"Lo"
sambit ko habang naglalakad kami ihahatid s'ya sa sakayan.Gusto kong malaman kung may alam sya sa Cavite De Pansiteria dahil malapit lang ito sa tahanan nya.
"Bakit apo?"
pagtatanong ni lolo.Alam kong sa kolehiyo nya pa sasabihin lahat ngunit kahit kaunti gusto ko malaman ang mayroon sa Cavite.
"Ano po ang mayroon sa Cavite de Pansiteria?"
balik kong pagtatanong.Napahinga nang malalim si lolo bago ako sagutin,tanaw na namin ang jeep na sasakyan nya.
"Apo malalaman mo rin ngunit ang masasabi ko lang ay isa ito sa pinaka masarap kainan sa Cavite at kaaya aya"
sagot ni lolo sa akin sabay ngiti.Nagpaalam na s'ya sa amin nila Chris at papa saka muli na lang babalik sa susunod na buwan.Isang beses sa isa o dalawang buwan kami dinadalaw ni lolo sa Maynila.
"Anak bakit ganoon ang tanong mo kay papa?"
pagtatanong ni papa.Paakyat na sana ako upang gumawa ng takda,kakatapos lang namin kumain.
"Alin po 'yun?"
pagtataka kong tanong dahil baka iba ang ibig sabihin ni papa.
"Yung tungkol sa Cavite at 'yung larawan noong nakaraang gabi?"
wika ni papa.Naririnig pala ni papa ang mga tanong ko kay lolo akala ko ay wala siyang pakialam bagkus nakatutok sa TV.
"Wala po pa,napanood ko lang po kasi"
pagpapalusot ko kay papa na sinang-ayunan naman nya.Umakyat na ako sa taas upang gawin ang takda habang iniisip ko na tama lang na 'di ko sabihin sa kanila ang mga napapaginipan ko datapuwa't 'di lang sila maniniwala.
/Kinabukasan/
Pinayagan na ako ni mama sa sa magaganap na kaarawan ni Anas,ayos lang naman daw dahil kaibigan ko naman ito.Tatlong Linggo na lang gaganapin na 'yun.
"Ma maari ba akong umalis mamaya?"
pagpapaalam ko dahil naisipan kong bumili ng damit para susuotin ko doon.
"Saan ka pupunta?"
pagtatanong ni mama.Nagwawalis sya ngayon at naglilinis ng sala.
"Sa Mercado lang po bibili ng damit"
wika ko na sinang-ayunan ni mama.Humingi ako rito ng pera habang ang pera na dala ko naman ay pangkain at pamasahe lang.
"Kuya sama ako"
paghabol ni Chris.Nagsusuot na ako ng tsinelas habang siya ay nakaporma na rin kaya sinama ko na lang.Maghati na lang kami sa kakainin namin mamaya.
"May dala ka bang pera?"
tanong ko habang naghihintay kami nang masasakyan.Saktong Sabado ngayon kaya maraming bagong labas na damit kasabay na maraming tao.
"Pamasahe lang po eh,humingi ako kay papa"
sagot nito.Sumakay na kami patungo sa Mercado.Pagkababa ay maraming tao ang bumibili sa ibat ibang klase ng bagay.
Nadaan namin ang bilihan ng libro kaya naisipan kong pumasok dito.Ang tagal ko na ring hindi nakapasok dito simula no'ng nagkalibro naman na ako saka may takda rin lagi.
"Tingin ka lang d'yan ah dito lang ako"
saad ko kay Chris.Pinuntahan ko ang hanay ng bagong libro ang nilalabas,walang tao rito siguro ay 'di nila gusto ang bagong labas.Nang tignan ko ito ay ang titulo ay Rollercoaster Love binuklat ko ito at nakita ko ang papel na sinulatan ko na mga panaginip ko may mga sulat na ito bawat pahina kaya nagulat ako bakit nandito ito.
BINABASA MO ANG
Rollercoaster Love
Romance"Sasakay ka pa ba sa mala rollercoaster na pag-ibig na ito?" Si Johnson na nagsimula na walang alam hanggang sa nalaman ang larong sinasabi nilang pag-ibig,na gusto maranasan kung paano magmahal at mahalin,kaya isinulat nya ito sa isang libro.Na ang...