Araw ngayon ng mga guro kaya wala masyadong gagawin ngayong araw mayroon lang magaganap na program.Mag aalas syete na ako pumasok dahil ganoon din ito magsisimula,nakita ko pa sila Rod nagsisitayuan sa pila namin siguro ay nakita na nila ako.
"Yung sopresa natin kay maam ah"
sambit ni Shans.May magaganap palang sopresa kay maam kaya pala ang iba ay wala rito sa baba siguradong naghahanda na sa silid namin,tinatalakay sa programa ang pagpupunyagi sa ating mga huwarang guro na nag-alay sa dugo't pawis sa pinakamamahal na serbisyo.Umakyat na ang lahat habang may natirang dalawa para linangin si maam bago umakyat,nakita kong maayos ang sopresa nilang ginawa wala akong ambag masyado rito siguro ay sa pagbili lang ng mga kagamitan.Nakita naming umaakyat na si Gng.Casaljay sa hagdanan kaya sinarado na namin ang pinto para akalain nya walang tao o wala kami roon.
"Surprise maam"
sabay sabay naming sigaw na kinagulat ni maam.Hindi pa makapaniwala si maam sa ginawa namin ay isa isa na kaming nagbibigay ng bulaklak habang ang mga babae naman ay nagbibigay ng kanilang mga liham,namumuo na ang mga luha ni maam Casaljay.May nakalatag na ring pansit na pagsasaluhan naming lahat kasama ang guro namin.
"Salamat mga anak"
naluluhang sabi ni maam,kanina nga ay 'di pa to naniniwala ngunit nakumbinse rin namin.Wala nang masabi si Gng.Casaljay ng mga oras na 'yun pumipila na rin ang lahat upang makakuha ng pagkain na pinangungunahan ni maam.Naisipan kong puntahan si Trixie sa taas lang naman namin ito,pagkasilip ko ay nakita kong nagsasalita pa ang guro nila habang sumesenyas na ako sa labas nila sa kanya na tinatawag ko sya.Hinayaan lang naman itong lumabas bagkus nandoon naman ang iba nyang kaklase.
"Bakit?"
bungad nya sa akin.Balak ko syang yayain kumain binigyan din ako ni lolo ng baon kaya nadoble ang pera ko ngayon kaya ililibre ko sya.
"Kain tayo sa baba"
sambit ko na pinagiisipan nya pa kung papayag sya.Tumingin pa sya sa silid nila bago tumungo saka nagsimula na kaming lumakad.Nauuna sya sa akin sapagkat kinuha ko pa 'yung pera ko sa bag ko nang mahawakan ko ang kamay nya sa hagdanan na kinatingin namin sa isa't-isa.
"Tara na"
pambasag n'ya na kinagising ko rin sa katulalaan.Pagpasok ay wala masyadong tao dahil ang lahat ay nandoon sa program nakikisaya pa sa kanilang mga guro,pumila na kami para bumili.Gusto kong kumain ng manok ngayon habang si Trixie ay kinuha lang ay ham.
"Ako na po magbabayad nitong dalawa"
saad ko sa tindera nakaturo sa mga pinggan namin,tumingin naman sa akin si Trix siguro ay 'di nya akalain na ililibre ko sya.Pagkaupo namin ay nagsalita agad ito,
"Anong meron?"
tanong nya.Naririnig pa namin sa labas ang kanta ng Eheads,
"Nakita kita sa isang magasin"
panimula nong kanta.Pinapakinggan ko ito habang kumakain kami,paglabas namin ay marami pa ring estudyante kumakanta para sa mga guro nila kitang kita sa mata ng mga guro ang kasiyahan na 'di maipaliwanag.
"Iba na ang 'yong ngiti,iba na 'yong tingin"
sabay naming kanta ni Trix sa chorus nito.Pagkatapos ng kanta ay marami nang nagliligpit tapos na ang programa kaya maya maya aakyat na kami.
"Nagbabasa ka ba ng libro?"
sambit ko.Gusto ko sana sabihin na sa kanya 'yung libro kong napulot kaso baka 'di sya maniwala sa mga panaginip ko na nakasulat sa papel doon.
"Hindi pero kung kinakailangan bakit hindi,bakit mo natanong?"
sagot nya sa akin na binalikan ngtanong.Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanya kapag sisimulan ko na 'yung pagsusulat nito.
BINABASA MO ANG
Rollercoaster Love
Romance"Sasakay ka pa ba sa mala rollercoaster na pag-ibig na ito?" Si Johnson na nagsimula na walang alam hanggang sa nalaman ang larong sinasabi nilang pag-ibig,na gusto maranasan kung paano magmahal at mahalin,kaya isinulat nya ito sa isang libro.Na ang...