/Isang buwan ang lumipas/
Magugustuhan kaya ito ni Alexis,itong ginawa kong liham,
[Mahal kong Kaibigan,
Pasensya na Alexis ngayon lang ako nakapagpadala bukod sa inalam ko pa ang presyo at padalhan ng liham kaya natagalan saka marami rin ginagawa sa aming paaralan.Huwag mong hahayaan na 'di madiligan ang mga halaman natin d'yan at ang puno na inukitan natin ay kumustahin mo pa rin lagi dahil ang tibay nyan ay parang pagkakaibigan natin.Ayos lang ako rito nakakayanan naman ang buhay Maynila h'wag ka mag alala 'di kita nalilimutan.'Yun lang masyado ng mahaba baka ito'y mahal na.
Nagmamahal mong kaibigan,
Johnson ]Sana magustuhan nya ito.Tinapos ko na gabi pa lamang upang bukas ay maayos na.
/Kinabukasan/
"Pa dadaan ba ang jeep mo patungo sa padalahan ng liham?"
pagtatanong ko kay papa.Kasalukuyang kami kumakain kakauwi ko lang ganoon din si papa baka mamayang hapon ay bumyahe si papa sasabay ako para mapadala itong liham.
"Oo anak bakit?"
balik na tanong na sa akin ni papa.
"May ipapadala po kasi akong liham kay Alexis"
wika ko na kinatungo ni papa.Saka nagsabi na mamaya raw ay sumabay ako.
/Kinahapunan/
Maayos ang porma ko habang nagsusuot na lang ng damit si papa dahil kakatapos lang maligo.Nakaipit sa unang pahina ng librong napulot ko noon ang liham kay Alexis habang ang papel na nasa loob ay nasa huling pahina.Dala ko na rin ang konting ipon ko para maibayad mamaya rito.
"Halika na"
pag aaya ni papa na sinundan ko agad saka umalis na kami.
Malapit na akong bumaba kaya naghahanda na ako,
"Umuwi ka agad ah 'pag tapos"
pagpapaalala ni papa bago ako bumaba ng jeep,agad naman akong sumagot ng opo.
Pumasok na ako sa padalahan ng liham,malaki ito at maraming mga tao na may ginagawa ang iba ay nag assist sa mga magpapadala habang ang iba naman ay binibigay na sa kartero ang isang box na liham na ipapadala nya.
"Dito po ba ang magpapadala sa Visayas?"
saad kong pabulong baka ay mali ako.
"Ay Visayas oo iho"
sabi ng babae na nasa harapan ko.Binigay ko na ang liham saka bayad buti ay halagang sampung piso lang ito.May pinasulat pa sya sa akin parang ang nagpadala at pagdadalhan pati na ang address.
Mabilis lang pala 'yun akala ko ay magtatagal pa ako o maghihintay.Uuwi na sana ako nang maisipan dumaan sa Rollercoaster Love upang tignan muli ito lalo na ang mga larawan kung nadagdagan ito.
Sumakay ako patungo roon,tinitignan ko ang relo ko maaga pa naman aabot pa ang binigay na oras ni mama sa akin.
Pagdating ko ay naghihiyawan pa rin ang mga taong nakasakay ngayon at marami ang nakapila upang maranasan ang kasiyahan na dulot nito.
"Malapit na ako makasakay dyan"
saad ko sa sarili ko.Sa septyembre na kasi ako makakapasok dito sa bday ni Anas malapit na dalawang buwan na lang.
Tumungo na agad ako sa hardin hawak ang libro na napulot ko rito.Pagpasok ay nakita ko ang mga bagong larawan ng mga taong naging masaya sa pagsakay dito saka mga halaman na tumubo na at makukulay.
Tinignan ko ang bandang hulihan kung saan ko nakita ang libro na walang sulat.Nandoon pa rin ang larawan na nakita ko,sinulat ko sa papel ko na nasa huling pahina ang nasa larawan na mga nagaaway na tulisan laban sa mga mag armas.
BINABASA MO ANG
Rollercoaster Love
Romance"Sasakay ka pa ba sa mala rollercoaster na pag-ibig na ito?" Si Johnson na nagsimula na walang alam hanggang sa nalaman ang larong sinasabi nilang pag-ibig,na gusto maranasan kung paano magmahal at mahalin,kaya isinulat nya ito sa isang libro.Na ang...