Chapter 3

55 3 0
                                    

/Makalipas ang tatlong buwan/

Nakasabit ang mga parol sa mga pintuan ng tahanan simbolo ng malapit na ang pasko.Uno ng Disyembre ngayon nararamdaman ko na ang lamig at saya.Ito ang unang pasko ko sa Maynila.

Ngunit pagod na naman akong umuwi sa bahay.Madalas nagsusulat lang kami sa silid,wala masyadong nagaganap sa eskwelahan.Pagbukas ko ng pinto diretso higa agad ako sa kutson namin nila Chris kasalukuyan itong nasa baba kumakain.

Nakita ko na may Rollercoaster sa harapan ko na 'di umaandar,walang katao tao at nagdidilim ang buong paligid na ani mo'y abandonado na ito kaya nataranta ako dahil biglang gumalaw ang mga gulong nito.Tatakbo na sana ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko na babae nakakapagtaka dahil 'di ko makita ang mukha dahil ito'y lalong dumidilim kapag tinitignan ko.

"Sino ka?at Bakit nandito ako?"

tanong ko sa kanya at tinanggal ang paghawak nya sa akin ngunit hindi nya ito sinagot bagkus bumulong lang.

"Magbubukas na ang pinakahihintay ng lahat"

tawang demonyo nya at biglang nawala sa kadiliman.

Pinikit ko agad ang mata ko inisip na nanaginip lang ako.Pagmulat ko ay ginigising na pala ako ni Chris kanina pag.

"Kuya,kumain ka raw po ron"

saad ni Chris habang pinagmamasdan ako.
Kinabahan siguro sya dahil pawis na pawis ako,'di mapalagay sa kinahihigaan at hinahawakan pa ang puso.

"Anong nangyayari sayo kuya?"

pagtataka nyang tanong sa akin dahil parang wala ako sa sarili at matagal ang paggising nya sa akin.Nanaginip lang pala ako.

"Wala,nananaginip lang"

sagot ko na sinangayunan habang mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.Bumaba na Chris.

Kumukuha ako ng pinggan na marinig sa balita na may magbubukas daw na parke sa Maynila.Kaya agad ko itong tinignan saka pinakinggan.

"Magbubukas na ang pinaka inaabangan ng lahat kung saan masisiyahan ka sa pinaka ginandahan nilang Rollercoaster Love sa ikalawang linggo ng Disyembre na"

wika ng reporter na nagbabalita.Nagtataka naman ako dahil baka may kaugnayan ito sa panaginip ko ngunit 'di ko na lang inisip.Tinignan ko ang lugar maganda ito ang sarap siguro puntahan.

"ang ganda doon pupuntahan ko talaga yun"

bigla kong napasabi.Tumayo na ako upang uminom ng malamig na tubig dahil kakatapos ko lang kumain at maghugas na rin.

/Dalawang linggo ang lumipas/

Gumising ako mga mag aalas dyis na.Sabado ngayon may jogging pala kami nila papa at Chris ngunit 'di ako nagising ng maaga 'di tuloy ako nakasama.Sa PICC sila dahil maganda raw doon ng makita ni papa ito.

Dalawa lang kami ni mama ngayong oras sa bahay ngunit nasaan siya bakit wala sya sa kusina o kaya sala.Nakita ko ang niluluto sa kusina na para sa tanghalian.Sigurado akong luto ni mama ito dahil ang nagturo sa kanya magluto nito ay si lolo.Adobo na isa rin sa paborito ko.

"O' adobo hindi ka maloloko dahil sa lasa nito"

napapakanta kong sabi.Nagugutom na pala ako.

Umupo muna ako sa sala habang hinihintay si mama.10 minuto lumipas dumating na si mama dala ang toyo't suka na binili nya.

"Mama saan ka galing ba't ang tagal mo?"

tanong ko sa kanya.Nagpunas naman ito ng pawis saka tumingin sa akin.

Rollercoaster LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon