CHAPTER 10

5 0 0
                                    

CHAPTER 10

Nang matapos na ang lahat ng participant sa turns nila ay pinaalalahanan na silang maghintay sa announcement kung sino sa kanila ang makakapasok sa preliminaries. Dahil meron namang speaker sa waiting area ay doon nalang sila nanatili.

Tulad ng kanina, hindi maalis ang kaba na nararamdaman ni Kira. Alam niya na ginawa niya lahat ng kaya niya during performance kaya alam niyang may tyansa siyang makasama sa walong mapipili pare sa second round.

Tahimik lamang ang lahat habang pinapakinggan ang announcement at dahil hindi naka-order ang mga tatawagin nila ay patuloy pa rin na umaasa ang lahat ng participant kahit na malagpasan ang number nila.

"Number 01 ; Number 12 ; Number 06 ; Number 08 ; Number 04 ; Number 09..." Hindi agad nakapag-react si Kira nang marinig niya ang kaniyang numero sa speaker. Tsaka na lamang ito nag-sink in sa kaniya nang i-congratulate siya nang mga katabi.

Sa sobrang saya ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya at kung ano ang mas appropriate niyang reaksyon. Gustong gusto niyang sumigaw ngunit pilit niyang pinipigilan ang sarili. Buti na lang at tinawag na sa entablado ang lahat ng nakapasok para sa bunutan ng piece na tutugtugin nila para sa preliminaries.

Sinalubong sila ng mga palakpak galing sa mga manonood at kahit alam pa ni Kira na hindi lang para sa kaniya ang cheers na iyon ay hindi niya pa rin maiwasang maging emosyonal.

Nagsimula na ang isang staff sa pagbunot ng mga participant at nang makarating na ito sa harap ni Kira ay mabilis na bumunot ang dalaga. Sinunod lamang niya ang kaniyang instinct at hinila ang gitnang papel sa tatlong natitira.

Nang matapos na ang lahat ay humingi pa ng kaunting oras ang mga juries para ibigay sa kanila ang rules na kailangan nilang sundin sa susunod na round. Mga sampung minuto lang ay natapos na sila at nagsimula nang lumapit ang mga pamilya ng bawat participants.

"Congrats Kira!" As usual, maingay talaga si Jason sa kahit anong lugar. Ito ang unang nakalapit sa kaniya bago si Ian at ang ina. Paano ba naman, as soon as umalis na ang Juries, kumaripas agad ito sa takbo papunta sa kaniya.

"Thank you." Sagot niya kay Jason bago napatingin kay Ian. "Thank you, sir."

"Lahat ng 'to, naging possible dahil hindi ka sumuko. At last, you're back on stage, Kira. Congrats." He softly replied.

Agad namang yumakap sa kaniya ang ina at yumakap naman siya pabalik.

Pero bago pa man matapos ang dramahan sa pagitan nilang dalawa ay may napansin siyang isang babae na may dalang bouquet ng flowers na palapit sa kanila.

She is someone Kira never met. Half of it's hair are tied at the back while the part that are visible was a little flowy. But what caught her attention was her gleaming smile and her beauiful light brown eyes. Kung ikukumpara ay pareho lamang sila ng puti ni Kira, na para bang may dugo din itong Korean.

Ang mas lalo pa niyang kinagulat ay nang tumigil io sa harapan niya at mas lalo pang ngumiti.

"Congratulation, Kira Choi." Saad nito sabay abot sa kaniya ng hawak niyang bouquet.

Hindi alam ni Kira kung tatanggapin niya ba iyon dahil hindi niya kilala ang babae ngunit nang magsalita si Jason ay tsaka lamang siya natauhan.

"E-Eris! Anong ginagawa mo dito?" Rinig na rinig sa tono ng boses nito na hindi niya inaasahan ang kaniyang pagdating.

"Sorry kung huli ko na siyang naipakilala sa inyo. Ma'am, Kira... si Eris po pala." Nakangiting pagpapakilala ni Ian.

Hurtful Memories Behind Those Eyes (LOVE & SACRIFICE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon