CHAPTER 09
Nine became Kira's new favourite number when she picked it from the box.
Nasa backstage na ang lahat ng contestant para sa competition sa araw na ito. Nasa 18 rin ang participant kaya hindi maiwasan ni Kira ang kabahan dahil marami rami din sila at alam niya na walo lang ang makakapasok para sa preliminaries. Ang ilan pa sa mga kasama niya ay pamilyar ang mga mukha. For sure, maraming beses nang nakasali ang mga ito saiba't ibang kompetisyon. Katabi niya pa ngayon ang nanalo ng first place saYoung Category na Classical Competition'g napanuod niya last year.
She is wearing a plain and long aqua blue gown while her hairwas tied tightly at the back of her head. Hindi rin naman kasi niya gusto na makasagabal ang mahaba niyang buhok pag siya na ang tutugtog.
"Number 01, prepare ka na at sasalang ka na in ten minutes." Ang biglaang announcement ng isang staff na kasama nila sa backstage ay lalo lamang dumagdag sa kaba niya.
Ngayon na nagsimula na ang competition ay dere-deretso na ito hanggang sa siya na ang matawag. Pero bago pa matapos ang 10 minutes na binigay sa unang contestant ay narinig niya mula sa malayo ang boses ni Jason na halos akala niya'y hallucination lamang pero pagkalingon niya sa kanan ay nakita niya agad ang kumakaway na Jason kasama si Ian.
Sinenyasan niya itona lumapit sa kanila sandali gamit ang isang kamay niya at mabilis namang iyong naintindihan ni Kira.
"Oh, candy... alam kong kabado ka." Bungad sa kaniya ni Jason habang nakaunat ang isang kamay.
Kinuha naman ni Kira ang candy at mabilis na sinubo iyon sa bunganga niya.
"Tandaan mo Kira ha? No using of any adjustment tsaka kung hindi ka confident na memorize mo ang piece, bring your score. Pag nanakit ang kamay mo, don't hesitate to stop... alam ng judges na na-operahan ang kamay mo." Dere-deretsong paalala ni Ian.
Hinandugan na lang siya ng isang ngiti ni Kira.
"Don't worry sir, mas memorize ko pa 'yang mga paalala mo kesa sa piece. Mula kahapon, paulit-ulit mo na 'yang sinasabi sa akin." Pang-aasar nito.
Agad namang naramdaman ni Ian ang pag-init ng mukha niya at napansin agad ni Jason ang pamumula ng mga tainga nito kaya agad siyang napatawa.
"Actually, parang ni-record mo boses mo... walang kahit isang word na naiba." Patuloy pang pang-aasar ni Jason.
Natawa naman agad si Kira.
"Halika na nga doon." Saad ni Ian matapos ikulong sa braso ang kaibigan. "Goodluck, Kira. We'll cheer for you." Dagdag pa niya at tuluyan nang kinaladkad palayo si Jason.
"Kahit bawal mag-ingay, sisigaw ako para sa'yo!" Sigaw naman ni Jason habang papalayo.
Napangiti na lamang si Kira dahil kahit papaano ay naalis ang kaba niya dahil sa kanilang dalawa. She took some time to take a very deep breath before going back to her chair.
Nang sumalang na ang pinaka-unang participant ay mas lalo lamang naging mabilis ang pag-usad ng oras hanggang sa narinig na naman ni Kira ang boses nang nakaka-nerve racking na staff.
"Number 09. Prepare to go on stage." Kulang na lang ay mahulog siya sa kinauupuan niya dahil sa walang signal ang staff sa pagtatawag ng contestant. Buti na lang at walang nakahalata sa kaniyang naging reaksyon kaya wala nang dumagdag pa sa problema niya.
Agad siyang lumakad papunta sa designated area for next contentants at habang palapit siya nang palapit roon ay palakas rin ng palakas ang naririnig niyang pagtugtog ni Number 08.
BINABASA MO ANG
Hurtful Memories Behind Those Eyes (LOVE & SACRIFICE)
Teen FictionKira thought that living your life the way you-yourself want to is necessary. She always had the mindset that letting your 24 hours pass by without doing something significant is a big waste of time. And because of this, she's ready to fall in love...