Chapter 1

72 23 0
                                    


"Kate bakit ninyo nilihim ang relasyon ninyo?"

"Anong dahilan ng divorce ninyo?"

"kate seryoso ka na ba sa bago mong boyfriend kaya ka nakipag divorce kay Carl?"

"18 ka nagpakasal. Sobrang bata mo. Alam ba ng mga magulang mo ang ginawa ninyo. O pati sila hindi nila alam?"

Pinipigilan ni Kate ang sarili na sumagot sa mga nangingialam na press. Alam niya na hindi naman niya malilinis ang pangalan niya kahit sagutin niya lahat ng tanong ng mga ito. Ayaw niyang sakanya manggaling ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Carl.

"Magpapa press conference kami ng alaga ko. Mag-antay kayo next week, Paraanin ninyo kami".

Nagsitabihan naman ang mga ito sa daraanan namin kayat nakasakay na kami agad sa van ni manager Lyn.

🐒

"We should clean this mess. Where on earth is your damn ex-secret husband? You need to talk to him before you lose your career and everything you have."  Basag ni manager Lyn sa katahimikan.

"You should rest and get yourself ready .I will set a press conference next week. We need to settle your mess early because it may affect on your renewal of contract with the network next month."

"No need manager Lyn. I quit, wala naman akong pending na mga project and my contract with the network will expire next week. I want to be alone. Hayaan nalang natin sila kung anong gusto nila isipin at paniwalaan. At the end of the day ako parin ang mali. Bahala sila."

"No Kate hindi pwedeng hahayaan natin sila. Career mo ang nakasalalay dito."

Hindi nalang kumibo si Kate dahil alam niya na ipipilit lang ng manager niya ang mga kailangan at dapat niyang gawin. Naiplano na niya ang lahat six months ago kaya pili lang ang tinatanggap niyang project. Three months  ago nag file na siya ng divorce. Nagsimulang pumutok ang issue one month ago dahil may mga kailangan silang iprocess ni Ca!rl dito sa Pilipinas. At ngayon araw na approved na ang divorce nila ni Carl kaya dinudumog siya ng mga press.


🐒


Nandito na siya ngayon sa kanyang condo. Naglagay siya ng dalawang dress at ilang damit pang loob sa kanyang bag. Sa London nalang siya bibili ng mga damit. Ayaw niyang may maka alam ng pag alis niya.Ready na rin ang cash niya sa pitaka at nailagay na niya ang lahat ng importanteng kailangan dalhin sa pag punta sa London. 5am ang flight niya bukas. Buo na ang desisyon niya na iwanan ang showbiz at mag enjoy sa buhay. Gusto niyang takasan ang buhay niya na pinapakialamanan at kinokontrol ng showbiz.

Nang ready na ang lahat ay nagpasya siyang matulog muna ngunit tumunog ang kanyan cellphone. Si manager Lyn ang tumatawag.

"Hello. Kate, huwag kang lalabas ng condo mo . Nakita kong umaaligid sa labas ng building ang pinsang reporter ng nakaaway mo last month. Hay naku Kate hindi pa natatapos ang issue mong pag-away dun sa artistang yun tapos eto at may panibago ka nanamang gulo."

"Manager Lyn hindi naman po ako ang nagsimula nung gulo na yon. Muntik na niya akong sabuyan ng wine kaya inunahan ko lang siya. At saka pinagsisigawan niyang inagaw ko ang boyfriend niya kaya inapakan ko ang paa  niya gamit ang five inches heels ko na limited edition pa."

"Napaka maldita mo talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Sana ay hindi ka tularan ng iba pang alaga ko. Hay naku matulog ka na nga."


"Good night ate Lyn. I love you sis. Sorry for the mess" paglalambing niya


"Huwag mo ako daanin diyan sa paglalambining mo Kate. Ang akala ko best friend mo ako and I am also your manager bakit mo nagawang ilihin yon pati saakin. Matulog ka na bukas kailangan mo ikwento lahat saakin. At sandali yung bilin ko na huwag ka lumabas ha. Tigilan mo muna yang pagiging pasaway mo. Bye."


Iyon lang at pinutol na nito ang tawag.


Si manager Lyn lang ang kanyang best friend. Parang ate narin niya ito. Kaya sumama talaga ang loob nito ng malaman ang tungkol sakanila ni Carl.

May mga naging kaibigan din naman siya kaya lang kapag nararamdaman niyang pinaplastik siya ng mga ito ay siya na ang unang lumalayo. Mayroon din siya naging kaibigan na inakala niyang mabait ngunit nagkamali siya. Lumabas ang tunay nitong ugali ng siya ang piliin ng director na bumida sa teleserye. Pinamalita nito na nilandi niya ang director para makuha ang role. Hindi niya ito nagustuhan dahil mag-iisang taon palang sila na kasal ni Carl. Ayaw niya na maging problema nila itong mag-asawa. Kaya ng makita niya ang babaeng ito na kumain ng balot habang nakikipag landian sa iba pang artista ay sinabuyan niya ito ng nakitang suka sa lamesa. Nagulat ang babae at diring diri sa amoy ng suka s katawan. Nagsabunutan sila at sa huli siya ang naging masama s mata ng lahat. Akala niya ang ito na ang katapusan ng career niya mabuti nalang at magaling ang manager niya at maraming kaibigang director at boss sa network.

Mula ng maikasal sila ni Carl ay umiwas siya sa mga lalaki na nalilinked sakanya. Ngunit makalipas ang dalawang taon matapos sila makasal ay natuklasan niya ang panloloko ni Carl. Mahilig pala ito sa mga sikreto  at peke ang pagmamahal na pinaramdam nito sakanya kaya nakipag date siya sa iba't ibang lalaki ngunit hindi siya nakipag relasyon sa iba dahil alam niya na kasal siya kahit ito ay sikreto lang sa lahat.

🐒

Nakasakay na sa eroplano si Kate papuntang London. Nakatulala siya sa bintana ng eroplano. Unt-unti na bumubuhos ang luha niya habang  naiisip ang lahat ng nangyayari sakaniya.

Maldita at malandi ang tingin sakanya ng mga tao. Gustuhin man niyang ipagtanggol ang sarili alam niyang wala naman maniniwala at pagtatawanan lang siya ng mga ito. Minsan na niyang pinagtanggol ang sarili ngunit pinaratangan lang siya ng mga ito na umaarte at nagpapaawa. Napakamaldita daw niya at hindi magandang ehemplo sa lahat. Matagal na niya gusto iwan ang showbiz kaya inantay niyang matapos ang kontrata niya.

Stuck On You  (Kate And Frank Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon