi nagkikita. Sinabi ko sakanila na kaya ko na harapin ang mga problema ko kaya humag sila mag alala saakin.

🐒

"Kate, kumain ka muna naghanda ako ng makakain mo. Alam kong nagutom ka sa biyahe. Kumain ka muna anak bago ka matulog"  Si nanay Inez. Siya ang nag-alaga dati kay lolo noong nabubuhay pa ito. Namatay si lolo dahil sa cancer. Hindi siya sinitante nila mommy para may mag-alaga at magbantay parin sa bahay ni lolo dito sa Lodon. Kasama ni nanay Inez  ang asawa nitong si tatay Lando.

"kamusta po kayo nanay Inez" Niyakap ko si nanay Inez ng mahigpit dahil na miss ko siya. Siya rin ang nag-alaga saakin dati noong bata pa ako.

" Ang laki mo na Kate at ang ganda ganda mo.   Mabuti at napasyal ka dito. "

" Nay dito po muna ako ng one month ha."

"Naku kahit dito ka na tumirang bata ka. Na miss kong alagaan ka ulit"

🐒

Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako dalawin ng antok. Pinagod ko naman ang sarili ko maghapon sa pag shoshoping pero parang hindi napapagod ang utak ko. Kahit anong gawin ko para makalimutan ang mga nangyari walang epekto. Naibuhos ko na rin ang lahat ng luha ko kanina dahil sa galit ko kay Carl. Ngayon para na akong mababaliw sa kalungkutan. Tumingin ako sa orasan.

10:23 pm...

Nagbihis ako at lumabas. Kailangan ko ng alak. Gusto kong malimutan ang lahat. Gusto ko lang maging masaya.

Stuck On You  (Kate And Frank Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon