Ilang beses na 'kong pabago-bago ng higa pero hindi pa rin ako dalawin ng antok.
Napabuntong hininga ako saka tumihaya at napatitig sa kisame. Bumalik sa isipan ko ang ginawang paghalik sa 'kin ni Ali kanina.
Napahawak ako sa labi ko habang iniisip 'yon. Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa labi ko. Nakaramdam ako ng kilig na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.
Inabot ako ng madaling araw kakaisip bago dinalaw nang tuluyan ng antok.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakaisip ako ng isa pang paraan para mapasaya si Ali nang hindi kailangan pang lumabas ng ospital. Ayokong maulit pa ulit 'yong nangyari kahapon.
"Sa'n ka pupunta? Ang aga pa ah."
Naabutan ko si Mama sa kusina na nagluluto na ng almusal. Abot tanaw lang kasi ang sala namin sa kusina dahil magkatapat lang naman ito.
"May bibilhin lang po ako sa—" Napatigil ako sa pagsasalita ko nang may maalala ako. "Ma, may projector ka, 'di ba?"
Natigil naman sa pagluluto si Mama at tiningnan ako nang may pagtataka.
"Oo, bakit?"
"Pahiram po 'ko."
"At saan mo naman gagamitin, aber?" Nakapameywang at nakataas ang isang kilay na tanong niya. "Baka masira pa. Kailangan ko 'yon sa trabaho ko. Ayoko!"
Lumapit ako sa kaniya saka siya niyakap. Alam kong ito lang ang katapat niya.
"Ma, sige na! Ngayon ko lang naman gagamitin e. Promise, iingatan ko 'yon, hm?" Paglalambing ko sa kaniya.
Pilit namang tinatanggal ni Mama ang mga kamay kong nakapulupot sa bewang niya.
"Bitawan mo nga ako, Geo! Nagluluto ako, oh!" Sigaw niya sa 'kin. "Hindi mo pati ako madadaan sa mga pa-ganiyan mo. Bitawan mo 'ko!"
Tuluyan niyang naalis ang mga kamay ko sa pagkakapulupot sa bewang niya saka siya nagtuloy sa pagluluto niya.
Napayuko naman ako. "Balak ko sanang sopresahin si Ali, pero mukhang hindi ko na siya mapapasaya pa kahit kailan." Pagpapaawa ko kay Mama.
Mukhang effective naman dahil nang pasimple akong tumingin sa kaniya ay napatigil ulit siya sa pagluluto at napatingin sa 'kin.
"Malala na ba talaga ang lagay ni Ali?" Seryosong tanong ni Mama.
Natigilan naman ako sa tanong niyang 'yon saka marahang tumango.
Narinig ko ang pagbuga ni Mama ng hangin. "Sige na, kunin mo na sa kwarto ko, pero 'wag mong sisirain 'yon ha? Naku! Sinasabi ko sa 'yo, Geo! Sisirain ko rin ang buhay mo!"
Muli akong napangiti saka siya niyakap muli at hinalikan sa pisngi niya.
"Thank you, Ma! I love you!"
"Oo na! Nagluluto ako e, abala ka!"
Napatawa naman ako sa kaniya. "May bibilhin lang po ako sa labas ha?" Paalam ko bago tuluyang lumabas ng bahay namin.
Nag-taxi na lang ako papuntang palengke para mas mabilis akong makarating. Bumili ako ng puting tela para sa gagawin ko. Matapos 'yon ay nagdiretso naman ako sa department store para bumili ng mga mansanas.
Hinanap ko kung saan nakalagay 'yong mga mansanas. Dahil sa paglingon-lingon ko sa paligid ay may nakabanggaan akong babae.
"SORRY!" Sabay pa naming sambit.
"Sorry, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko e." Paghingi ko ng paumanhin.
Nanlaki naman ang mga mata niya na parang bigla niyang nakilala kung sino ako.
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Romance[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...