CHAPTER 08
Jason hated himself for leaving earlier.
Hindi niya inaasahan na ilang minuto pa lang mula nang umalis siya ay bigla na lang tatawag si Ian sa kaniya para muling maging tulay sa pagitan nila ni Eris. At kahit pa na ginawan niya nang malaking pabor ang kaibigan na maaaring magresulta nang pagbabalikan nila ay hindi niya pa rin maiwasang isipin ang kalagayan ni Kira. Ni hindi niya alam kung anong napag-usapan nila ni Ian bago ito umalis sa bahay nila.
Ngunit dahil hanggang alas-syete ang appointments niya, hind niya magawang bumalik sa tahanan nila Kira para personal na makita ang kaniyang kalagayan.
Sampong minuto na siyang nakatitig sa cellphone niya habang nag-iisip ng susunod na aksyon. Kung tatawagan niya si Kira, sasagutin niya ba ito at mako-comfort ba siya sa ganoong paraan?
Buti na lang at ang susunod niyang pasyente ay hindi pa dumarating kaya naman hindi na siya nag-alangan pang tawagan si Kira.
[Yes, Sir?] Mabilis na naramdaman ni Jason ng pagsikip ng dibdib matapos marinig ang boses ng dalaga.
"Hindi na kita tatanungin kung okay ka lang kasi alam kong hindi. I just want to inform you that you can call me at times like this."
[I know pero... okay lang bang hindi ako maging okay sa nangyari?]"What do you mean?"
[Maybe you're right, two years ago, may nararamdaman na ako para kay sir Ian pero nasigurado ko lang naman 'yun recently and that's because you made me realize it. Isa pa, naalala ko 'yung tanong mo sa akin nung isang araw. Kung kaya ko bang maging masaya kung hindi siya mapunta sa akin. Feeling ko Sir, magiging unfair ako sa part na 'yun kung pipiliin ko 'yung sarili ko without considering the other person's feelings.] Kahit pa hindi nakikita ni Jason ang dalaga habang sinasabi niya ang mga katagang iyon, sapat na ang tono ng boses niya para malaman niya kung gaano ka-bukal sa loob ang mga binibitawan niyang salita.[I want him to always carry that smile. I want him to be happy at alam ko rin na si ate Eris lang 'yung pwedeng mag-preserve non.]
"Pero imposibleng maging okay ka kasi nagmamahal ka, Kira." Mabigat ang mga salitang binitawan niya. Halos gusto niyang ipako ang mga iyon sa isip ni Kira dahil kahit ano pang pagtatanggi ang gawin niya, hindi niya maiwasang masaktan para sa dalaga."Naiintindihan kita at alam ko na gusto mong makita si Ian na masaya sa mga choices niya. Pero sabi ko naman sa'yo diba? Okay lang hindi maging okay. Okay lang masaktan. Okay lang umiyak. Kasi kung iipunin mo lahat ng sakit na 'yan, darating 'yung time na sasabog ka at mas malakas 'yung epekto non sayo. Pag ako ang kausap mo, unahin mo munang intindihin sarili mo."
[I never thought it would be this painful.] Nagsimula na ang pagka-basag ng boses niya kaya hindi maiwasan ni Jason magalit sa sarili dahil wala siyang magawa para sa kaniya.
Hindi rin siya pwedeng mamili sa pagitan nilang dalawa ni Ian dahil ayaw niya rin naming pilitin ang kaibigan na piliin si Kira. Alam ni Jason kung gaano pa rin kamahal ni Ian si Eris hanggang ngayon, at alam niya rin na mahal pa rin ni Eris si Ian.
Patuloy siyang nanahimik habang pinapakinggan ang paghikbi ng dalaga mula sa kabilang linya habang patuloy niya ring iniinda ang sakit na nararamdaman.
- -
Mabilis na lumipas ang mga araw na halos hindi nila namalayang dalawang araw na lang ang kanilang hihintayin bago ang simula ng competition ni Kira. Mas kinakabahan pa nga ang dalawa kesa sa kaniya kahit na si Kira naman ang tutungtong sa entablado sa araw na iyon.
Fixed ang Piano Piece na tutugtugin nang lahat ng competitors sa unang laban, sa kung paano sundan ng bawat isa ang original piece sila mamimili kung sino ang makaka-pasok sa preliminaries at ang ibinigay na piece sa kanila ay ang Hungarian Rhapsody No. 2 Friska na composed ni Franz Liszt.
Pinatugtog ni Ian kay Kira ang piece na iyon nang hindi gumagamit ng alternative adjustments na nilagay ni Jason at agad naman iyong sinunod nang dalaga.
Tahimik lamang na nanonood ang tatlo—kasama ang ina ni Kira habang tumutugtog siya. Ang Piece na 'iyon ay sobra ng nakakapagod sa kamay kaya hindi rin maalis sa kanila ang pag-aalala pero malakas ang tiwala ni Ian kay Kira lalo na't nakikita niya etong nage-enjoy sa pagtugtog.
Mahabang panahon rin ang iginugol ng dalaga para umabot sa ganitong punto, at alam ni Ian ang bawat pagsubok na sinubukan niyang lagpasan. Nakita niya itong umiyak sa tuwing sumusuko ng kusa ang mga kamay niya, nakita niya itong nagtiis sa sakit na naramdaman niya, at nakita niya rin kung paano bumangon ang dalaga.
Hindi man naabot ni Ian ang pangarap niyang maging Pianist, sobrang gaan na sa pakiramdam niya na makita si Kira na magawa ulit ang gusto niyang gawin. Bukod kasi sa pangako niya sa kaniyang Ama, alam din ni Ian kung gaano kamahal ni Kira ang instrumentong kaharap niya ngayon.
Matapos tumugtog ang dalaga ay agad na napatayo ang dalawa para palakpakan siya samantalang agad namang lumapit si Ian kay Kira para muling i-press ang joints kung saan siya inoperahan dati.
"Hindi na masakit dito?" Tanong niya.
"Hindi na po, sir." Masigla namang sagotsa kaniya.Mabilis na may namuong ngiti sa labi ni Ian dahil ramdam na ramdam niya ang saya.
"Congrats... and good luck, Kira."
"Thank you, sir."
"At dahil diyan... MAMAMASYAL TAYO!" Jason cut in between them that made all of them laugh.
"Okay lang po ba?" Pagpapaalam naman ni Ian sa ina ni Kira.
"Okay lang para naman makapag-relax kahit papaano si Kira. It's been so long since she enjoyed being a teenager."
"Thank you, Ma!" Saad niya bago hinarap ang dalawa. "Magbibihis lang po ako." At bago pa sila makasagot ay naka-alis na si Kira roon.Napatawa na lang silang tatlo bago nagpaalam ang ina ni Kira tsaka sila naiwang dalawa ni Jason.
"Napaka-swerte talaga ni Kira na ikaw ang nakilala niyang therapist five years ago. Kung hindi dahil sayo, hindi siya madaling makakabalik sa entablado." Pauna ni Jason pagkaupo nila.
"Mas swerte akong nakilala siya." Makahulugang saad naman ni Ian dahilan para lingunin siya ng kaibigan.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo naman kung ano 'yung rason kung bakit ako naging therapist. Those times, I really want to prioritize myself and my dream, but after a year of being a therapist, I met Kira who had the same pain like me. Hindi ako nagboluntaryo na maging therapist niya para lang sa isang mababaw na rason. Kaya ako nag-volunteer ay dahil marami nang oras ang nawala sa akin, at kahit na hindi pa ako makatugtog sa stage at sa harap ng maraming tao, meron naman ako nitong profession ko." Masaya na si Ian sa trabaho niya, at natutunan niyang enjoy-in ito nang maging personal therapist siya ng dalaga."Si Kira, nakita ko kung gaano niya kamahal ang pagtugtog ng piano at hindi ko siya kayang hayaan lumaban mag-isa kasi alam ko kung gaano kasakit 'yun. Bukod pa doon, maraming naituro sa akin si Kira sa ilang taon na nagkasama kami, at kung hindi dahil sa kaniya, naging mahirap siguro para sa akin 'yung dalawang taon na nakalipas." His words are full of sincerity and Jason can see how thankful he is in that five years. Maybe he doesn't know how to express it but Jason can see it just by looking at Ian's eyes.
"Pero never mo bang naramdaman nabaka nagkaka-gusto ka na kay Kira?" Hindi sinasadya ni Jason tanungin iyon, bigla na lang lumabas ang mga katagang iyon sa bunganga niya.
Gulat na gulat si Ian na lumingon sa kaibigan pero bago pa ito maka-sagot ay narinig na nila ang paglapit ni Kira sa kanila.
Nginitian na lamang ni Jason si Ian bago tumayo.
"Let's Go!" Saad nito tsaka hinila palabas ng bahay si Kira.
Samantalang hindi naman alam ni Ian kung ano ang dapat niyang reaksyon sa narinig.
~
BINABASA MO ANG
Hurtful Memories Behind Those Eyes (LOVE & SACRIFICE)
Dla nastolatkówKira thought that living your life the way you-yourself want to is necessary. She always had the mindset that letting your 24 hours pass by without doing something significant is a big waste of time. And because of this, she's ready to fall in love...