Chapter 3

8 1 0
                                    

"Goodmorning bunsooooo!" agad akong napatakip sa tenga ko. Punyemas naman oh! Ang aga-aga, ang ingay ingay ng impaktong to!

"Wakey wakey ka na bunso. Tanghali na andun na sa baba sila Chacha. May gagawin daw kayo."

"Weh? Tanghali na? Anong oras?"

"Ala una na bebe. Tingnan mo oh" sabay pakita sa oras ng phone ko. Oo nga, teka lang.

"Kuya, sino una dumating sa bahay?"

"Ikaw madam, sabi ni manong hinatid ka daw ng kuya ng kaibigan mo."

"Ah oo, san ka pala nanggaling kagabi?"

"Nakipag-inuman ako kela Brix at ayun napasarap. Bangon ka na diyan. Mahiya ka naman sa mga bisita mo uy. Ang bantot ng amoy mo pwe!" tumakip pa siya ng ilong niya tsaka umalis sa kwarto.

Dali-dali akong naligo at bumaba na din pagkatapos. Naabutan ko sila Iya na nanunuod ng tv. Nang mapansin nila ako ay dali dali nila akong binatukan.

"Kanina pa kami naghihintay dito te. Di ka ba naaawa? jusko ang sakit parin ng ulo ko hanggang ngayon." reklamo sa akin ni Riri.

"Simulan na nga natin yan para makapagmall tayo saglit. Bibili ako ng binder."

Sinimulan na namin yung written report namin tapos kinuha ko sa taas yung laptop ko para gamitin sa presentation namin.

Pagkatapos ng ilang dekadang pag eencode at pagbabasa ay sa wakas natapos na namin. Sabay sabay kaming tumayo tsaka sumugod sa kusina para tingnan kung anong pwede makain.

Bigo kaming makahanap ng makakain pagdating sa kusina. Tinatamad kase kami na magluto kaya napag-isipan namin na sa labas nalang kami kakain. Linigpit muna namin ang mga gamit namin bago lumabas.

"Huy te, kwento ka nga kung anong pinag-usapan niyo ni Kuya Anth" sabi sakin ni Riri na pinagsang-ayunan naman ng dalawa.

"Ah wala naman, mga bagay bagay lang."

"Bagay kayo" agad akong napaubo ng sabihin ito ni Iya. Ano ba naman yan? Kami bagay? Jusko hindi uy.

"Oo nga te agree ako sayo diyan" sabi ni Cha.

"Nu ba naman kayo. Kami? Ni Anth? Bagay? eh mapang-asar yun eh sarap lunurin."

"Anong Anth? Kuya Anth bakla kuya. Makapag-Anth close kayo agad?" sabi ni Iya.

"Anth na lang daw tawag ko sa kanya eh. Nakikilabot daw yung kuya. Tsaka duh isip bata nun para tawaging kuya HAHAHAHA" ngumisi ako tsaka sinubo yung last fries ko.

"Wao, ako nga na magka-edad lang tayo tapos palagi ko pang tinatawag na kuya si kuya Anth, hindi naman siya kinalabutan."
sabi ni Riri.

"Gusto ka ata nun bakla yieee" asar sa akin ni Cha sabay tusok sa tagiliran ko.

"Ewan ko sa inyo. Tara na nga may bibilhin pa ako. Sama kayo."

Pagkatapos naming bumili ay nag-ikot ikot lang kami sa mall. Ayaw pa kasi namin na umuwi. Nang makalapit kami sa NBS ay sumalubong samin si Anth.

"Uy Sheki, buti nalang at hindi kita nabangga. Tumangkad ka na ba?" asar niya na inirapan ko lang. Natawa siya at tumingin sa mga kasama ko. "Oh? San punta niyo?" tanong niya. "Naglibot libot lang kami ayaw pa naming umuwi eh. Ikaw kuya?" sabi ni Ri. "Punta muna ako ice cream parlor. Sama kayo? Libre ko." at ayun walang pagdadalawang isip ay sumama na kami. Libre eh.

"Ano sa inyo? Ikaw She?" tumingin siya sa akin. "Kahit ano nalang, ikaw bahala" "sige"

"Ikaw she? Kahit ano nalang, ikaw bahala" panggaya ni Iya at inaasar ako.

Until whenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon