Chapter 4

7 1 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo at ganyan ang set-up namin ni Anth. Hatid sa room, sabay maglunch at hatid sa bahay. Nasanay na din sila Ri.

Natapos ko na yung reports ko kaya laking pasalamat ko at nagstretching. Woh! Nakakapagod. Tiningnan ko si Anth na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanyang laptop. Nasanay na kaming magkasama gagawa ng mga requirements namin kaya eto nasa coffee shop kami. Sinilip ko kung ano yung nasa laptop niya.

"Aray! Bat moko binatukan?" gulat na tanong ni Anth sakin. Jusko! Akala ko pa naman kung ano yung tinitingnan niya.

"Akala ko kasi ano na yang tinitingnan mo. Napakaseryoso kase eh nanonood ka lang pala ng spongebob" nagulat talaga ako ewan ko ba. Anth? Spongebob? Parang ang labo naman. Natawa siya tsaka inanyahan ako na manuod din pampatanggal stress. Nakinuod na din ako. Gusto ko din naman si spongebob eh.

Lumipas ang ilang minuto ay napagdesisyonan namin na lumipat para kumain. Natapos na din siya sa mga kailangan niyang gawin.

Habang kumakain kami tumunog yung cp niya. Napatingin ako sa caller, si Ri pala. Nagpaalam muna siya na sasagutin niya muna yung tawag. Tumanggo nalang ako tsaka kumain. Sa bawat subo ko ay napatanong ako kung ano ba kami ni Anth? Close friend? Special friend? Best friend? Ay ewan. Napagkamalan na nga kami na magjowa. Aish! Nu ba tong iniisip ko.

"Tinanong ni Ri kung tapos ka na ba daw aa ibang requirements mo tsaka inasar naman tayo."

"Hilig talaga yan mang-asar ewan ko. Hayaan mo na lang. Mapapagod din yan sa kakaasar." tumayo na kamo tsaka hinatid na niya ako pauwi.

Pagdating ko sa bahay ay nakatanggap ako ng message galing kay Anth.

From: Manong Anth

May pupuntahan muna ako sandali bago umuwi. Pahinga ka diyan. Itext nalang kita kapag nakauwi na ako.

To: Manong Anth

Sige. Ingat ka.

Nagpahinga muna ako. Dami ko kasing ginawa kanina eh. Buti na pang talaga natapos na.

"Sheki! Andito na sila mama" sabi ni kuya na nasa labas mg kwarto habang kumakatok. Bumangon ako tsaka lumabas.

"Oh? Anong mukha yan? Sobrang pagod natin ah?" hindi na ako umimik at bumaba na. Nagugutom na ako eh tsaka miss ko na luto ni mama. Kumain na kami tsaka nagkukwentuhan sa mga naganap nitong nakaraang linggo.

"Ri, hindi ba pumasok kuya mo?" tanong ko. Kakadating ko lang sa room at habanf papunta ako dito ay hindi ko mahagilap si Anth. Late ata? Pero kapag late siya ay magtetext naman yun.

"Ah hindi. Hindi ba niya sinabi?"

"Hindi eh. Bakit daw? Asan siya?"

"Miss mo agad? Kaninang umaga pa siya nakauwi. Nakipag-inuman kase sa mga kaibigan niya, napasarap ata. Alam mo naman na ang tagal niya sa Canada."

"Ah. Sige. Salamat Ri."

Dumating na prof namin as usual new lessons na naman tsaka mga kailangang isubmit.

Pagkatapos ng klase namin ay agad na akong umuwi. Wala naman ako ibang gagawin.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko sila kuya at papa. Nakauwi na pala sila kanina lang. Buti na lang at makapagstay sila sa bahay ngayong weekend.

"Oh, bunso. May lakad ka ba bukas?" tanong sakin ni kuya habang nakatingin sa kanyang cp. May bagong babae na naman ata.

"Wala. Magpapahinga lang ako. Nakakapagod lumabas ng bahay." gusto ko talaga buong araw ako magpapahinga bukas. Tinatamad din ako lumabas. Sila Cha ay ganun rin. Grabe naman kasi yung mga ginawa namin these past few weeks. Daming kailangan gawin.

Until whenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon