Chapter 6
Pagkatapos makausap ni Frank si Johny tinawagan niya agad si Melody. Maraming beses niya itong tinawagan pero nag riring lang ang cellphone nito. Nakaraming tawag siya bago ito sumagot. Tinanong niya kung totong magpapakasal ito sa iba. Nagsorry ito at nakikipag hiwalay na sakanya pinutol na nito ang tawag at hindi na inantay na makasagot pa siya. Isang taon na silang magkasintahan ni Melody. Three months lang naging legal ang relasyon nila dahil tutol ang ama ng dalaga sa relasyon nila. Pinalabas nila na naghiwalay sila at piniling maging magkaibigan nalang. Gustog patunayan ni Frank sa ama ng dalaga na seryoso siya sa anak nito kaya lang ay nakikiusap sa kanya lagi ang kasintahan na huwag kausapin ang ama nito. Ang babae nalang daw ang gagawa ng paraan para matanggap ng ama ang kanilang relasyon. Ang babae rin ang nagtulak sa kanya pumasok ng showbiz. Isa siyang model at business man. Sinubukan niya ang pag-aartista dahil lagi siyang kinukulit ni Melody tungkol dito. Kaedad ni Frank si Melody. Pareho silang 27. Niyaya niya ang babae na magpakasal pero tumangi ito. Hindi pa daw ito handa bumuo ng sariling pamilya. Hindi sila nagbreak ni Melody at maayos ang usapan nila bago siya umalis ng bansa kaya nagtataka siya kung bakit ito magpapakasal sa iba.
Pumunta si Frank sa park na pinuntahan ni Kate kagabi. May dala siyang ilang can ng beer. Naisip niyang mas maganda mag-inom sa tahimik na lugar na napapalibutan ng mga puno. Naabutan niya doon si Kate.
🐒
Napatingin si Kate sa lalaking umupo sa harap niya. "Stalker talaga kita" sabi niya dito.
"Tsk... Hindi ka naman maganda no. Matangos lang ilong mo, manipis ang labi mo pero hindi ka parin maganda sa paningin ko" sagot ni Frank.
Ito ang unang beses na may lalaking nagsabi sakanya ng personal na hindi siya maganda pero imbis na mainis ay natawa pa siya. Tawa siya ng tawa dahil naalala niya noong hinalikan niya ito noong una ay natulala lang ito tapos noong tatangkain niya sana halikan ito ulit ay umiwais ito. Naisip niya na bakla din ito tulad ng dati niyang asawa.
" Bakit ka tumatawa? Tsk Nababaliw ka na talaga" sabi ni Frank.
Tinukod ni Kate ang dalawang kamay sa lamesa at biglaang nilapit ang muka sa lalaki. Kunyari ay hahalikan niya. Nagulat ito at iniwas ang muka sa kanya.
"Hahahahahaha... Bakla ka no? Hahahahaha"
Inasar ni kate si Frank." Tsk... Tigilan mo nga yang kamanyakan mo Kate. Ilang beses ka na nakanakaw ng halik saakin ha. Sobra ka na. Hindi na kita pagbibigyan. At isa pa hindi ako bakla kaya kitang anakan" Natuwa si frank ng makita ang masayang awra ni Kate habang tuwang tuwa siya nitong tinutukso kaya biniro din niya ito.
Nang matapos sa pagtawa naisip ni Kate na hindi niya alam ang pangalan nito. Tinanong niya ang pangalan nito at masaya silang nagkuwentuhan. Nalaman niya na artista din ito sa kabilang network. Marami silang napag kwentuhan. Nalaman ni Kate na magkalapit lang ang ninitirahan nila dito sa London.
🐒
Naging magkaibigan si Kate at Frank. Isang linggo na ang nakararaan mula ng maging magkaibigan sila. Bukas na ang balik ni Frank sa Pilipinas. Sinabi nito na tigilan na ang pagpunta sa mga bar pati ang pag-inom. Nalungkot si Kate dahil maiiwan nanaman siyang mag-isa. Masayang kasama at ka kuwentuhan si Frank kaya saglit niyang nalimutan ang mga problema.
BINABASA MO ANG
Stuck On You (Kate And Frank Story)
RomanceSi Kate ay lihim na kasal kay Carl sa loob ng dalawang taon. Ang pamilya lang nilang dalawa ang nakaka alam nito at wala ni isa sa mga kaibigan nila ang naka alam. Sila ay parehong artista at nagulat ang lahat dahil matapos ang dalawang taon mula ng...