CHAPTER 16: LET'S END THIS HERE!

6 2 0
                                    

***

"Please listen to me" pakiusap ni Melvin.

Nang makita ni Morie ang halikang nangyari, tumakbo ito at hinabol naman siya ng binata. Tumakbo si Morie papalayo sa venue at tila hindi naman niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa nito pero patuloy pa din siya sa pagtakbo habang umiiyak. Sobrang sakit ng kanyang pagluha, sobrang bigat ng kanyang naramdaman dahil sa kanyang nasaksikahan. Nahabol ito ng binata at sinabi na magpapaliwanag daw siya.

"Malinaw na sa akin ang lahat Melvin. Wala ka ng dapat ipaliwanag"

Sinabi ni Morie na wala ng paliwanag pa siyang tatanggapin mula sa binata. Niyakap niya ang dalaga at sinabi nito kung gaano niya ito kamahal. Inaalis ni Morie ang yakap nito at tila ayaw magpahawak sa binata. Gustong magpaliwanag ni Melvin pero tila walang gustong marinig ang dalaga. Pinapaalis niya ito. Pinapalayo niya ito. Ayaw daw niyang makita ang mukha nito kaya nakikiusap na kung pwede umalis at iwan na lang siya doon.

"I can't leave you here."

Ayaw naman pakawalan ng binata ang dalaga at nakayap pa rin ito sa kanya. Nang huminahon ang babae, nakiusap ng masinsinan na hindi niya talaga kayang makipag-usap sa binata.

"Please Melvin, kung talagang mahal mo ko, you will leave me alone" huling pakiusap ng dalaga. Wala ng nagawa si Melvin kundi sundin ang hinihingi ng dalaga, kaya kahit masakit sa kanyang kalooban ay iniwan niya ito.

Hinabol pala sila ni Jenny. Naiiyak si Jenny nang marinig at makita ang lahat. Kaya ng iniwan ni Melvin si Morie, nakita naman ni Melvin si Jenny at kinausap niya ito. Sinisisi sa mga nangyari, sinisisi kung bakit pare-parehong miserable ang buhay nila.

Melvin: Kasalanan mo to.

Jenny: Hindi Melvin, kasalanan mo ang lahat ng 'to. Kung hindi ka uminom ng putang-inang pill na yan. Sana maayos tayo ngayon.

Melvin: Jenny, nakalipas na yon. Naririnig mo ba ko? Nakalipas na yon. Ni hindi na nga kita matandaan. Wala na kong nararamdaman sayo. Kaya, please lang. Pakawalan muna ko.

Pagkatpos nito ay dumarating si Bea at pinuntahan ang kaibigang umiiyak. Walang kaalam-alam si Bea sa mga pangyayari kaya hindi muna niya tinanong ang kaibigan at niyakap niya na lang ito. Nang mahimasmasan na ay niyaya na niya ito na umuwi ng bahay. Tinulungang tumayo at sinikap na maalalayan ang kaibigan.

"Pre, anong nangyari?" tanong ni Ken.

Sinalubong ni Ken ang kaibigan at tinanong kung ano ang nangyari. Kanina pa daw hinahanap ni Bea ang kaibigang si Morie. Nakita sa mukha ng kaibigan ang magkakahalong emosyon – galit, inis, lungkot at tila gustong manakit. Sinabi sa kaibigan na huminahon ito pero hindi nakapagpigil si Melvin at sinuntok ang pader sa may parking area. Nagdugo ang kamay nito at inawat naman siya ni Ken. Tinanong kung ano ang nagyari pero tila wala siyang ibang sinasabi kundi ang salitang, "ang gago ko".

"Pwede ba tayo magkita?" tanong ni Jenny.

Umiiyak na tinawagan ni Jenny si Drew. Nagpapasundo ang dalaga sa venue ng kasal. Sobrang sama ng pakiramdam nito at tila gusto ng makalayo sa lugar na sumasakal sa kanya. Umiiyak na sinasabi ng dalaga na kailangan niya ang binata at kailangan niyang makaalis sa lugar na yon. Nakiusap na kung pwede ay magkita na sila sa lalong madaling panahon.

***

Sa kabila ng pagdiriwang, tatlong sugatang puso ang nangangailangan ng gamot para sa kanilang pinagdadaanan. Si Morie na nakita ang halikan ng dalawa, si Jenny na nakikiusap na balikan ng kanyang kasintahan at si Melvin na humihiling na siya ay pakawalan. Magkakaibang pakiusap, magkakaibang sitwasyon pero tila pare-parehong sakit ang ibinigay sa tatlo.

ME-MORI (Complete!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon