CHAPTER 02

12 0 0
                                    

CHAPTER 02

"Kira, mag-meryenda ka muna. Tsaka papahingain mo muna 'yung kamay mo."
Paunang sambit ni Ian habang inaayos niya ang mga gamit na nakatambak sa center table ng study room.


Halos mag-aalas tres na rin ng hapon nang magdala and Ina ni Kira ng meryenda sa kanila, at sa buong sandaling nanatili ang dalawa sa loob ng silid ay hindi tumigil si Kira sa page-ensayo na para bang plano niya talagang pagurin ang kamay para malaman nito kung hanggang kailan niya kayang tumugtog.


Tahimik naman siyang umalis sa harapan ng Piano at naupo sa sofa.


Habang abala si Ian sa pag-aayos ay bigla nagsalita ang kanina pang tahimik na si Kira.


"Sir..."

"Hm?"

"Since napagplanuhan mo na nang maaga 'yung pag balik mo sa hospital... ibig sabihin ba may decided date ka na rin kung kailan?"Sa tono ng pagtatanong niya, halata na ayaw niyang makatanggap nang sagot na mas maikli pa sa isang linggo.


Siguro, dahil na rin iyon sa nasanay siyang hintayin ang weekends nang deretsong limang taon. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya pero kahit ano pang gawin niya, alam niya namang hindi na mababago ang desisyon ni Ian.


"Actually, wala pa akong desisyon kung kailan. Sabi ko nga sa'yo diba? Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't sa hindi pa magaling ang kamay mo."

"Then... you'll wait until I join another competition?"

"Syempre, Mawawala ba naman ako sa pagbabalik-entablado mo?"


Sa sinabing iyon ni Ian, mas lalo namang naging malungkot ang ekspresyon ng dalaga. Sa limang taon na magkakilala ang dalawa, hindi na imposible para kay Ian na mabasa ang galaw nang dalaga.


"Natatakot ka pa rin bang tumugtog sa harap ng maraming tao?" Hula niya.
"Hindi naman po sa ganoon, sir."

"Then...?"
"Hindi ko alam kung hanggang kailan ko titiisin 'yung sakit ng kamay ko tuwing tumutugtog. Hindi ko po alam kung makakabalik pa ba talaga ako sa stage. Tsaka, natatakot ako nabaka masira ko lang 'yung performance sa ganitong sitwasyon, parang sinayang ko lang po 'yung limang taon niyo."


Inabot ni Ian ang kamay ng dalaga na nakahawak sa tasa'ng nasa lamesa at hinawakan iyon. His eyes are fixed looking at hers.


"How many times do I have to tell you, Kira? Hindi mo ako kailangang intindihin. Just to remind you, walang namilit sa akin na ibigay sayo 'yung limang taon na 'yon. I volunteered, right?" His voice softened. "Once you step on that stage, that stage is yours and nothing matters more than that. Kahit magkamali ka, alam mo dapat sa sarili mo na you tried so hard for that performance. YOU CAN DO IT. I believe in you. At kung sakali man na mangayari ang mga kinatatakutan mo, then remember that you have me." Those words are like blanket that wrapped her right after she felt a chill.


The way Ian makes her feel calm is one of the reasons why Kira can't think of letting him go. Bilang isang tao na muntik nang tumalikod sa pangarap, napakalaking tulong ang naibigay ni Ian sa pagpapalakas ng loob niya. What will she do once Ian stopped being her therapist?

Hurtful Memories Behind Those Eyes (LOVE & SACRIFICE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon