Chapter 7

3 1 0
                                    

Pagkatapos ng klase ay agad na akong umuwi. Wala parin sila mama at papa pati na rin si kuya. Kinuha ko yung mga notes ko at tiningnan kung may mga dapat pa ba akong basahin. Nang malaman ko na wala na ay linigpit ko ito at nagbihis.

Lumabas ako ng bahay at tumungo sa mini park na hindi kalayuan mula dito. Bitbit ko yung skateboard ko. Hindi ko alam kung may space pa ba dun para makapagstate ako. Tiningnan ko muna yung phone ko kung may message ba at binulsa ulit.

Nang makarating ako sa park, may nakita akong ibang nagskate din. Kumaway sila saken ng mapansin nila yung presensya ko.

"Sheki! Buti naman at napadpad ka dito. Tagal na kitang hindi nakita dito ah."

"Busy ako sa pag-aaral Rard eh. Daming pinapagawa."

"Naks, responsible. Tara may mga ipapakilala ako sayo."

Pinakilala niya ako sa mga batang tinuturuan nila. Nakisali na din ako sa pagtuturo. 14 years old ako noong nakuha ng skateboarding ang atensyon ko. Binilhan ako ni papa ng sarili kong skateboard nang malaman niya na interesado ako dito. Nagsumikap ako na matutunan ito. Ilang beses akong natumba at ilang beses din akong naawa sa pwet ko. Hindi ko talaga tinantanan tong pagskaskateboard hanggang sa natutunan ko ito. Dito sa park ako unang nag-eensayo ng matuto na ako. Dito ko din unang nakilala si Rard. Magkaedad kami at sabay kaming tinuruan nila kuya Job at kuya Archi ng iba't ibang tricks. Palagi kaming natutumba noon buti nalang at may mga gear kami dahil kung wala ay paniguradong maraming sugat kaming matatamo. May mga ibang tinuturuan din sila kuya Job at hindi sila humihingi ng pera o ano. Pampalipas oras lang daw nila yung pagtuturo ng mga bata dito at nag-eenjoy namn din sila.

"Alam mo She, patay na sana ako kani-kanina lang." napalingon ako kay Rard.

"Oh? Bakit humihinga ka pa ngayon?"

"Seryoso nga kase." tinawanan ko siya.

"Alam mo ba yung if looks could kill, i'm dead right now?" tanong niya.

"Ewan ko sayo. Sino naman yang tumitingin sayo na nakakamatay?"

"Ayun oh." turo niya sa lalakeng nakatayo di kalayuan sa tinatayuan namin. Sinusundan ba ako nito? Stalker ah. Humakbang siya papalapit sa kinaroroonan namin.

"Boyfriend mo?" tanong sakin ni Rard.

"Hindi."

"Sus hindi daw pero kung makatingin sakin para na akong papatayin. Jusko di pa ako ready matsugi." bumalik na siya sa mga bata baka daw pag mas lumapit si Anth tuluyan na siyang mamatay. Apakaoa ha.

"Oh? Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko kay Anth nang makalapit siya saken.

"Hindi ikaw ang ipinunta ko dito. Tabi." wao ha. Galit ka? Bat ka galit? Inaano kita? Kutungan kita diyan eh. Sus. Inirapan ko siya at tumabi kay Rard habang nagtuturo.

"Kirah!" tawag saken ni kuya Archi. Sila kuya Archi at kuya Job lang ang tumatawag saken na Kirah. Angas daw eh.

Lumapit ako sa kanila at napairap dahil kasama nila si Anth.

"Papaturo daw to eh." turo ni kuya Archi kay Anth.

"Bat po ako? pwede namang si kuya Job eh o di kaya si Rard." ayaw kong turuan niyan noh. May galit sakin yan baka itulak pa ako edi magkagalos pa ako. Duh! Not my skin.

"Sige na Kirah tsaka kilala mo naman to eh." sabi sakin ni Kuya Job at umalis na silang dalawa.

"San skateboard mo?" tanong ko kay Anth.

Until whenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon