CHAPTER 06
Her sunday came normally. Ian arrived at 9:30 A.M and they started at around 10. Kira's mother didn't found anything suspicious about Jason's sudden plan of going out so Kira managed to zip her mouth about what exactly happened yesterday.
Buti na lang at naging malaking tulong ang oras na binigay ni Jason sa dalaga kahapon kaya naman hindi na naging mahirap sa dalaga na harapin si Ian ngayong araw. Their time together came passing by like a flash as they finished everything around 5:00 P.M. At tulad nang nakasanayan na ni Ian at nang mag-ina ay hinintay na lamang nila ang oras ng pagkain ng hapunan kasabay ang binata.
Parehong tahimik si Kira at Ian habang nakaupo sa sala. Gustuhin man ng dalaga na panandaliang umalis doon habang hindi pa tapos ihanda ang hapagkainan, ay hindi niya ito magawa dahil pag ginawa niya iyon ay mas lalo lang siyang mahahalata na may problema siya.
Mukha namang napansin ni Ian ang kakaibang katahimikan na pumapagitna sa kanilang dalawa at dahil halata namang walang plano si Kira na magsimula nang mapag-uusapan ay minabuti na ni Ian na siya na ang magsimulang bumasag sa katahimikan.
"So... How was it yesterday? May naitulong naman ba sa'yo si Jason?"
"Meron naman po, Sir." Mahinahon niyang sagot.
"Napakinggan ba niya 'yung piece na plano mong tugtugin sa competition mo?"
"Opo." Pagsisinungaling niya. "May mga sinubukan din po siyang i-adjust na nota sa score para hindi mahirapan 'yung kamay ko during practice."Ginawa lahat ni Kira ang kaya niya para tingnan deretso sa mata ang binata habang kausap ito. Kahit na ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya ay ininda niya ito para hindi mahalata.
"Ah... Buti naman. Akala ko mag-iingay lang siya maghapon dito."Pabiro naman nitong sabi.
"Nakalimutan mo po ata sir na naging temporary therapist ko siya nung bigla kang nag-bakasyon dati."Sa sinabing iyon ni Kira ay bigla siyang napaisip at nang maalala niya ito ay wala na siyang ibang ginawa kundi bahagyang matawa."Anyway sir... Alam kong late ako magtanong pero okay na po ba 'yung pakiramdam niyo mula sa lagnat kahapon?"
"Hm, huwag ka mag-alala. Isang beses lang ako nagkakasakit sa isang taon, at sa isang beses na 'yun sabay-sabay kong nararamdaman lahat, pero pagkatapos ng 24 hours, nakaka-recover na ulit ako." He said proudly and that made Kira smile."Oh!" He exclaimed. "You smiled!"
"Po? Hindi po ba ako ngumingiti?" Pagtataka naman ni Kira.
"No, No... Lagi ka ngang ngumingiti eh kaya nanibago ako ngayong araw kasi mula kaninang umaga, wala akong mabasang kahit anong ekspresyon sa mukha mo."Muli namang napangiti si Kira sa sinabi ni Ian. Siguro nga naging malaking tulong para sa kaniya ang pagdala ni Jason sa kaniya sa amusement park para kayanin niyang harapin ulit si Ian, pero hindi maiiwasan nang dalaga na maapektuhan pa rin kahit papaano lalo na't naging sigurado na siya sa nararamdaman niya para sa taong kaharap niya ngayon.
Looking at him smiling, a thought came to her mind.
'I want to protect that smile.'
Even though Ian went through a lot, Kira always know that that was his genuine smile. And she will never wish for him to lose that smile. And if Eris was the only way to preserve that, then she wouldn't do anything to make it impossible for them to be together again.
Laking pasalamat ni Kira nang biglang sumulpot ang kaniyang Ina para tawagin silang handa na ang hapunan dahil kung hindi siya dumating ay hindi alam ng dalaga kung paano pa niya titiisin 'yung mga oras na lilipas kasama si Ian. Nakaupo si Kira sa tabi ni Ian na nasa harap naman nang kaniyang Ina at sila'y tahimik lang na kumakain.
BINABASA MO ANG
Hurtful Memories Behind Those Eyes (LOVE & SACRIFICE)
Teen FictionKira thought that living your life the way you-yourself want to is necessary. She always had the mindset that letting your 24 hours pass by without doing something significant is a big waste of time. And because of this, she's ready to fall in love...