PhilippinesUmuwi muna si Frank sa Pilipinas para makausap ang nobya. Pero mukang wala na silang dapat pag-usapan dahil nakikita niya ngayon kung gaano ka sweet ito kasama ang isang lalaki sa restaurant. Alam niya na business man din ang kasama nito dahil anak ito ng CEO ng isang malaking kompanya. Tiningnan lang siya ni Melody at saka nag-iwas ng tingin. Nakita niyang tumaya ang babae para mag cr. Humanap siya ng tyempo para makausap ang babae. Nangmakahanap ng tyempo ay nilapitan niya agad niya ito. Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa. Tinanong niya kung paano na ang relasyon nila.
Lumingon lingon muna ito sa paligid bago mahinang nagsalita.
"Frank ... Kailangan ko pa bang sabihin na wala na tayo? Hindi pa ba malinaw sayo? Ikakasal na ako next month. Break na tayo Frank.""Ganun lang kadali sayo Melody? Mahal kita at handa akong ipaglaban ka. Sinunod ko ang mga gusto mo at pinaniwalaan ko ang lahat ng sinabi mo. Naniwala ako na mahal mo ako at ikaw ang gagawa ng paraan para matanggap ako ng dad mo. Kahit gusto kong ipaglaban ka hindi ko magawa dahil ikaw ang pumipigil sa akin"
"Frank... Please... Hindi alam nila dad na boyfriend parin kita. Please. .... May iba pang babae na para sayo..... Sorry" pinipigilan nitong umiyak... Yayakapin sana ni Frank si Melody pero tinalikuran na siya nito. Napasuntok nalang si Frank sa pader. Gustuhin man niyang ipaglaban ang nobya baka magmuka lang siyang tanga. Paano niya ito ipaglalaban kung ito mismo ang bumitaw.
🐒
Tatlong-araw lang si Frank sa Pilipinas. Sinamahan siyang mag-inom ng mga kaibigan niya. Nag-alala ang mga ito sakanya dahil baka magpakalango siya sa alak at sirain ang buhay dahil sa pakikipag hiwalay ni Melody. Isang gabi lang siyang nagpakalango. Naisip niya na tama si Melody. May ibang babae para sakanya. Babaeng kaya siyang ipaglaban at hindi siya ikakahiya. Yung babaeng kayang sabihin sa lahat na mahal siya... Hindi yung babaeng isisikreto ang relasyon sa kanya.
Kahit masakit kay Frank ay hinayaan na niya si Melody. Ayaw na rin niya malaman lahat ng tungkol dito. Kinausap narin niya ang manager niya na titigil na siya sa pag-aartista. Nanghinayang ito dahil marami raw mga direktor ang gusto siya gumanap sa mga project. Kinausap na rin niya ang ama na siya na ang kakausap sa mga business partner nito sa Lodon. Sa tingin ni Frank ay mas makabubuting siya nalang ang lumayo. Mas masasaktan lang siya kung makikita niyang kinakasal ang babaeng mahal niya.
London
Nagulat si Kate ng makita ang mga magulang pag-uwi niya ng bahay. Hindi niya inaasahang makita ang mga magulang.
"Look at your bitch daugher, Alfred. She's not yet satisfide giving shame on our names in the Philippines. What do yo want Kate? You are such a big problem in our family."
Kakagaling lang ni Kate sa bar. Hindi niya inaasahang madatnan ang mga magulang sa bahay ng lolo niya dito sa London. Hating gabi na pero tila inantay talaga siyang makauwi para lang mapagalitan. Hindi niya pinansin ang sinabi ng mommy niya. Hinalikan niya sa pisngi ang daddy niya. Nanghahalikan na niya ang kanyang mommy ay umiwas ito.
"Don't come near me Kate. You know that I have asthma. I don't like your smell. Do you really want me to die?"
"Stop it,Amanda. Take a rest. I will talk to our daughter"
"Look at the fruit of your stubbornness. You got married early. We stopped you but you didn't listen. Now look at your life is ruined."
"AMANDA"... Saway ni Alfred
"Sige Alfred. Kunsintihin mo ang malanding yan" Dinuro pa ni Amanda si Kate bago sila tinalikuran nito
"How are you, princess?" Niyakap siya ng ama hindi na napigilan ni Kate ang emosyon kaya tuluyan ng napaiyak. Ginantihan niya ng yakap ang ama. Nangulila siya sa ama. Hindi niya sinasagot ang mommy niya kahit masakit na ang mga sinasabi nito. Laging pinapakiusap ng ama na huwag niya pansinin ang ugali ng kanyang ina.
"Dad, bakit po galit sa akin si mommy? Mula pagka bata ganyan na siya saakin." Tanong niya sa ama.
" Mahal ka ng mommy mo. Ayaw lang niya ipakita"
"Bakit po?"
"Lasing ka lang anak. Matulog ka na" Sa tuwing itatanong niya sa kanyang ama kung bakit ganino makitungo ang kanyang ina sakanya ay binabago nito ang usapan.
BINABASA MO ANG
Stuck On You (Kate And Frank Story)
RomanceSi Kate ay lihim na kasal kay Carl sa loob ng dalawang taon. Ang pamilya lang nilang dalawa ang nakaka alam nito at wala ni isa sa mga kaibigan nila ang naka alam. Sila ay parehong artista at nagulat ang lahat dahil matapos ang dalawang taon mula ng...