CHAPTER 13: THE CHAOS

4 2 0
                                    

***

"Oh Sis bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Bea.

Pagkatapos ng pag-uusap ni Jenny at ni Morie, dumeretso na ito sa shop nila ng dalaga. Pagpasok naramdaman ni Bea ang tila malungkot na pagmumukha ng kaibigan kaya tinanong niya ito kaagad. Nang hindi nagsasalita ang kaiibigan ay nilapitan niya ito. Tinanong kung inaway ba siya ng kasintahan ni Melvin. Umiling ang dalaga para sa sagutin siya, tila walang lakas ito para magsalita. Kinuhanan muna siya ng tubig ni Bea at pinainom ang kaibigan. Ilang sandali pa, kinamusta ulit siya nito.

"Morie, napano? Kamusta ang naging pag-uusap ninyo ni Jenny?

"Nakikiusap siya na ibalik ko daw si Melvin sa kanya."

Tuluyan na ngang naikwento ni Morie ang kanilang pag-uusap, walang ibang mga salita ang tumatak sa kanya maliban sa mga salitang nabanggit sa kaibigan. Nakiusap si Jenny na kung pupweda ay huwag na itong makipagkita ni makipag-usap kay Melvin. Biglang naluha ang dalaga habang nagkukwento, bigla niyang tinignan si Bea at tila naghahanap ng tulong.

"Ano ang gagawin ko?" malungkot na tanong ni Morie.

Alam ng dalawa na may kasintahan pa si Melvin. Hindi man naalala ni Melvin ang kasintahan, may karapatan pa din si Jenny sa kanya. Naisip ni Bea na baka lumapit siya kay Morie upang makipag-usap ay dahil gusto niya talagang ipaglaban ang nararamdaman nito para sa kasintahan. Sa ganung punto, nauwanaan ng dalawa na baka mali nga na manghimasok muna si Morie sa buhay ni Melvin. Hindi nasagot ni Bea ang tanong kung ano gagawin at tila nawalan na din siya ng paraan kung paano tutulungan ang magkaibigan.

Niyakap niya ang kaibigan at sinabi na magiging ayus din ang lahat. Mag-iisip daw siya ng paraan kung papano ang gagawin ng kaibigan. Habang hinahaplos ang likod nito ay naisip ni Bea na kausapin ang binata.

***

"Inamin mo na ba sa kanila?"

Muling nakipagtagpo si James sa kaibigang ikakasal. Malapit na ang kasal, ilang araw na lang ang hinihintay nila. Mag-iisang dibdib ang kaibigan at tila makakasamang muli ang dating nitong nobya. Tinanong siya ni Krizza kung naamin na ba niya ang tunay na dahilan kung bakit ito nakipaghiwalay. Umiling si James, sagot sa tanong ng kaibigan.

Inamin nito na wala pa siyang lakas ng loob para aminin ang lahat kay Morie o sa pamilya nito. Tila natatakot pa rin ang binata sa magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang rason kung bakit ito bigla na lang umayaw sa kasal nila ni Morie. Tinanong ng kaibigang si Krizza kung ano ang balak nito. Tinanong naman ni James kung ano ang tinutukoy niya. Nang magkatitigan ang dalawa, alam na ni James ang tinutukoy ng kaibigan.

"Wala, ganito muna kami."

Sisikapin muna ng binata na mag-ipon ng lakas ng loob para maamin sa lahat ang pinagdadaanan. Pagkatapos nito, tinanong naman niya ito kung handa na ba siya sa muling pagkikita ng dalawa sa kasal nito. Inamim ni James na nagkita na sila ng isang beses bago ang hiwalayan. Kinamusta naman ni Krizza ang kanilang pagkikita.

"Okay naman, mukhang okay naman siya" sambit ng binata. Natuwa sa nairinig pero hindi kumbinsido ang kaibigan na okay ang dating kasintahan. Wala naman daw naging okay pagkatapos nang hiwalayan lalo na isang buwan bago ang kasal.

"She will be fine, soon enough" saad ng kaibigang si Krizza.

Darating din daw ang panahon na tuluyang matatanggap ni Morie na wala na sila ni James. Sa kanyang pagpapatuloy, nabanggit ni James na sisikapin niyang hindi maiyak sa kasal nito at tila handa naman na siyang makita at makasama si Morie sa isang event. "Sigurado ka?" tanong ng kaibigan. Sigurado man o hindi, sisikapin nitong maging okay siya sa araw na 'yun. "Oh heto na pala ang hinihintay mo" saad ni Krizza sa kaibigan.

ME-MORI (Complete!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon