CHAPTER 1: ME-MORI PILL LAUNCHING

18 3 0
                                    

***

[News Report]

HEADLINE: Me-Mori Pill Launching!

Isang panibagong pill na naman ang inilabas ng Good Brain Industry para sa mga taong nakilala na ang kanilang "The One". Isa ito sa mga ipinangako ng kumpanya matapos ang successful launching ng Fourgetful pill nung nakaraang taon. Ang Me-Mori Pill na inilunsad ngayong taon ay para sa mga gusto nang matatak sa isip at puso nila ang taong kanilang mamahalin habang buhay. Marami sa mga tao ang naghihintay na lumabas ang panibagong produktong ito.

HEADLINE: Bagong Pill, Inilabas na ng Good Brain Industry!

Inilabas na ang panibagong produkto ng Good Brain Industry na tinawag nilang "Me-Mori pill". Ito ay alinsunod sa pangako ng kumpanya na maglaan naman ng isang tableta para sa mga taong gusto na lang maalala ang taong minamahal. Ang Me-mori pill ay para sa mga taong natagpuan na ang kanilang "One True Love" at gusto na nilang matiyak na siya na ang makakasama nila sa future. Magkakaibang opinyon naman ang ibinahagi ng mga netizen sa paglabas ng Me-Mori Pill sa publiko.

Field Reported: Ano po ang masasabi ninyo sa Me-Mori Pill?

Netizen 1: Ako natutuwa ako sa panibagong pill na ito, Ako kasi sigurado na sa taong mahal ko ngayon.

Netizen 2: Sobrang hinihintay naming to ng jowa ko at hindi namin papalampasin ang pagkakataon na makabili.

Netizen 3: Sobrang solid ng Me-Mori pill na 'to and I can't wait to buy this pill for me and my husband.

Netizen 4: Naku, hindi ako naniniwala sa pill-pill na yan. Kung mahal niyo ang isa't isa hindi niyo na kailangan ng Me-mori pill na yan!

Netizen 5: Naku, ang mahal ng pill! Hindi lahat ng tao kayang bilhin 'yan.

Netizen 6: Nakakaloka, kung anu-ano na ang naiimbento ng tao.

Magkakaiba ang opinyon ng netizens sa pagdating ng panibagong gamot na ito at tila halos ay nahuhumaling na bumili. Sa panahon ngayon na magkakaiba ang problema ng mga tao lalo na sa usapin ng pag-ibig. Makakatulong ba ang gamot na ito para mabawasan ang pagtaas ng bilang ng mga mag-asawang naghihiwalay? Masusolusyunan ba ng gamot na ito ang ibang problemang pag-ibig na matagal na nating kinakaharap? Madami man ang hindi sang-ayon sa paglaganap nito, pero ang gamot ay abot kamay na natin. Ikaw sigurado ka na ba? Sigurado ka na ba sa taong mahal mo? Kung sigurado ka na, na sa 'yong harapan na ang Me-Mory pill.

[Advertisement]

Fourgetful Pill:

Kung ikaw ay galing sa matinding sakit ng nakaraan at tila naka-tanikala sa sakit ng kahapon at tila ang hinaharap ay hindi mo abot. Halika na't subukan ang panibagong pill na tiyak na tutulungan kang makalimot. Apat na beses na mas malakas kesa sa Amnesia. Apat na beses na higit na mas epektibo kesa sa anumang paraan ng paglimot. Alak, mindsetting, nasubukan na din humanap ng ipapalit pero ikaw ay bigo parin. Subukan na ang Fourgetfull pill, sa isang inom mo lang, limot kang bata ka!

What are you waiting for? Try it! Forget the Pain! Fourgetful Pill!

Me-Mori Pill:

Nahanap mo na ba ang 'yong "The One"? Sigurado kana ba sa kanya? Kung ikaw ay sigurado at handa ka nang selyuhan ang pag-ibig mo para sa kanya o ang pag-ibig ninyo sa isa't isa, subukan ang Me-Mori Pill. Tinutulungan nito ang parts ng brain ninyo associated with memory. Kapag sinubukan ninyo ito, hindi-hindi na kailanman lilingon ang inyong mga mata at puso sa iba. Garantisado! Panigurado! Siya na ang mananatili sa utak mo.

What are you waiting for? Be part of someone's Me-rmori!

[Press Conference]

Host: Let's welcome Dr. Elizabeth Villar, the CEO of Good Brain Industry.

ME-MORI (Complete!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon