Andrea's POV
"Ano nanaman ba?" Angil nito habang nakakapit ako sa braso nito.
"Wala gusto lang kitang makasama" nakangiting saad ko na agad ding nawala ng pilit nyang alisin ang pagkakaangkla ko sa braso nya.
"Pwede ba, maghanap ka ng ibang pagtitripan mo" reklamo nya ng matanggal nya ang braso ko.
Dali-dali itong naglakad papalayo, pero syempre hindi ako magpapatalo. Sumunod ako sa kanya saka yumakap sa likuran nito dahilan para mapahinto sya.
"Anong--"
"Baby please, don't do this to me" pag-arte ko habang nakayakap sa likuran nito.
Nandito kami sa gitna ng hallway, kaya kitang-kita kami ng ilang estudyanteng napapadaan dito, nagsipaglingunan ang ibang tao sa gawi namin, napangisi ako ng magbulung-bulungan ang mga ito habang nakatingin samin.
"Hoy bumitaw ka nga!"
"No baby, hindi ako bibitaw... hindi ko kayang wala ka" saad ko saka mas humigpit pa sa pagkakakapit.
Nakita ko namang napasapo ito sa sariling noo bago muling bumaling sakin.
"So gusto mo ng show" seryosong saad nito saka tumingin ng deretso sa mga mata ko. "Okay..hindi na kita iiwan" bored na aniya habang nakatingin pa rin sakin.
Ngumisi naman ako ng nakakaloko dito, marahan akong tumayo saka mabilis na humawak sa braso nito,mahirap na makawala pa. Nanatili itong nakatingin sakin.
"Ano? Okay ka na?" Bored na tanong nito na nginitian ko naman.
"Actually hindi pa" saad ko saka mabilis na hinalikan ito sa labi.
I heard their reaction as I kiss this guy in front of them. Naramdaman kong hindi manlang tumutugon ang isang ito, halatang nagulat pa sa ginawa ko. I immediately move my lips onto his, trying to enter my tounge into his mouth.
I felt his lips moves, kissing me back..and me? It was like..oh my goshhhh!!
Naramdaman kong hinapit ako nito sa bewang, and favorable naman ito sakin. Since they will knew that this guy is mine so that no one else can steal him from me. Napansin ko nalang na wala na palang tao dito sa hallway..or maybe I'm wrong..
"Ehem!" Pang-iistorbo ng kung sino.
Agad naman akong binitawan ng lalakeng ito at tumingin sa nasa likuran ko.. and guess who's this fvck'n idiot who disturb us.
"Go to my office..NOW!!" Ani ng matandang gurang na ito na inirapan ko nalang bago hinatak patungo doon ang kasama ko.
Xander's POV
Asar naman akong nakaupo sa harapan ngayon sa babaeng walang pakundangan akong hinalikan sa hallway.
"Tsk" singhal ko ng ngitian nanaman ako nito.
"Anong kalokohan ba pinaggagagawa nyo ha?!" anas ng matandang kaharap namin..
"Kalokohan? Tch that's what you call love duhhh" saad ni Andrea saka ifinlip ang buhok nito.
'Walang galang'
"Love?! Tssk public display of affection ang ginawa nyo..and to think na talagang naglaplapan kayo sa gitna ng hallway?! Are you both insane?! Lalo ka na Miss Young! You're supposed to be the role model of your school!" Nag-gagalaiting saad nito habang nakatingin dito.
"Alam mo, ang sabihin mo..inggit ka lang dahil hindi ka pa nalalaplap" palaban na tugon nito na ikinamaang ko.
"What the?! Napaka walang galang mong bata ka! Ganyan ka ba pinalaki nila Mr and Mrs--"
"Oo? Bakit may angal ka? May magagawa ka ba?" Taas kilay na tanong nito sa matanda.
"Nananakit ang ulo ko sayo, dapat ipa-expell--
"Oh really expell?? In my own school? Baka gusto mong mauna ka?" Pagtataray pa nito.
Nanatiling palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa, waring may kidlat pa na sa pagitan ng dalawa dahil sa init ng tensyon na mababakas sa buong kwarto.
Andrea's POV
I can't believe this!
I was holding this cheap ugly thing in the garden while looking at the entire place.
"I quit" nandidiring saad ko saka ibinagsak ang walis tingting.
"Anong quit? Hoy baka nakakalimutan mong kasalanan mo kaya tayo nandito" angil ng lalaking kasama ko na sinamaan ko naman ng tingin.
Inirapan ko nalang sya saka sinipa-sipa ang walis tingting patungo sa direksyon nya. Such a gross! I would rather be suspended in this goddamn school than to touch that kadiri thing as in eewww!
"Ano ako lang magwawalis? Ikaw? Anong gagawin mo?" Reklamo nito.
"Hindi bagay sakin ang ganyang gawain.." saad ko saka naupo sa isa sa mga bench nandito.
"Kaartehan tsk" dinig kong aniya bago bahagyang yumuko at kunin ang walis.
Ginaya ko nalang ang sinabi nya saka ito inirapan. Gosh!! Bat ba kase ang kalat dito saka ano ba? Hindi ba to nililinis ng janitor? Geez! Nakahanap tuloy ang matandang yon ng nakakadiring punishment for us. Saka hello?? In our big mansion nga never akong pinaglinis dito pa kaya? She's not even my mom or dad to follow what she said..and I don't care if she's the dean or what! I have my own life to rule with at wala syang pakeelam sa mga gusto kong gawin dahil kamag anak ko ang may ari ng school.. she's just an employee here
Nandidiri kong tiningnan ang lalakeng ito na pulutin at walisin ang mga nakakalat..
How can he do that? It's kinda eeww to pick those trash without gloves or something na makakapagprevent sa bacteria na makakakapit sa kamay nya. And oh!! Look it's a big yuck!! So putek ng dahon na yon!!
I immediately shook my head while looking so disgusting to those trash.. like oh my goooodd!! I can't take it!!
I leave the entire place..I hear him call my name but I didn't bother to look back. Uuwi nalang ako kaysa mastuck sa lugar na puro bacteria, magbababad nalang ako sa jacuzzi ko while drinking some wine.
I went to our parking lot, get my key inside and start to drive on the way to our grand mansion.
About naman sa plan ko?? Well bukas nalang.. ayoko rin syang landiin sa ngayon..baka kumapit pa sakin yung mga bacteria na nakukuha nya sa paglilinis.
BINABASA MO ANG
Seducing the Hot Campus Nerd
Storie d'amoreAndrea Young, ang nag-iisang tagapag-mana ng Young Corporation, at ang tinaguriang queen bee / most popular girl in their campus. May ugaling spoiled bratitude, madali lang para sa kanyang makuha ang bagay na gusto nya, hanggan sa makilala nya ang i...