Tatlong taon na makalipas matapos ng pagpanaw ng aking nobyo. At sa dalawa't kalahating taon ng aming pagsasama, masasabi kong napakaswerte ko dahil napaka perpekto niya sa lahat ng aspeto.
Pero ang buhay ay buhay. Hindi ito magiging katotohan kung puro lang saya. Minsan sasampalin ka ng panahon sa napaka sakit na paraan.
Ang pagkawala niya, ay pagkawala ng pagkatao ko. Pagkawala ng dahilan para lumaban. Sobrang sakit.
At hindi ko maiwasan isipin kung ano ba ang kasalanan ko sa nakaraang buhay ko para parusahan ako ng ganito katindi.
Kaya ngayon nandito ako sa tapat ng kanyang puntod, nagmumukmok at umiiyak. Sa loob ng tatlong taon hindi ako pumalya na bisitahin siya sa araw ng kaniyang kaarawan at sa mga araw na nakakaramdam ako ng pag-iisa.
Akala ko kasi siya na talaga ang makakasama ko habang buhay pero sadyang madamot ang tadhana. Kinuha rin nito ang nagiisang tao na naging sandalan ko sa mahabang panahon.
Tahimik akong nakaupo dito. Magha- hapon na rin pero andito pa rin ako, masayang binabalikan ang masayang alaala naming dalawa. Hindi ko mapigilan mapangiti ng mapait.
Ang malas ko.
Lahat ng minamahal ko...
Lahat ng pinaglalaban ko...
Lahat ng pinagkakatiwalaan ko...
Lahat sila.
nawawala.
At sa huli,
Naiiwan akong mag-isa.
Nakakatakot na talagang mag mahal at sumugal. Napakahirap na ring umasa.
Kase minsan kahit may pinang
hahawakan ka hindi pa rin ito sapat para masabing kayo na nga para sa isa't isa.Tulad mo.
Akala ko tayo na pero ano ito ngayon? Pareho tayong nasa mag kabilang mundo. Walang magawa kung hindi ang manghinayang.
At dahil sadyang mapag laro ang tadhana. Sa trabaho ko kung saan handa kong ibigay ang buhay ko mailigtas lang ang buhay ng iba.
Trabahong laging nakadikit ang panganib. Na kung minsan ay swertehan na lang kung makalipas ang isang araw na humihinga ka pa.
Makikilala ko ang isang napakayaman na tao na mataas ang tingin sa sarili. May ibubuga sa lahat ng bagay. Lalo na itsura ang pati na sa talento. Wag lang ang ugali. Exemption na yun.
Sa taong hindi ko gusto ang ugali. Sa taong laging sumisira sa araw ko. Sa taong napaka-arte. Sa taong walang ginawa kundi suwayin ang utos ko. Sa taong sinusukat ang haba ng pasensya ko sa lahat ng bagay.
Siya yung taong labis na kinaiinisan ko pero hindi ko inaasahan na siya pala ang magtuturo saken kung paano bigyan ulit ng halaga ang buhay ko.
Siya ang magtuturo na ang pagmamahal ay hindi sinusukuan kundi ipinaglalaban sa lahat ng klase ng digmaan.
Dahil bawat isa ay may kanya kanyang laban depende na lang kung paano mo gustong manalo at magtagumpay.
At sa bingit ng kamatayan, hindi ko aakalain makikita ko ang dahilan para dapat pang mabuhay. Para dapat pang maging matapang dahil alam ko sa panahon na yun, may taong umaasa na lalaban ako.
At kahit anong mangyari hindi ako papatalo.
Lalaban ako para sa kanya.
At
Para sa aming dalawa.
-crazyrosette
🍒🍑IG : crazyrosette
TWITTER : crazyrosette
FB : crazyrosette
~ roses ~
BINABASA MO ANG
Taste Of Pleasure
RandomTatlong taon na makalipas ang pagpanaw ng aking nobyo. At dalawa't kalahating taon din kame naging mag kasintahan. Masakit pa rin para sa aken ang nangyari, parang kahapon lang. Kaya ngayon nandito ako sa tapat ng kanyang libingan. Sa loob ng tatlo...