CHAPTER 9: THE GREATEST COMPETITION

4 2 0
                                    


***

Maagang nagising ang binata, kinuha ang cellphone at tinitigan ang mga letrato at videong kinuhanan doon sa wedding na inorganize nina Morie at Bea. Walang pagsidlan ang tuwa nito nang makita ang masasayang ala-alang nahagip ng kanyang camera. Paulit-ulit niya itong tinitigan at tila walang sawa sa kakatitig hanggang makapunta siya sa mga larawan nilang dalawa ni Jenny. Biglang nalungkot ang binata nang nakita ang mga ito, wala talaga siyang maalala sa dalaga kahit anong pilit ang gawin niya. Tila hindi lang ala-ala ang nawala pati narin ang nararamdaman nito.

Sinubukan din niyang tignan ang ibang mga gamit at kalkalin ang mga ito, puro mga mensahe na nagtuturo kay Jenny. Nakita din niya nga ang mga cards at letters ng dalaga nung nag-aaral pa sila ng college. Iba't ibang uri ng regalo, ngunit kahit anong pilit niyang alalahanin ito ay bigo ang binata. Kaya minabuti nito na itago na lang lahat, bumalik sa kama at tinignan ang cellphone nito. Sinubukang tignan ulit ang mga larawang kasama niya si Jenny. Iniisip kung buburahin na niya ang mga ito, pero hindi niya ginawa.

Bumaba ang lalaki para mag-almusal, nakita ng magulang nito na tila nagugulumihanan ang anak, kaya tinanong ni Aling Rosa kung kamusta na siya. Siniguro naman ng anak na okay lang ito at bigla nagtanong kung ano ang almusal nila. "

Ayan fried rice at longganisa" sagot ng ina. Tinanong pa ni Aling Rosa kung gusto ba nito ng Kape at ngumiti namang tumango ang binata.

"Good Morning My Wedding Singer" text ni Morie.

Habang kumakain ang binata ay nilagay ang cellphone sa tabi ng plato, isang kaugaliang ayaw ng tatay nito, pero nang panahon na 'yon wala ang ama at walang mambabawal sa kanya. Binuksan ang text at natuwa sa kanyang binasa. Nang mapansin ng ina ang tuwa tinanong niya ito kung si Jenny ba ang nagtext.

"Ay hindi po," mabilis na sagot ng binata.

"Huh? Kundi si Jenny yan, bakit ganyan na lang ngiti mo?" tila napansin ng ina ang tuwa ng anak.

Patuloy na nakipagtext ang binata kay Morie habang kumakain. Tapos biglang napansin ng ina na tila hindi na yata daw dumadalaw si Jenny sa bahay nila. Gusto daw niyang makita ang kanyang magiging daughter-in-law kaya gustong imbitahin ni Aling Rosa si Jenny sa isang dinner. Hindi naman alam ni Melvin ang isasagot sa kanyang ina, kaya nagkunwari na lang ito at sinabi na busy si Jenny at baka hindi siya papayag. Nang marinig ang tono ng anak ay tila nalungkot ang ina at tinanong ulit ang anak.

"Nak, may problema ba?"

Nang alam niyang nakatitig sa kanya ang ina ay tila nagkuwari ito na nagtetext pero ang totoo ay kakareply lang niya kay Morie. Tila walang balak ang binata na aminin sa nanay nito na sabihin ang totoo na nakainom siya ng maling pill.

"Okay lang po ako nay" sagot ng binata sa kanyang ina.

Tumango na lang ang ina at tila pinaniwalaan ang sinabi ng anak kahit alam nitong hindi siya okay.

"Oh kung hindi siya pwede ng dinner, panigurado magkikita din kami sa birthday mo" saad ng ina.

Tila kinabahan ulit si Melvin dahil kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakalusot sa magulang nito. Birthday nga pala ng binata sa susunod na lingo at tila nakalimutan na din ng binata ito dahil sa sobrang focus nito sa work at kay Morie.

"Opo naman po nay, invite ko siya" pangako naman ng anak.

Dahil marami pa ang kanin sa kanyang plato at tila asiwa na siya sa pinag-uusapan bigla na lang niyang tinanong si Aling Rosa para mabaling sa ibang bagay ang tuon nito.

"Nasaan pala si tatay?"

***

February 14, araw ng mga puso. Kinontrata ni Melvin ang mga kaklase na pinahawak niya ng mga ballons. Nang nasa loob ng silid-aralan ang dalaga at isa-isang pumasok ang mga kaklase nito na may dala-dalang mga lobo. Pagkatapos ay sumunod naman ang mga salitang "Will you be my girlfriend". Huling lumabas ang binata na may dalang teddy bear at chocolates.

ME-MORI (Complete!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon