Chapter 2

73 5 3
                                    

Isang linggo na mula noong pasukan wala pa rin akong nagiging bagong kaibigan maliban kila Anas,Shans at Trixie.Sana ngayong araw ay magkaroon na para naman marami na akong makilala sa Maynila.

Sakto kinaumagahan noon,katabi ako ni papa sa jeep nya ng mapansin sa salamin na sumakay si Joshua sa pinakalikod.Hindi nya siguro ako napapansin dahil nakatingin lang ito sa daan.

Parehas kami ng binabaan kaya pagkakataon ko ng magpakilala sa kanya.Masyadong mabilis ang paglalakad nya kaya hinihingal pa ako ng makausap 'to.

"Hello classmate,ako nga pala si Johnson Francisco ikaw?"

tanong ko na hinihingal at sabay abot upang mag shakehands kami.

"Ako si Joshua Faustino",

sagot nyaa sa akin.Nahihiya pa itong makipagshakehands.

"Kilala na kita,na kwento ka na sa akin ni Anas"

sabi ko sa kanya.Tahimik talaga siya at puro tungo lang sa mga sinasabi ko.

"Bakit pala ang tahimik mo?"

pagtatanong ko.Tumingin ito saka ngumiti sa akin kaya ngumiti rin ako.

"Uhm,'di naman talaga ako tahimik madaldal ako kausap nahihiya lang talaga sa tao"

pagpapaliwanag nya na sinang-ayunan ko.Nakikipag-usap naman pala ito ng matino 'kala ko baliw na eh.

Nakapasok na kaming sabay sa paaralan patingin sa silid namin.Hindi kami magkatabi dahil nasa likod ko sya.Nakita ko sa blackboard na may pinapagawa ang guro namin na pangkatan kailangan ay tatlo.Kulang ng isa si Dale at Rod,nahihiya naman akong sumali.

"Psht sa amin ka na"

gulat kong sinabi ni Rod habang tumitingin ako sa kanila.Nagtanong pa 'ko kung ako ba pero oo raw.

"Kailangan ng ballpen at papel para sa gawain"

wika ni Dale.Hawak ni Dale ang papel ngunit wala itong ballpen siguro ay nawala.Kinakapa ni Rod ang bag nya parang naitabi rin kung saan ang ballpen nya.

"'Yung sa akin na lang,yung hiniram ko sayo"

lakas kong sinabi sa kanila.Agad naman sumangayon si Rod dahil naaalala nyang pinahiram nya ako.

"Ito oh"

sambit ko sabay abot ng ballpen.Nagsimula na kaming gumawa at inayos ang mga panuto.Nakakuha naman kami ng mataas na iskor pagtapos kaya tuwang tuwa kami.

"Ayos mataas tayo"

saad ni Dale na tuwang tuwa pa rin.Uupo na sana uli ako ng maayos para sa susunod na asignatura nang magsalita pa si Rod.

"Oo nga pala,ako si Rod ito naman si Dale kaklase ko mula elementary"

pagpapakilala ni Rod sa kanilang dalawa.May naging kaibigan na naman akong bago ang sarap sa pakiramdam.

"Ako naman si Johnson"

sabi ko na nahihiya dahil unang beses ko pa lamang sila nakakausap simula ng nakaraang linggo.

Hindi muna kami kumain nila Shans at Anas dahil sabi ko ay sasamahan ko muna ang bagong kaibigan pumayag naman sila.Magkakasama kami pumunta sa Cafeteria,nakita ko pa sa malayong upuan sila Anas at Shans kasama si Trixie.

"Ano bibilhin nyo?"

tanong ko kila Rod at Dale.Nag-iisip pag ang mga ito habang ako ay nakapili na.Longganisa sa kanilang dalawa,talagang magkaibigan 'to.Bumibili akong softdrink nang mapansin si Trix na bumibili rin.

Rollercoaster LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon