PROLOUGE

88 15 1
                                    

"KYAAAHHHHH"

"WAAAAAAHHHHH"

"SB! SB! SB! SB19!"

"Hi! I'm Sejun the leader"

"Ken's here" nakakabinging hiyawan ang lumukob sa buong ground ng mall kung saan katatapos lang mag perform ng isa sa mga pinakasikat na boy group sa ngayon.

"I'm Stell"

"I'm Josh" Hindi mawala-wala ang hiyawan at pagwawala ng mga fans.

"Hi! I'm Justin"

"Get in the zone... Break! Hi, we are..." Hinihingal ngunit nakangiti parin ang isang lalaki habang bumabati sa harap ng daan daang tao.

"SB19!” nagsabay naman ang limang lalaki sa huling linya ng kanilang pagbati, halata ang hingal dahil sa pagbaba at pagtaas ng kanilang mga dibdib. Ngunit hindi maalis ang mga ngiti sa kanilang mga labi, nagpapatunay na... ganun nila kamahal ang kanilang mga taga hanga.

"That was great and hot performance!! Am I right?" Biglang may sumulpot na isang lalaki sa gilid nang stage at umakyat para makasama ang limang kalalakihan na nasa stage.

Naghiyawan naman ang lahat dahil sa sinabi niya.

"That was great, super galing niyo talagang mag perform, kaya hindi na ako magtataka na ganun nalang karami ang inyong mga taga hanga" nakangiti ang lalaki habang sinasabi iyon. Sa kabilang banda. Sa dami ng nakangiti, isang lalaki lang ang umagaw sa pansin ko. Siya si Sejun. Sa sobrang lawak ng pagkakangiti niya'y sa unang pansin parang tunay at napakaganda pero kapag tinitigan na, dun mo makikita ang lungkot sa kanyang mga mata. Bakit nga ba?.

"KYAAHHH JOSH, YOU'RE SO CUTE!!!"

"KYAAAHHH STELL, ANG GALING MONG KUMANTA"

"KEEENNNN!!! ANG GWAPO MO"

"JUSTIN! YOU'RE SO CUTIEE"

Ngayon alam niyo na?.

Iba't ibang tao ang nagsisigawan para sa kani-kanilang idolo. Mapa babae, mapa lalaki ay sumisigaw para lang mapansin. Iba't ibang lahi narin ang nandito, kahanga hangang talaga.

"Sejun, gaano kahirap ang maging isang leader?" Tanong ng host sa kanila. Naging blangko ang mukha ni Sejun bago ilagay sa tapat ng bibig niya ang mikropono.

"Sobrang hirap po, pero kinakaya" ngumiti ulit siya, naghiyawan naman ang lahat. Kaya napatingin siya sa gawi ng mga tao na parang baha sa sobrang dami.

Habang inililibot ang paningin hindi sinasadyang magtama ang mga paningin namin. Agad siyang umiwas ng tingin makaraan lamang ng ilang segundo.

'Matatakpan ng ngiti ang sakit at lungkot pero hinding hindi magsisinungaling ang mga mata mo. Dahil sa mga mata mo, kitang kita ko ang lungkot.'

'huwag kang mag alala, tutulungan kita'

-----------------

Sejun's PoV

Nagtindigan ang mga balahibo ko ng biglang maibaling ang tingin ko sa isang misteryosang babae, naka black leather jacket siya na may itim na skater skirt kung tawagin. Bukod dun ay may chains din ang skirt niya. Mas lalo siyang nagmukhang rakista dahil sa lipstick niyang color black. Weird.

"Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Josh ng magtanong siya bigla sa akin, napapangiti naman akong tumango sa kanya. Tinapik niya ang balikat ko bago pumasok ng Van.

"Ate Che! Punta lang akong CR" paalam ko.

"Oy, pre! Ako din sabay na tayo" si Stell Dahil nga hindi na kami pwedeng basta basta nalang maglakad ay may dalawa kaming body guard na kasama.

Mukhang hindi rin kami napansin ng mga babae dahil sa suot naming sumbrero na ginawang pang disguise.

"Nakakapagod 'no?" Tanong sakin ni Stell habang naghuhugas na kami ng kamay dito sa loob ng banyo. Tapos na naming gawin ang mga seremonyas kaya naman naghuhugas na kami ng kamay hehe.

"Sobra, pero nakakawala ng pagod kapag nakikita ko 'yung ngiti ng A'tin." Tumawa pa kaming parehas na parang tangang kinikilig. Pero nawala ang lahat ng 'yun at napalitan ng takot ang mukha ko ng makakita ako ng babae sa likod ni Stell. Siya 'yung babae na naka all black na parang rakista.

'Bawal magpanic Sejun! Matatakutin si Stell. Mababasag ang eardrums mo 'pag sumigaw 'yan'.

"Ah, ayos ka lang ba?" Tanong ni Stell sakin sabay baling ng ulo sa likuran niya.

"WAAAHHHHHH!!!!" Matindi nga ang lalamunan ng isang 'to. Agad kong tinakpan ang bibig ni Stell ng makita ang babae na wala manlang sinabi o ni nagalit. Umirap lang siya kay Stell.

Hindi ko na nga napigilan si Stell, at ano pa ba ang inaasahan?. Edi halos magwala na si Stell dahil sa takot. Para narin akong mahuhubaran dahil sa pagkapit niya sa damit ko.

Pumunta pa siya sa likod ko.

"S-sino ka?" Tanong ko sa babae.

"Ako? Ako lang naman ang tutulong sayo... Sa inyo" makahulugan niyang sambit. Hindi ko na napigilan pa ang kamay ko. Itinulak ko na palabas si Stell na nakatakip ang mga kamay sa mata sabay kaming tumakbo palabas na pati ang bantay namin ay nakitakbo narin at hinabol kami.

Nang makalabas ay pinakalma ko muna si Stell, nagpaliwanag din muna ako dun sa bantay namin na nakakita kami ng napakalaking daga na mukhang rakista kaya kami nagtatakbo.

Mukhang hindi sila nakumbinsi pero hinayaan nalang rin ako. Nang mapansin kong kumalma na si Stell ay  kinumbinsi ko siyang 'wag nalang mag ingay para wala ng gulong mangyari. Nanginginig naman siyang tumango sa akin.

"Ok na, ok?. Kumalma ka na. Wala na 'yung babae." Pagpapakalma ko parin sa kanya habang papunta sa parking lot at makasakay na sa Van.

"Baka multo 'yun?" nanginginig paring aniya


Napailing nalang ako.

matatakutin talaga siya, wala na akong dapat pang ikagulat sa reaksyon niya kanina na kulang nalang ay halos maglupasay na at parang kinuryete sa tindi ng panginginig ng katawan dahil sa takot kanina.

GO UP : GO BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon