Chapter 10

19 5 2
                                    

Chapter 10

Naging madalas ang pagiging magkasama ni Kate at Frank. Kapag walang trabaho si Frank nagpapalipas ito ng oras sa bahay ni Kate. Minsan pa nga ay nakakatulog ito sa living room ng bahay ni Kate. Sa umaga sabay silang nag jo-jogging. Tuwing pumupunta si Frank sa bahay ni Kate siya ang nag-luluto ng ulam madalas kasi ay sa labas ito kumakain o di kaya ay makiki kain sa bahay niya. Nakita ni Frank na nalungkot si Kate ng ibalita niyang malapit na siya bumalik ng Pilipinas. Pagbalik niya ng Pilipinas ay ipapasa na sakanya ng ama ang posisyon nito. Siya na ang magiging President ng kompanya nila.

Seryosong nagluluto si Frank kaya naisip nanamang binuin ito ni Kate. Lumapit si Kate kay Frank ng todo ang ngiti.

"Mister nandito na" sabi niya

"Anong nandiyan?" sabi ni Frank

"Nandito na ang babaeng magpapatibok ng puso mo" sabay kindat pa ni Kate.

Napangiti lang si Frank.
Ang akala kasi ni Kate hindi  na aattract sa kanya si Frank kaya lagi siya nitong tinutukso. Siya lang daw ang nakilala nitong lalaki na sobra kung umimas sa mga babae. Dumidistansya din kasi siya dito kapag nagkakadikit na ang kanilang balat sa tuwing magkatabi sila. Gusto niya si Kate... Alam ito ni Frank kaya lang natatakot siyang mapamahal ng husto sa babae. Ilang bu

"Ay hindi nga pala babae ang gusto mo. Hayaan mo madami akong ka trabaho mga gwapo at malaki ang mga katawan. Irereto kita "

Tiningnan ni Frank si Kate ng masama. Nilapag niya ang hawak na sandok . Mabilis niyang nilapitan si Kate saka sinandal sa pader. Nagulat ito sa ginawa niya. Tumingin siya sa sa labi ni Kate saka ngumiti. Aasarin lang sana niya ito pero natukso siyang halikan  ang nakauwang na labi nito. Dahan dahan niya itong hinalikan. Noong una ay hindi ito tumutugon. Pero mayamaya ay gumaganti narin ito sa kanyang halik. Nilagay ni Frank ang isang kamay sa batok ni Kate habang ay isa ay nakayakap sa baywang nito. Kumapit si Kate sa batok ni Frank dahil tila nanghihina siya sa halik nito. Biglang tumunog ang cell phone ni Kate kaya agad niyang naitulak si Frank. Tumalikod siya at sinagot ang tawag.


"Hi Mark, .... tomorrow? What time? Sure. Let's meet then."

Nakaramdam ng selos si Frank ng marinig ang pangalang Mark. Madalas niyang marinig na katawagan ito ni Kate. Nainis din siya dahil malambing si Kate magsalita tuwing ito ang kausap. Naisip niyang baka nanliligaw na ito kay Kate.

Two months ng magkaibigan si Kate at Frank

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Two months ng magkaibigan si Kate at Frank. Hindi nila namalayan ang paglipas ng mga araw. At sa paglipas ng mga araw ay unti unti ding nahuhulog ang loob ni Frank kay Kate.

"Ahm... Frank about sa---" 

"I like you."

Hindi nakasagot si Kate sa pag-amin ni Frank.

"No Frank, I mean.... Baka ano- baka like as a friend. Diba?" si Kate.

" Masaya ako kapag kasama kita. Gusto kitang alagaan at protektahan. Sana bigyan mo ako ng chance. Bigyan mo ako ng karapatang alagaan ka.  " sabi ni Frank

"Hindi ko alam kung handa na akong pumasok sa panibagong relasyon Frank

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ko alam kung handa na akong pumasok sa panibagong relasyon Frank. Alam mong kaka divorce ko palang. At ayaw kong madamay ka sa mga problema ko dahil malapit ka na din bumalik ng Pilipinas. Kapag nandun ka na... Madami kang malalaman tungkol saakin, at ayaw kong pagsisihan mo na nahulog ang loob mo sa akin ".

Niyakap ni Frank si kate . "Alam kong gusto mo din ako Kate. Wala akong pakialam kung ano ang sabihin ng ibang tao tungkol sa relasyon natin. Hindi kita minamadali. Please hayaan mo akong ipakita sayo na totoo ang nararamdaman ko."

"Ayaw kitang pa asahin Frank. Hindi ko talaga alam kung naka move on na ako kay Carl. Pero aaminin kong gusto narin kita".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck On You  (Kate And Frank Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon