Chapter 10

1 0 0
                                    

"Bihis na bihis ang aming mahal na prinsesa ah" bungad sa akin ni mama nang makababa ako.

"May date yan ma. Akalain mo may nagkamali na patulan tong prinsesa nat- aray!"

"Boom sapol" tinawanan at binato ko si kuya ng unan. Ang aga-aga eh nang-aasar na naman. Palibhasa wala siyang kadate ngayon.

"Kawawa si Anth sayo. Napakasadista mo."

"Talk to my hand, kuya" pang-aasar ko sa kanya sabay tinabunan ko ang mukha niya gamit ang isa kong kamay.

"Kayo talaga para kayong mga aso't pusa. Walang oras na hindi kayo nag-aasaran." panenermon sa amin ni papa.

Pagkatapos sa sermon ni papa ay sakto namang tumunog ang doorbell.

"Ayan na sundo ko. Uuwi ako mamaya ma, pa." sabay halik ko sa kanilang pisnge.

"Kahit wag kanang umuwi" sabat na naman ni kuya.

"Sabihin mo mamimiss mo lang ako eh. Pakipot."

"Kadiri ka. Ilang oras ka lang naman mawawala sa bahay."

"Nyenyenye. Mamimiss mo lang ako. Bye."

"Goodmorning manong!" bati ko kay manong guard na sinuklian din ako ng pagbati. Napalakas yata yung pagbati ko kase pati si Anth na nasa labas ng gate ay napalingon. Napatawa ako akala yata niya na siya yung binati ko.

"Hindi ikaw yung binati ko. Wag assuming."

"Manong ka kase ng manong eh."

"Tara na nga. San ba tayo papatungo?"

"Hindi ko na kasi alam"

"Hinahanap ang sagot sa mga bakit"

"Hindi ko na kasi alam"

"Hindi ka na nakikinig"

"Hindi ka na kinikilig"

"Hindi ka na natutuwa"

"Pag may pasalubong na isaw"

"Tama nga yan. Andar na." pareha kaming napatawa sa kabaliwan namin.

"Nakikinig ka din pala ng mga kanta ni Jroa?"

"Yun lang ang alam ko. Ano nga ulit title nun?"

"Oks lang ako."

"Ah oo yan. Palagi ko kasi yang naririnig sa kwarto ni kuya. Nung naghiwalay sila ni ate Jess, naging theme song niya ata yan kaya ayun mamemorize ko tuloy."

"Nagkaroon na pala ng heartbreak yang si bayaw. Eh ikaw?"

"Oo nagkaroon na din pero goods na kami nun. Mutual kasi yung break-up namin."

"Ah."

Lumipas ang ilang minuto ay nabingi na ako sa katahimikan. Ngina! bat napakatahimik nitong katabi ko? Pasimple ko siyang tiningnan. Ay shuta! Bigla din siyang tumingin sa akin kay nagkasalubong yung mga titig namin.

"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman."

"Neknek mo. Ano nga? Isa."

"Wala nga She. Eto naman. Pinapahinga ko lang tong bibig ko sa kadaldal."

"Sus di ako naniniwala. Ano nga? Dalawa."

"Tatlo. Apat. Anim. I-vicks na nga natin."

"Ewan ko sayo. Bahala ka diyan." inirapan ko siya. Tse! Nagtatanong ako ng maayos tapos ganyan siya sumagot? wow ha.

Until whenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon