Chapter 7 - Her Life

11 0 0
                                    

Shantal's POV

Mahilo-hilo kaming umuwi sa condo unit ko, kasama ang boyfriend kong si Harvey. Pagkarating sa unit ay ibinagsak ko nalang ito sa sofa saka tumungo sa kwarto para magbihis at para na rin makapagshower bago matulog.

Mabuti na nga lang at hindi ganon kaaga ang pasok sa school na kinabibilangan ko kaya nagkakaroon pa ko ng oras para mai-alis ang hang over na natatamo ko bago pumasok.

Unlike Andrea, hindi ako sing yaman nya. Hindi ako ini-spoiled ng magulang ko dahil lagi silang wala. Tanging mga kasambahay lamang ang kasama ko simula nung umalis si kuya, kaya naman napagdesisyonan kong kumuha ng unit. Nakakapanlata kase sa mansyon yung feeling na ang laki nga ng bahay mo tapos wala ka namang makausap or what. Hindi pa ko makapagdala ng lalake dun dahil binabantayan ako nila dad and mom sa mga kasambahay dun..can you imagine that? No boys? As in?! Nakakabored yung ganon.

I do flirting and doing such crazy things like having boyfriends. Nakakaloka nga eh,  yung mga boyfriends ko hindi nagagalit sakin knowing na marami sila, siguro may mga girlfriend pa yon aside sakin and that's fine. Alam ko naman kaseng sakin din naman bumabalik ang mga yon.

Pagkatapos kong magshower ay kumuha ako ng comforter para ibigay kay Harvey, tsk..hindi ako nagte-take advantage sa taong knock down na noh? I'm not that kind of girl duhh. Saka mas gusto ko yung pareho kaming aware sa ginagawa namin kapag gumagawa kami ng kababalaghan.

So ayun, pagkatapos kong ibigay sa kanya..bumalik na ulit ako sa kwarto ko nakakaramdam nanaman kase ako ng hilo kaya mas mabuting itulog na.





Kinabukasan...

As usual, masakit nanaman ang ulo ko. Ayoko pa sanang bumangon kaso wala eh, may pasok. I need to fix myself na kaya dumeretso na ko sa banyo para gawin ang mga morning routines ko.

After several minutes,nakaayos na ko. I get my keys and cellphone before leaving my bedroom. Pagkalabas ko, tumambad sakin si Harvey na nahihimbing pa rin sa sofa. I rolled my eyes as I walk towards him to wake him up.

"Hmmmmmm" ungol nya nang yugyugin ko ang katawan nito.



"Wake up, or else I'll lock you here" anas ko saka bahagyang lumayo dito.




"Five more minutes" he said



"Five more minutes your ass, wake up or I'll call security" banta ko dahilan para bahagyang magdilat ang mga mata nito.

Ngumiti naman ito sakin saka ako hinatak dahilan para sumubsob ako sa dibdib nya.


"Good morning babe" aniya na mababakas pa ang antok sa boses


"Arghhh! Get your hands off of me!" Angil ko saka itinulak ito palayo.



'Goshhh!! Mangangamoy alak ako nito eh'


Umayos naman ito sa pagkakaupo saka parang batang tumingin sakin. I gave him a glare as I shrug myself from his hug.


"Umuwi ka na nga tsk..papasok pa ko" masungit na saad ko sakanya saka ito hinatak papatayo sa sofa.

Mabuti naman at hindi ito nanlaban kaya mabilis ko lang itong nailabas sa condo unit ko. I don't care kung inaantok pa sya or kung masakit ang ulo nya. Kailangan kong pumasok dahil kailangan kong mai-maintain ang pagiging dean's lister ko.

I want to prove to my parents that I can do better than what they think. Iniisip kase nila na hindi nila ako pwedeng iwan mag-isa though ginagawa naman na nila sakin. Na dapat lagi akong may bantay dahil gagawa lang daw ako ng mali gaya ng ginawa ng kuya ko. 

Can't they understand na I'm not like kuya? Haysss nakakainis na ihinahalintulad nila ang mga ginagawa ko  sa kapatid kong yon. Na kesyo nagkamali ay ganon na rin ang gagawin ko,na gagayahin ko si kuya.

Sa totoo lang, hindi naman magiging ganun yun kung hindi puro trabaho ang inatupag nila. Kung sana pinagtuunan naman nila kaming magkapatid hindi magrerebelde ang kuya.

Napabuntong-hininga nalang ako bago umpisahan ang pagpapaandar sa sasakyan.

If my kuya Shawn is still alive, siguro may pamangkin na ko ngayon. May tumutulong sakin sa thesis, may kasama kami ni Andrea na mag hang out at may nagtatanggol sakin sa twing nababastos ako ng ibang guy sa bar.







Xander's POV

Hindi ko maalis sa isipan ko ang babaeng nakabunggo ko sa may gawing hagdanan kahapon. Kamukhang-kamukha nya si Bea..ang babaeng hinahanap ko until now.

She's my childhood bestfriend, my very first love. Four years ago nung huli ko syang makita, nawalan kami ng koneksyon sa hindi ko malamang dahilan. I tried to reach her but I didn't even know where she is or even her family. All I know is her face, kabisado ko ang buong detalye ng mukha nya na ultimo hanggang ngayon ay automatiko itong nagfa-flash sa utak ko.

Hanggang sa may nagsabi sakin na nasa ibang bansa na raw ito, na patay na si Bea. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko that time, nagsimula akong magpupunta sa mga bar. Do flirtings and having sex with some prostitutes,but still it was her. And goddamn! That girl really looks like her.

I need to know her name, I need to know where she lives, what course did she take and kung sya nga ang babaeng yon. I will ask her why did she leave and cut our connection after I confessed my feelings. She even said that she loves me too but why the hell on earth she leave me without any fvck'n reason.

Bahagya kong pinabilis ang pagpapatakbo ng motorsiklo habang patungo sa school na pinapasukan ko ngayon, nagbabakasaling matyempuhan sya ngayong araw sa parking lot.

Pagkarating ko sa parking lot, may pangilan-ngilang sasakyan na ang naririto. Hindi ko rin alam kung bakit pakiramdam ko'y may nagmamasid sakin, bahagya kong binagalan ang takbo ng motor ko habang pasimpleng tumitingin sa paligid.  Naghanap lang ako ng pagpaparadahan saka ibinaba ang helmet na suot ko,nananatiling nakikiramdam sa paligid.  Pagkasabit ko nito sa handle ay nakarinig ako ng ilang yapak papunta sakin kaya mahigpit kong hinawakan ang susi ng motor ko,  halos mapaatras naman ako sa kinatatayuan ko ng bumulaga sakin ang pagmumukha ng babaeng nakangiti saking harapan.


"Good morning!" Nakangiting bati nito.


Gusto kong mapasapo sa sariling noo ng bigla itong umangkla sa braso ko na dinaig pa sawa sa pagkakalinggis sakin.

'Tangina naman oh! ang aga-aga'

Seducing the Hot Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon