"OMG kate, look at your side, There's a lonely guy again tonight. Let's see if he can resist your charm"Malanding sabi ni Chloe saka sila nagtawanan.
Three weeks na ako dito sa London. Nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan dito. Sa bar lang kami nagkikita kita. Nalibot na namin ang ibat ibang bar dito dahil halos gabi gabi ako umiinom at nakikipag party sakanila. Madalas kong makuha ang atensyon ng mga lalaki sa bar kaya ako ang laging inaasar nila. Wala pa daw lalaking nakaligtas sa ganda ko. Tinatawanan ko lang sila dahil nag eenjoy lang naman ako. Ngayon ko lang nararanasan maging ganito kalaya.
"Go girl" Nag alisan sa tabi ko sila Chloe. Lumingon ako sa tabi ko. Nakaka attract sya. Ang tangos ng ilog, ang kapal ng kilay at bagay na bagay dito ang simpleng tshirt at maong pants na suot nito. Napatingin ako sa labi niya. Parang ang sarap halikan. Natawa ako sa sarili ko. Ngayon lang ulit ako na attract ng ganito sa lalaki. Ang unang lalaking hinangaan ko ng ganito ay sobrang laking problema ang binigay saakin.
"Hey.. " Natulala si Frank sa babaeng tumungga ng tequila niya.
"You look so stupid. You played it a while ago so I drank it."
Natauhan si Frank. Iniwas nalang niya ang tingin kay Kate. Kilala niya si Kate pero hindi siya kilala nito. Malapit lang ang bahay ng lolo nito sa bahay nila dito sa London. Naging crush niya ito dati noong nagsisimula palang ito sa showbiz.
"Hey handsome. Come on let's dance." Hinawakan ni Kate ang lalaki sa balikat. Tumayo ito at hindi siya pinansin.
Napahiya si Kate sa sarili. Alam niyang nakatingin sakaniya ang mga kaibigan mula sa malayo kaya hinawakan niya agad ang lalaki sa kamay saka tumingkayad at hinalikan agad sa ito sa labi.
Nabigla si Frank sa ginawa ni Kate. Sampung segundo ang tinagal ng halik na yun. Si Kate ang pumutol ng halik at hinatak siya palabas ng bar. Muka lang siyang tanga na nagpapahatak kay Kate. Nasa labas na sila ng bar. Hahalikan nanaman sana siya ni Kate pero pinigilan niya ito.
"Hey Kate stop it" Nainis siya sa babae dahil para itong liberated.
Nagulat si kate. Kilala siya ng lalaki.
"You know me?" paniniguro niya.
"Sinong hindi makaka kilala sayo sa Pilipinas. Magaling kang artista diba. Sinong hindi makaka kilala sa magandang si Kate Rose." sarcastic na pahayag ni Frank
Natigilan si Kate. Naiiyak na siya sa sinasabi ng estranghero. Kaya niya nilisan ang Pilipinas dahil sa mga taong negatibo ang tingin sakaniya.
"You don't know me very well. You are just like them. You judge me even though you don't know the truth."
"Kaya bago pa tuluyang bumagsak ang luha niya ay tinulak niya ang lalaki." Tumalikod na siya ngunit humarap ulit dahil muling nagsalita ito.
"Truth? Ano pala yung paghalik mo saakin kanina? Di pa ba iyon patunay na totoo ang mga balita tungkol sayo sa Pilipinas?"
Hindi na nakapag pigil si Kate. Sinampal na niya ang lalaki. At tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya.
"HINDI KO KAILANGAN IPAGTANGGOL ANG SARILI KO SAYO" Madiin niyang binitawan ang mga salitang ito. Nasira na ang gabi niya kaya umuwi nalang si Kate at hindi na nag-abala pang magpaalam sa mga kaibigan.
Nakonsensya si Frank sa mga sinabi niya kay Kate. Wala nga naman siyang pakialam sa buhay ng babae. Nainis lang siya ng bigla siya nito hinalikan kanina. Crush niya ito dati at nasubaybayan pa niya ang pag sikat nito sa Pilipinas. Ang paghanga niya dito ay napalitan ng inis dahil sa ginawa nitong paghalik sakanya ng walang paalam ay parangsinabi narin nito na totoo ang lahat ng paratang ng mga naninira sakanya. Para itong liberated na babae kanina sa paningin niya. Susundan sana niya ito kaya lang mabilis itong nakasakay ng taxi.
🐒
Pagkauwi ni kate ay nagbabad siya sa bath tub. Nagpakalayo na siya pero nasundan parin siya ng mga mapanghusgang tao. Sinabi niya sa sarili na ayaw niyang umiyak. Matatag siya at matapang ngunit eto siya at umiiyak nanan ng mag-isa.
🐒
"Kate mabuti at gising ka na. Magpapa alam sana kami sayo. Tumawag ang anak namin sa Bicol. May sakit ang aking ama. Walang mag-aalaga sakanya at malubha na ang kanyang karamdaman dala na rin ng katandaan. Nakapag paalam na kami sa iyong mommy. Pinayagan niya kaming bumalik ng Pilipinas." si nanay Inez.
"Ganoon po ba nay? Ilang linggo nalang din po ay babalik narin naman ako sa Pilipinas. Kelan po pala kayo aalis?"
"Bukas na agad ang alis namin ni Lando. Pasensiya ka na kung biglaan."
" Naku nay wala po iyon saakin. Mag-iingat po kayo pabalik ng Pilipinas ha. Makakabalik pa po ba kayo dito nay?"
"Naku- mukang malabo pa anak. Nahihiya talaga ako sainyo dahil biglaan ang pagsasabi kong aalis na ako"
"Okay lang po nanay Inez. Matagal narin po kayo nanilbihan saamin"
Niyakap nalang ni Kate ang matanda. Naramdaman niya dito ang pagmamalasakit at pag-aalaga ng isang ina kaya nalulungkot talaga siya sa pag-alis nito.
BINABASA MO ANG
Stuck On You (Kate And Frank Story)
RomanceSi Kate ay lihim na kasal kay Carl sa loob ng dalawang taon. Ang pamilya lang nilang dalawa ang nakaka alam nito at wala ni isa sa mga kaibigan nila ang naka alam. Sila ay parehong artista at nagulat ang lahat dahil matapos ang dalawang taon mula ng...