Chapter 8

4 1 0
                                    

"Saan tayo ngayon?" tanong ko kay Anth. Weekend ngayon at napag-usapan namin na gumala na naman kami. Imbis na magpahinga ako ngayon ay andito ako sa sasakyan ni Anth. Ang kati ata palagi ng paa neto kase palaging nag-aaya ng gala.

"Ewan ko. Ikaw asan mo gusto?" binatukan ko siya.

"Hinila mo ako dito sa sasakyan tapos wala ka palang plano kung saan tayo pupunta? Wao ha."

"Gusto kitang hinihila eh. Pake mo ba?" inirapan ko siya. Tingnan mo to, napakaewan.

"Zoo tayo? Gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Sige ba. Sweet mo naman."

"Anong nakasweet dun?"

"Punta tayo zoo diba? Edi bibisitahin mo pala mga kalahi mo. Sweet kaya nun. Sanaol bibisitahin." hinampas ko siya sa braso at tumawa siya. Alam talaga neto kung paano ako badtripin eh. Inirapan ko siya at ginaya niya din ako. Asar na asar na ako sarap sakalin.

"Sarap mong sakalin." sabi ko sa kanya.

"Anong sakal ba yan? Masarap ba na pagkasakal yan?" ngumiti pa siya ng pilyo.

"Ang bastos talaga ng bunganga mo."

"Doon tayo sa mga kaaway mo She. Tara." Kanina pa kami andito sa zoo at kanina pa niya ako inaasar. Sarap niyang ipakain sa mga tigre.

"Ayan oh." turo niya sa mga tarsier. Tiningnan ko siya at inirapan. Feel ko masisira tong mga mata ko sa kakairap sa kanya. Kawawa naman mata ko.

"Kanina ka pa. Napipikon na ako. Ipakain kaya kita sa mga tigre."

"Grabe naman. Nakakatakot." sarkastikong sabi niya. Hinampas ko siya at tumingin nalang sa mga tarsier.

Andito kami sa isang restaurant at panay parin ang pang-aasar niya.

"Bakit hindi ka nalang kaya humingi sa kanila ng mata? para lumaki naman yang mga mata mo." magandang suhestiyon ni Anth.

"Alam mo, hindi na kita sasamahan sa susunod."

"Eto naman. Biro lang." ngumiti ako sa kanya ng peke at tinawanan niya lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan namin na pumunta ng mall. May bibilhin din naman ako.

Una kaming pumunta sa NBS.

"Hindi ka ba tinatamad magbasa? Makakabasa ka pa ba?" tanong saken ni Anth.

"Hindi. Hindi naman nakakatamad magbasa ah tapos makakapunta ka pa ng iba't ibang lugar kahit hindi mo igalaw mga paa mo. Instant travel kumbaga. At yes, makakabasa ako. Anong tingin mo saken bulag?"

"Liit kasi ng mga mata mo oh." tinuro niya pa mga mata ko. May problema ata to sa mga mata ko eh.

"Inaano ka ba ng mga mata ko ha?"

"Wala naman." tinalikuran ko siya para maghanap ng ibang libro.

"Baka kasi hindi mo makita ang halaga ko." pahabol niyang bulong na narinig ko naman ulit.

"Ang amards mo." sabi ko sa kanya.

Pagkatapos namin sa NBS ay pumunta muna kami ng arcade. Ang aga pa naman eh. Habang naglalakad kami patungo sa arcade ay may nakasalubong kaming mga kaklase ko at mga kaibigan niya.

"Nag-enjoy kaba?" tanong saken ni Anth nang makababa ako sa sasakyan. Andito na kami sa labas ng bahay.

"Hindi." biro ko.

Until whenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon