CHAPTER 16: ME-MORI LOVE STORY

8 2 0
                                    

***

Makalipas ang isang pang buwan!

***

"Nak, gising na kain na tayo" pagyaya ni Aling Rosa sa anak.

"Mauna na po kayo nay. Di pa po ako nagugutom" sagot ni Melvin.

Halos napapansin ni Aling Rosa na hindi na masyadong kumakain ang kanyang anak. Napansin na nangangayayat na ito at subsob lagi sa trabaho. Nilapitan siya ng ina at kinausap ito. Tinanong kung ano ba ang probleman ng anak. Nakahiga pa nun ang binata at nakatingin lang sa bintana. Nang muli niyang tanungin ng ina ay umupo ito at umiyak sa harapan nito. Tila naawa ang ina at niyakap niya nang mahigpit ang anak. Pakirmdam nito ay hiwalay na sila ni Jenny.

"Nay nahihirapan po ako" bulong ng anak.

Tinanong ng ina kung saan ito nahihirapan. Hindi sumagot agad ang binata kaya minabuti niya itong hulaan, "sa trabaho ba? Tungkol ka Jenny? May iba ka bang nagugustuhan? Tila kilalang-kilala ni Aling Rosa ang kanyang anak, hindi man niya alam eksakto ang pinagdadaanan nito pero alam niyang nasa nabanggit ang pinagdadaanan ng anak.

Wala pang pinagsasabihan ang binata sa mga nangyari lalo na ang pag-inom nito ng maling gamot na naghatid sa kanya papunta kay Morie at naglayo naman sa kanyan kay Jenny. Gusto sanang sabihin ito sa ina kaso wala pa siyang lakas ng loob, tila nag-iipon pa ng sapat na lakas para kahit papaano ay mawalan ng bigat ang nararamdaman nito.

"Si Jenny po nay"

Nabanggit ni Melvin si Jenny at nang narinig nito ng kanyang ina ay tinanong kung hiwalay na ba sila. Naamoy din ng ina ang pangyayaring yon, naramdaman niya na tila nagkakalabuan na ang dalawa. Ilang buwan na ding hindi pumapasyal ang dalaga sa kanila at kapag tinatanong siya ni Aling Rosa sa anak ay bigla itong tatahimik. Hindi malinaw kay Aling Rosa ang sinabi ng anak at hindi naman din madiretso ng binata ang ina dahil hanggang ngayon ay wala pa silang official break-up.

"Basta huwag mong ipilit anak. Kung nawala man ang nararamdaman mo para sa isang tao. Mali na ipagpatuloy pa ang relasyon. Dahil kung magkagayon mas maraming problema lang kayong haharapin. Kung mapapaguusapan at maayos, mas mabuti. Pero kung hindi na, mas magandang ipagpatuloy ang buhay na wala kayo sa tabi ng isa't isa." Payo ni Aling Rosa.

***

"Happy Birthday to you. Happy Birthday to you

Happy Birthday, Happy birthday, Happy Birthday to you."

Isang birthday event naman ang inorganize nina Morie and Bea. Tuwang-tuwa si Morie kapag nakakakita ng isang batang dalaga na nasa naharapan ng isang cake kasama ang mga kaibigang kumakanta. Natutuwa siya para sa ibang mga bata pero sa loob nito ay tila malungkot dahil hindi daw niya ito naranasan noong seven years old siya. Nasa abroad ang parents niya kaya madalas niyang icelebrate ang birthday sa labas kasama ang lola nito.

"Are you okay sis?" tanong ni Bea.

Ngumiti at tumango lang ang kaibigan habang pinapanood nila ang mga batang nagkakantahan. Sinabi pa ni Bea na siya naman ang kakatantahan pagkatapos ng ilang araw. Sinabi ni Morie na kahit kalian ay hindi naman siya naging excited sa birthday nito. Tila normal na araw lang at paniguradong icecelebrate nila to ng sila lang dalawa. Sinabi ni Bea na huwag ng malungkot ang kaibigan ang importante nandun siya para ipagluto si Morie.

"Nag-enjoy ang mga bata, Thanks Morie and Bea" sambit ng ina ng nagbe-birthday na bata.

Sobrang tuwa nila ng marinig kung gaano kasaya ang ina at ang kanyang anak. Siniguro ni Ms. Cortez na wala na siyang ibang event organizer na kukunin sa mga darating na okasyon kundi ang dalawa. Napakahusay daw nila and for sure, irerecommend niya ito sa mga kaibigan niya. Nagpasalamat naman ang dalawa at nilisan na ang lugar. Habang nagmamaneho pauwi ay may nakitang cotton candy vendor si Morie at pinahinto muna ang sasakyan. Bumaba muna ito at dali-daling pinuntahan ang nagtitinda.

ME-MORI (Complete!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon