Go on, get out. Last words are for fools who haven't said enough.
-Karl Marx***
It's already five in the afternoon when we reach the house of Montreal Family. Sa totoo lang hindi naman ito bahay kundi isang mansion.
Biruin mo ang pagpasok namen sa gate eh tumagal pa ng ilang minuto ang pagda drive ni Chad bago marating ang main ang door ng bahay.
Napansin ko din ang mga pakalat kalat na mga security guard sa lugar.
Malapit na kame sa main ng mapansin ko ang ilang maid na naghihintay ata sa pagdating namen.Hanggang sa marating na nga namen ang main door ng mansyon. Bawat detalye ng bahay sa labas pa lang nagsusumigaw na ng karangyaan.
Pati yung fountain sa gitna ay napaka ganda. Ang mga halaman at bulaklak na nakapalibot sa daan ay masasabi kong alagang alaga talaga.
Naunang bumaba si Trist sunod si Milla, Charley at si Roly na hawak pa ang isang stuff toy ng little pony. Yung kulay pink ang katawan tapos ang buhot ay kulay violet. Meron pang patusok na kulay gold sa noo nung stuff toy.
Hindi ko alam kung tama ba yung pag describe ko. Basta yun na yon.
Ang mga maleta naman ay kinuha ng mga maid pero hindi ko pinadala ang handy bag na hawak ko. Mga armas ko kasi ang laman nun.
Maganda ng nag-iingat.
Pagkapasok namen ay umupo muna kame sa sala para hintayin ang mag asawa.
"Good afternoon po mga Ma'am and Ser, maupo muna kayo rine sa sofa at tatawagin ko lang ang amo ko para sabihin na nakarating na kayo. Sandali lang ho. "
Sabi ng katulong kung hindi ako nagkakamali ay mayordoma siya.
Tumango na lang ako bilang tugon sa sinabi niya sa amen.
Ang ibang katulong ay nagdala ng juice at cake, even cookies para sa amen.
"Ow Em Geee iiiihhhhh ang lakiiii ng bahayyyy! It was fullll of wonderful awesomeness!"
Hyper na sabi ni Roly habang hawak pa yung kabayo na stuff na toy niya.
"Sure ako maraming pagkain dito ha ha ha! Gusto ko yuuunn!" Sabi ni Trist na mukhang pagkain.
Di na ako magtataka kung isang araw malalason yan sa katakawan niya.
"Gosh! Will you shut up the two of you. Your too loud! God's." Syempre di pwedeng hindi iimik si Mila. Hilig niyang barahin si Trist.
"I'm not talking to you panget!"
"Kapal. Parang ang gwapo mo ah! Mukha ka namang bisugo sa kapal ng labi mo! Tse!"
"Holy sheettt upuan pa lang may a ginto na. Astigggg!" As expected it was said by our very own cursing machine no other than Charley.
"Hoy! Para sabihin ko sayo, ako ang pinaka gwapong lalaki sa balat ng lupa!"
"At sinong nag sabi aber?"
"Nanay ko!"
"At naniwala ka naman?"
"Aba syempre! Nagsasabi ng katotohanan ang nanay ko eh. Tignan mo na lang ang mukha ko kung kailangan mo ng ebidensya!"
"Peke yang ebidensya mo! Ulul!"
"Iiihhhh bakit ang ingay nyo?"
"Nahiya naman ako sayo!" Magkasabay na sabi ni Trist at Milla. Yan tuloy nagmukhang kawawa si Roly. Napagtulungan ng dalawa. Tsk!
BINABASA MO ANG
Taste Of Pleasure
RandomTatlong taon na makalipas ang pagpanaw ng aking nobyo. At dalawa't kalahating taon din kame naging mag kasintahan. Masakit pa rin para sa aken ang nangyari, parang kahapon lang. Kaya ngayon nandito ako sa tapat ng kanyang libingan. Sa loob ng tatlo...