BEN'S POV"Sorry kung hindi kita pinakinggan kaagad inuna ko yung takot ko" nakayukong sabi ni Audrey sa akin. Nakuwento ko na sa kanya lahat nagulat siya at the same time disappointed siya sa sarili niya kase napaka selfish daw niya puro daw sarili niya iniisip niya.
"Misis ko don't be disappointed po sa sarili mo i understand naman okay?? wag ka na malungkot jan" sabi ko sa kanya at iniangat yung ulo niya saka hinalikan ng mabilis yung labi niya. Yung flight ko pala pinaresched ko bukas ng umaga wala late na din ako e. Okay lang nakasama ko naman yung misis ko. Andito kami ngayon sa loob ng bahay nila. Nakausap ko din kanina yung mommy niya nag explain din ako sa kaniya na agad naman niyang naintindihan. Hindi naman pwedeng kay Audrey lang ako mag paliwanag kelangan sa kanila rin syempre magulang siya ng mahal ko. Iniwan kami ni Mommy este ni tita para makapag usap si Leah at Hunter naman umuwi na.
"Kelan ka babalik?" tanong niya sa akin habang inaabutan ako ng juice.
"Next week din uuwi na ako makakasama mo na ulit ako" sabi ko sa kaniya ng nakangiti.
"Antagal naman non" angal niya sa akin
"Wala akong magagawa misis ko kelangan ko gumraduate, para din po sa akin at sayo yun" sabi ko naman sa kanya at kaagad na hinawakan ang kamay niya.
"Pasalubong ko ng girlfriend mo ahh" sabi niya sa akin.
"Sino ba dun??? AWW!" pambibiro ko sa kanya kaya agad niya akong pinalo wild namna neto.
"HAHAHAHA joke lang, oo naman kahit di ka humiling bibigyan parin kita" sabi ko sa kanya sabay kindat agad naman niya akong inirapan.
"Ay may uwi nga pala ako sayo kaso nasa bahay kunin ko lang balik ako kaagad" aniya ko sa kaniya at agad agad naman niya akong hinawakan.
"Babalik ako misis ko" nakangiti kong sabi sa kaniya, natatakot nanaman siya mukhang mag aadjust ako sa pagiging strikta ng babaeng toh wala tayong magagawa iniwan ko siya e kasalanan ko din. Lumabas na ako at kinuha sa bag ko yung uwi ko sa kaniya. Bumalik din ako saka ko inabot sa kaniya.
"Rose?" she asked and i nod quickly while smiling.
"Yes misis ko, it's an everlasting flower yung parang sa beauty and the beast. Sa totoo lang matagal na nasa akin yan last 2 years pa" sabi ko kay Audrey at hinawakan ko ulit yung kamay niya... namiss ko siya e sobra sobra
"Misis ko alis tayo pag paalam kita sa mommy mo pleaseee!!!" pagpupumilit ko sa kaniya.
"Osige basta ikaw bahala kay mommy ahh" sabi niya sa akin at nginitian ko lang siya. Pinag paalam ko agad siya at agad ding pumayag yung mommy niya.
"Saan ba kase tayo pupunta?" pamimilit na tanong sa akin ni Audrey, ang kulit naman ng babaeng toh sarap kurutin!
"Napakakulet basta wag ng maraming tanong matulog ka muna jan okay?" sagot ko sa kaniya, inirapan niya ako at agad na isinandal yung ulo nya sa balikat ko. Paiba iba ugali ng mga babae ganyan din naman ako noon nawala lang dahil kay Audrey natuto akong makipag socialize sa ibang tao.
"Nandito na tayo!!! hoy!!! gumising ka na!!" kanina pa ako nagsisisigaw dito nakalimutan kong tulog mantika nga pala toh pero kahit ganon ang ganda parin puta.
"Ano ba!!!" sigaw niya sa akin nagkibit balikat ako saka ngumuso para ituro yung signboard para malaman niya. Hindi niya siya lumingon doon kundi hinalikan niya ako sa labi kaya nagulat ako.
"Para saan yon?" tanong ko sa kaniya kaya agad niya akong inirapan.
"Diba nanghihingi ka ng kiss??" tanong niya sa akin at agad naman akong tumawa ng tumawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/106892521-288-k147115.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined Neighbors
Teen FictionPosible kayang kapitbahay mo ang nakatadhana para sayo? "I am destined with my neighbor"