CHAPTER 05
Para sa iba ay mabilis lamang lumipas ang gabing iyon ngunit para kay Kira ay masyadong mahaba ang oras na kaniyang hihintayin bago tuluyang makatulog. Matapos marinig ang katanungang iyon mula sa Ina ay dere-deretso na itong gumulo sa isip niya na naging dahilan para hindi siya makatulog.
At dahil doon ay bumangon na siya bago pa tumunog ang kaniyang alarm clock. Ngayong araw ay muli silang magkikita ni Ian at kahit pa kabado si Kira na harapin ang binata dahil sa mga nangyari kagabi ay wala siyang magagawa dahil sa araw na ito, hindi nila haharapin ang isa't isa bilang Ian at Kira kundi bilang pasyente at therapist.
Pagpatak ng alas-nuebe ay tapos nang mag-ayos si Kira kaya naman napag-desisyunan na niyang bumaba mula sa kaniyang kwarto. Trenta minuto pa naman ang hihintayin dahil madalas ay saktong 9:30 dumarating si Ian. Ngunit pagkababa ni Kira ay may isang lalake na nakaupo sa kanilang sala pero hindi iyon ang taong inaasahan niya.
"Sir Jason?" Paninigurado nito.
"Yo!" Sagot naman niya pagka-angat niya ng tingin patungo kay Kira.Dahil hindi naman bago para kay Kira na makita ang kaibigan ni Ian ay hindi nag-alangan si Kira na lumapit sa kaniya.
"Bakit po kayo nandito?" Tanong niya pagka-upo sa harapan ng binata.
"Napag-utusan lang ako ng original therapist mo na bantayan ka ngayon, and since wala naman akong kahit anong appointment ngayon eh pumayag na ako."
"Napag-utusan? May nangyari po ba kay Sir Ian?" Nag-aalalang tanong ni Kira.
"Nilalagnat daw, hindi maka-bangon. Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi, bigla na lang siyang umalis sa venue matapos nilang mag-usap ni E—" Bahagyang napatigil si Jason sa pagsasalita nang maisip niyang si Kira pala ang kausap nito.
"Okay lang sir, alam ko pong nag-usap sila."
"A-ah. Okay. So 'yun nga, kaya tinanong niya ako kung pwedeng ako muna magbantay sa'yo tutal may background naman ako tungkol sa kamay mo." Matapos marinig ni Kira iyon ay bahagya siyang napangiti.Hindi na bago para kay Jason ang mga galaw ng dalaga dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na binantayan niya ito kaya naging madali para sa kaniya na mahalatang pilit ang ngiti na iyon. Bukod pa roon, ay matagal nang napapansin ni Jason ang lubos na pag-aalala ni Kira sa kaibigan.
Ilang sandali lang ang lumipas ay pumunta na ang dalawa sa study room para masimulan na ni Kira ang exercises ng kamay niya bago siya tumugtog. Maayos namang ginagawa ni Kira ang bawat exercise na pinapagawa ni Jason ngunit hindi maitatago sa mukha nito ang lungkot at pag-aalala. Matagal ring ininda ng binata ang ekspresyon ni Kira ngunit nang naisip niyang walang patutunguhan ang araw nila ngayon ay may pumasok sa isip niyang paraan para magkaroon ng gana ang dalaga.
"Kira..." Tawag niya habang abala si Kira sa pagtugtog ng piece niya.
"Yes, Sir?" Sagot naman niya nang hindi lumilingon.
"Gusto mo bang puntahan si Ian?" Dahil sa sinabing iyon ni Jason ay agad na napalingon si Kira sa kaniyang gulat na gulat sa narinig. Mabilis namang nabasa ni Jason ang katanungang 'Sigurado ka?' sa ekspresyon ng dalagana dahilan para siya ay tumango."Ako na bahalang magpaalam kay Mrs. Choi, for now... mag-ayos ka muna nang mga gamit na gusto mong dalhin." At bago pa siya makatanggap ng sagot mula kay Kira ay dere-deretso na itong lumabas at nagtungo sa sala.
Doon ay nakita niyang nakaupo ang Ina ni Kira na abalang nagbabasa ng pahayagan, at dahil natatakpan ang mukha nito ng kaniyang hawak ay hindi niya napansin ang paglapit ng binata.
"Mrs. Choi..." Pagkuha nito ng atensyon na naging dahilan para ibaba niya ang hawak niya.
"Jason... May kailangan ba kayo?"
"Uhm, gusto ko po sanang ipagpaalam sa inyo si Kira, may gaganapin po kasing concert ngayon and nasabi din po sa akin ni Ian na dapat masubukan ulit ni Kira na manuod ng Classical Concert as motivation... kung okay lang naman po sa inyo." Pagsisinungaling nito.
"Ah ganoon ba? Kung okay lang naman kay Kira na manood edi sige." Nakangiting sagot nito na halatang naniwala sa alibi ni Jason.
BINABASA MO ANG
Hurtful Memories Behind Those Eyes (LOVE & SACRIFICE)
Teen FictionKira thought that living your life the way you-yourself want to is necessary. She always had the mindset that letting your 24 hours pass by without doing something significant is a big waste of time. And because of this, she's ready to fall in love...